PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

The Filipino Channel airs Manny Pacquiao-Antonio Margarito bout live from Texas

The pay-per-view broadcast will be aired live from Cowboys Stadium in Arlington, Texas.
Published Nov 13, 2010
Manny Pacquiao stakes his claim for a historic eighth world championship when he takes on Antonio Margarito on November 13, 2010 (November 14, Manila time). The Filipino Channel offers subscribers with a pay-per-view broadcast that will be aired live from Cowboys Stadium in Arlington, Texas.

Sa November 13 (November 14 sa Manila, ME , EU and Aus), magaganap ang World Super Welterweight Championship fight nina Manny Pacquiao at ang Mexican boxer na si Antonio Margarito.

Ang laban ay ihahatid ng The Filipino Channel (TFC) live mula sa Cowboys Stadium sa Arlington, Texas.


Matutunghayan ng mga TFC subscribers mula sa Middle East, Europe at Australia ang eksklusibong pay-per-view broadcast ng nasabing sagupaan. At upang maging mas mainit ang panonood ng Global Pinoys, magbibigay ng ringside analysis ang beteranong sportscasters na sina Ronnie Nathanielsz at Ed Tolentino.

"Laging exciting panoorin si Manny sa mga laban niya," ani ABS-CBN Global Content Head Ned Legaspi. "Para sa amin sa TFC, mas matunog para sa ating mga Kapamilya na mapanood ang mga laban ni Manny na naririnig ang ating sariling wika."


Matatandaan na naging bahagi rin ang TFC sa mga nakaraang makasaysayang laban ng Pambansang Kamao ng Pilipinas, tulad nang kanyang talunin ang mga boxing champs na sina Oscar dela Hoya, Erik Morales, Juan Manuel Marquez, at Miguel Cotto.


Nais ni Margarito na talunin si Pacquiao upang ayusin ang kanyang reputasyon na nabahiran ng kontrobersya. Sa kanyang pananaw, kapag tinalo niya ang tinaguriang pound-for-pound best fighter alive today, muling mamamayagpag ang kanyang pangalan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Inaabangan din ang laban na ito dahil ang panalo ni Manny ay magbibigay sa kanya ng kanyang pang-walong titulo, na siguradong maitatala na naman sa libro ng kasaysayan ng boksing.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Manny Pacquiao stakes his claim for a historic eighth world championship when he takes on Antonio Margarito on November 13, 2010 (November 14, Manila time). The Filipino Channel offers subscribers with a pay-per-view broadcast that will be aired live from Cowboys Stadium in Arlington, Texas.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results