PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

May reunion ang Alicante family sa "Maria Flordeluna"

Malapit na ang pagtatapos ang ABS-CBN drama series na ito.
by Jocelyn Dimaculangan
Published Jun 4, 2007
Ano ang magiging kapalaran nina Reneboy at Flordeluna? Alamin ang kasagutan sa Maria Flordeluna gabi gabi sa ABS-CBN Primetime Bida.

Ngayong linggo sa Maria Flordeluna, pagkatapos ng matagal na panahong magkahiwalay, magsasama na muli ang mag-amang Flor (Eliza Pineda) at Leo (Albert Martinez). Makakarating naman ang good news na buhay si Leo kina Reneboy (Nash Aguas), Wilma (Kristel Fulgar) at Jo (Eula Valdes). Samantala, gugulatin si Isagani (Mark Dionisio) sa pagbisita ng buhay na buhay na si Gen. Alicante, isasauli naman nito ang murder tape sa kanya. Makakausap din ni Leo ang pamilya niya, pero nang ibigay ang telepono kay Jo, wala itong kibo pero tumulo naman ang luha niya. Ito na kaya ang makakapagpagaling kay Jo?

Samantala, hirap si Brigida (Liza Lorena) na ibalik ang dating relasyon nila ni Wilma, dahil sa pagbunyag na ampon ito. Matapos ng labis na pagsuyo, mapapatawad din siya ng kanyang apo, at sa sobrang pagmamahal ni Wilma sa kanyang mamita, sinabi na nito sa kanyang lola ang plano ni Leo na itakas silang lahat. Napaisip naman si Brigida dahil sa isip niya galit pa si Leo sa kanya. Nang isagawa na ang planong pagtakas, biglang dumating sina Gary at mga tauhan niya. At sa harap ng pamilyang Alicante, babarilin ni Gary si Leo. Ito na ba ang katapusan para kay Leo?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Huwag palampasin ang aksyon sa mga final episodes ng Maria Flordeluna, simula ngayong Lunes pagkatapos ng TV Patrol World sa primetime bida, dito lang sa ABS-CBN.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ano ang magiging kapalaran nina Reneboy at Flordeluna? Alamin ang kasagutan sa Maria Flordeluna gabi gabi sa ABS-CBN Primetime Bida.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results