Kamakailan ay na-feature sa website ng The Insider noong Tuesday (June 15) ang pagbuo ng Bureau of Corrections Grand Orchestra and Chorale sa New Bilibid Prison in Muntinlupa.
Ang The Insider ay isa sa kilalang entertainment shows sa U.S. at napapanood ito sa iba't ibang bansa sa buong mundo.
Tumugtog ng mga Broadway medleys at Tagalog love songs ang 100-member na orchestra and chorale sa kanilang first public concert sa loob ng maximum security penitentiary noong nakaraang Martes (June 15) sa harap ng mga prison officials, mga kamag-anak at media.
Ang mga miyembro nga ng naturang orchestra at chorale ay binubuo ng mga convicts na may nagse-serve ng life sentences for murder and iba pang mga nakakulong dahil sa iba't ibang kaso.
Proyekto raw ito ng mga prison officials at organizers para maipakita ang musical talents ng kanilang inmates at maihanda yung iba sa kanilang paglaya balang araw.
Hindi raw malayong mapanood ang concert ng naturang orchestra sa YouTube tulad sa nangyari sa Cebu provincial inmates na sumasayaw sa mga iba't ibang kanta ni Michael Jackson. (CLICK HERE to read related article)
Nabibigyan raw ng ibang dibersyon ang mga inmates at ang pagtugtog raw ng musika ay nakakawala ng tensyon at pagkabagot ng maraming inmates sa loob ng bilibid. May kasabihan ngang "music soothes the savage beast."
Ito ay patunay na kahit saan man naroon ang Pinoy, ang pagkahilig natin sa musika ay hindi mawawala.
