PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Kim Atienza keeps fans updated through Twitter

The August 15 episode of Matanglawin will air the daring escapades of its host.
Published Aug 14, 2010
The August 15 episode of Matanglawin will look back on the escapades of host Kim Atienza in celebration of the 2nd anniversary of this trivia show.

Nagulat ang lahat kamakailan sa biglaang paglabas ng balitang na-mild stroke si Kuya Kim.

Marami ang nag-alala ngunit sa ngayon panatag na ang lahat dahil nasa maayos at ligtas na kalagayan na ang Trivia King at inoobeserbahan na lamang sa ICU bago tuluyang makalabas ng ospital.

Bagamat nakaratay sa kama ay hindi pa rin nagpaawat si Kuya Kim sa pagti-tweet sa kanyang mga taga-suporta. Nitong Sabado ng umaga lang, sinabi niya sa kanyang Twitter account na "Good morning everyone! This is me tweeting from my hospital bed. A few more days in ICU God is good!"

Nagbigay din ito ng trivia tungkol sa dalawang uri ng stroke at ipinaliwanag kung alin sa dalawang ito ang stroke na pinagdaanan niya.

Hindi na nakapagtataka sa ilang na malagay sa alanganin ang kalusugan ni Kuya Kim dahil sa sobrang subsob nito sa trabaho. Ngayong Linggo (August 15), magbabalik tanaw ang kanyang programang Matanglawin sa kanyang mga naging mapangahas na adventures sa ikalawang taon nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Mula sa pagharap sa mapanganib na mga hayop, pagbaba sa bunganga ng bulkan, pamumuhay mag-isa sa gubat, hanggang paglilinis sa Payatas, sinuong lahat ito ni Kuya Kim sa ngalan ng pagbabahagi ng kaalaman.

Abangan ang lahat ng iyan sa Matanglawin ngayong Linggo (August 15) 9:30 ng umaga, sa ABS-CBN.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
The August 15 episode of Matanglawin will look back on the escapades of host Kim Atienza in celebration of the 2nd anniversary of this trivia show.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results