PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Pasang Krus rated PG-13 by MTRCB

This indie film also starring Joross Gamboa and Empress Shuck is now being screened in SM cinemas.
by Rose Garcia
Published Apr 1, 2009
Rosanna Roces allwoed herself to be nailed to a cross to make this scene believable in Pasang Krus. This indie film is now being screened in SM cinemas.


Ngayong araw na ito, April 1, ang official first showing day ng indie film na Pasang Krus na pinagbibidahan ni Rosanna Roces. Pero noong Monday ng gabi, nagkaroon ng premiere night ang movie sa SM Megamall kungsaan dumalo mismo si Rosanna at ilang miyembro ng cast tulad nina Joross Gamboa and Empress Shuck.

Ilang minuto bago magsimula ang screening ay nagkaroon ng pagkatataon ang PEP (Philippine Entertainment Portal) na makausap ang mismong director ng movie na si Neil "Buboy" Tan.

Ayon sa kanya, matagal na raw na nasa kanya ang script at matagal na raw niyang gustong-gustong gumawa ng ganitong klase ng pelikula.

"Matagal ko ng gustong gumawa ng ganitong klase ng pelikula na ibalik yung panahon nina Lolita Rodriguez. Isang tearjerker movie na para sa mga ina, para sa mga anak kasi, bata pa lang ako, paborito na namin ng mommy ko na manood ng mga Rosa Mia movie, Lolita Rodriguez.

"Actually, ever since ito ang mga klase ng pelikulang gusto kong gawin. Kasi, noong mga nakaraang panahon, na-line-up ako sa pagiging bold director. Feeling ko, it's about time na makagawa ng isang tearjerker movie kasi, matagal ng walang tearjerker movie, e."

Nakakasigurado raw si Direk Buboy na hindi mapipigilan ng manonood na ma-touch at mapaiyak sa karamihang eksena sa pelikula. Lalo pa nga't halos lahat naman ng tao ay merong soft-spot sa puso nila for their mothers.

"Lahat ng tao, bata, matanda, mahirap, mayaman, babae, lalaki, e, para sa kanila ang pelikulang ito."

Ang Pasang Krus ay napapanahon nga raw sa Lenten season and at the same time nakatuon rin para sa Mother's Day ngayong May.

Ang mismong director na rin ang nagsabing among the female actresses, si Rosanna raw talaga ang nasa isip niya at wala ng iba pa na gusto niyang gumanap sa bidang character sa movie.

"Alam naman natin ang naging buhay ni Rosanna Roces, 'di ba? Bilang isang Rosanna Roces, bilang isang ina, bilang isang anak, alam n'yo na...talagang ginawa ko ang pelikulang ito na ang nasa isip ko talaga, si Rosanna Roces. Kasi nga, nagdaan din siya sa hirap bilang isang tao, bilang isang ina."

First time lang daw nilang dalawa na magkaroon ng pagkakataon na maka-trabaho sa isang project at puro papuri lamang ang director kay Osang.

"Napakagaling, very professional at saka, nagtulungan kami sa pagbuo ng pelikula."

Bukod kay Osang, equally good din daw ang mga artistang gumanap naman bilang mga anak ni Osang tulad nina Joross, Empress at Ketchup Eusebio. Gayundin ang dalawang baguhan na sina Christian Burke at Beejay Morales.

Tinanong din namin ang director na si Buboy Tan kung nag-e-expect din ba siya na mapapansin sa pelikulang ito katulad nang nangyari sa ginawa niyang Ataul For Rent?

"I hope, pero, sa akin naman ginawa ko yung pelikulang ito para pang-masa. Para sa mga Filipino na nawawalan ng pag-asa. At sa panahon ngayon ng paghihirap ng tao. We hope na mapansin ito dahil universal naman ang theme namin, e, about mothers."

Bakit nga ba Pasang Krus ang title?

"Lahat naman tayo may kanya-kanyang pasang krus na dinadala, ‘di ba? ‘Eto, usually, may pasang krus ang isang ina, usually, mga anak ‘yun, ‘di ba? Pero pagmamahal at the same time, pagsa-sakripisyo rin ng isang ina."

On the other hand, during the premiere night, kitang-kita ng PEP na hindi naiwasan ni Rosanna na mapaiyak sa ginawang movie. Especially sa eksenang nakaluhod siyang lumalakad sa simbahan.

Hindi namain ikinaila ni Osang from the start pa lamang na espesyal sa kanya ang naturang pelikula. In fact, sa sandaling nakausap namin siya, direkta nga niyang sinabi na ito lang daw yata ang movie na ginawa niyang todo ang pagpo-promote niya.

Sinegundahan din ni Osang ang sinabi ng director nila na siya nga ang bukod-tanging artista na gusto nitong gumanap sa movie.

Ang kwento pa ni Osang: "Actually, Ataul For Rent pa lang, ako na dapat ang artista. Yung role ni Jacklyn Jose. E, that time, ginagawa ko yung Maging Sino Ka Man, so, yun, hindi ako natuloy."

Masaya rin si Osang na after na mabigyan ng X-rating ng dalawang beses ang nauna niyang indie film, ang Aurora, heto't nabigyan naman ang Pasang Krus ng rating na PG-13 ayon sa Movie and Television Review and Classification Board.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Rosanna Roces allwoed herself to be nailed to a cross to make this scene believable in Pasang Krus. This indie film is now being screened in SM cinemas.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results