Pagkatapos ng kanilang beach wedding sa Balesin Island Club sa Quezon Province noong April 20, hindi pa nakakapag-honeymoon ang mag-asawang Billy at Coleen Crwaford.
Ayon kay Billy, abala siya sa kanyang showbiz commitments habang focused naman si Coleen sa kanilang bagong bahay.
Ito ang dahilan kaya ipinagpaliban muna nila ang kanilang honeymoon.
Aniya, "Not yet, pagkatapos muna ng mga trabaho namin. Right now, she's working on the house kasi bagong lipat lang kami."
Dagdag ng singer-TV host, "I feel blessed, really, really blessed."
Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News si Billy sa set ng ASAP noong Linggo, May 20.
Sinabi rin niyang hindi sila nagmamadali ni Coleen na magkaroon ng anak.
"No, not yet.
"Enjoy-in na muna namin yung kasal namin, married life muna."
Ano ba ang pakiramdam ng bagong kasal at paano niya ide-describe si Coleen bilang asawa?
Sagot ni Billy, "Wonderful, sobrang saya. It's just blessing after blessing after blessing, so sobrang thankful."
Pagtukoy naman niya sa asawa, "Wonderful—there's no other words to describe her.
"She's an amazing wife, she takes care of me, she takes care of the house, she takes care of everything."
Iba raw ang nararamdaman ni Billy kapag ipinakikilala niya si Coleen bilang kanyang kabiyak.
"Of course, it sank in naman talaga, yun naman ang point nun, e.
"Ang sarap lang ng pakiramdam, 'Hi, this is my wife.'
"May kilig every time."
COLEEN'S PET DOG. Sa mismong araw ng kasal nila ay namatay ang aso ni Coleen na inalagaan nito sa loob ng maraming taon.
Nag-post pa si Coleen ng tribute para sa kanyang aso matapos ang kanilang wedding ni Billy.
Ayon naman sa TV host, "Yes, hindi naman siya actually nalungkot, because it happened the day of our wedding. Yung post niya just says everything."
YOUR FACE SOUNDS FAMILIAR. Ngayon ay napapanood si Billy bilang host ng second season ng Your Face Sounds Familiar Kids.
Para sa kanya, isang magandang experience palagi na mag-host ng show na bata ang mga contestant.
Aniya, "Sanay na tayo sa mga bata. Nag-Little Big Shots na tayo, nag-Your Face Kids na, sobrang saya.
"Wala namang challenge, ang mga bata ay masarap panoorin, masarap kulitin, so ayun."
