Nasa ika-lima at huling performance na ngayong Sabado, July 18, sa Talentadong Pinoy ang 13-taong-gulang na batang si Joshua Rafael Davis, kilala bilang Yoyo Tricker na hindi lamang nagpahanga sa mga manonood ng kakaibang galing niya sa yoyo exhibition kundi umantig din sa damdamin ng napakaraming tao dahil sa kuwento ng pagpanaw ng kanyang kapatid na kasama niyang nangarap na makilala sa larangang pinasok niya.
Nagtala ng napakataas na viewership ratings ang episode ng Talentadong Pinoy noong Sabado, July 11,
ang ikaapat na linggo na naipanalo ni Joshua ang titulo niya bilang
defending champion, at iniluklok nito ang programa bilang No. 1 sa
whole day ratings, base sa audience share figures na galing sa AGB-NMR
MegaTAM Total Individuals ratings report. Nakapagtala ang Talentadong
Pinoy ng 26.2% ratings (38.4% audience share ratings) na highest among
all local TV shows sa buong araw noong Sabado. Tinalo ng Talentadong Pinoy hindi lang ang mga katapat at kalaban nitong talent shows na Are You The Next Big Star? ng GMA-7 at The Singing Bee ng ABS-CBN, kundi maging ang iba pang top-rating shows ng dalawang bigating networks.
Marami talaga
ang sumusubaybay sa pakikipagsapalaran ng batang Yoyo Tricker na si
Joshua at napamahal na din sya sa mga manonood. Bukod sa kanyang
angking talento sa yoyo exhibition, naniniwala si Joshua na bahagi ng
kanyang tagumpay ay ang patuloy na pagsubaybay ng kanyang mahal na Kuya
Bugoy na namatay sa brain cancer noong April 20 kung kelan
nagpe-prepare sana silang magkapatid na magkasamang mag-audition sa
naturang reality talent show ng TV5.
Idea ng
magkapatid na sumali sana sa Talentadong Pinoy at mag-perform bilang
partners pero hindi na nga ito nangyari dahil pumanaw ang Kuya Bugoy ni
Joshua bago pa sila nakapag-audition. Nalungkot man sa pagkawala ng
kanyang kuya, ipinagpatuloy ni Joshua ang pangarap nilang magkapatid at
sumabak pa din siya sa Talentadong Pinoy auditions noong June 1.
"Inaral ko po yung ibang hindi ko pa perfect na tricks," ani Joshua, na inaming
kinailangan niyang i-modify ang mga napag-aralang yoyo tricks para sa
kanyang solo performance.
At hindi nga
nabalewala ang paghihirap ni Joshua dahil itinanghal siya bilang
Talentadong Pinoy winner noong June 20, ang araw ng ika-17 na birthday
sana ng kanyang yumaong kuya. Sa paniniwalang hindi siya iniwan ng
kanyang kuya at kasama pa din niya itong inaabot ang kanilang pangarap,
ipinagpatuloy ni Joshua ang kanyang winning streak sa reality talent
show sa mga sumunod pang linggo. Nanalo na siya ng total of P200,000 at
madadagdagan pa ng P50,000 ito kung makukuha niya ang ika-lima niyang panalo.
Ayon pa kay Joshua, inaalay niya raw ang lahat ng laban niya at tagumpay sa kanyang Kuya Bugoy.
Kapag nakapasok si Joshua sa Hall of Fame, siya ang tatangahalin na pinakabatang miyembro ng Hall of Fame. Ang mga nakaraang titleholders ay ang "The Acrobatic" Gutierrez Family and Wan Lu the puppeteer.
At ngayong
Sabado, July 18, malalaman na kung maisasakaturaparan ni Joshua ang
pangarap nilang magkapatid sa kanyang huling bid para ipagtanggol ang
kanyang titulo bilang Talentadong Pinoy. Kayanin niya kaya ang mga
bagong makakalaban niya na may angking iba't ibang talento para
makapasa sa panlasa ng mga hurado at maitanghal bilang Talentadong
Pinoy Hall of Famer?
Huwag palagpasin
ang kaabang-abang na episode ng Talentadong Pinoy ngayong Sabado, 7:00
ng gabi sa TV5, at tunghayan ang huling pagtatanghal ni Yoyo Tricker
para maabot ang kanyang pangarap.