Bagamat nalalapit na ang Final Battle ng mga natitirang kalahok ng reality star search ng GMA-7 na Protégé: The Battle For The Big Artista Break, walang tensiyon na mararamdaman sa headquarters na tinutuluyan ng Final 6. Binisita ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sina Ruru Madrid, Jeric Gonzales, Mikoy Morales, Elle Ramirez, Zandra Summer, at Thea Tolentino noong Oktubre 10, Miyerkules, sa Protégé quarters, sa may Quezon Avenue, Quezon City.
Magkakalaban man sila sa entablado, pagdating sa kanilang naging "tahanan" sa loob ng tatlong buwan ay malapit ang loob ng anim sa isa't isa. Wika nga ni Ruru, 14, "Bale wala na yung competition, mas nauna yung pagkakaibigan."
So Oktubre 21, Linggo, ipapahayag ang dalawang magwawagi, isang lalaki at isang babae, sa Protégé: The Battle for the Big Artista Break.


















