Q 11 and TV5 are not competing for the same market.
Kung may mga nagsara mang long running shows ang sister station ng GMA-7 tulad ng Moms, Ka-Toque at Living It Up, may mga kapalit pa rin ang Q 11 ayon na rin sa AVP for Alternative Production na si Ms. Gigi Santiago-Lara. Sinabi niya ito sa PEP (Philippine Entertainment Portal) kanina, January 16, nang ginanap nila ang isang luncheon para sa entertainment press.
Apat ang nakatakdang magbukas na show ngayong taon na ito sa pangunguna ng na-delay na fashion and lifestyle show na Fashionista to be hosted by Heart Evangelista, Jocass de Leon at Schinina Juban.
Kapalit naman ng Ka-Toque ay isang bagong cooking show na Daddy-Licious kung saan isang amang chef ang magluluto para sa mga bata. Si former Ka-Toque Chef Nino Logarte ang maghu-host ng show.
Isang mala Bucket List type of show ang pagsasamahang muli ng mag best friend na lumaban noon sa Amazing Race Asia na sina Marc Nelson at Rovilson Fernandez, ang Dare Duo. Hindi raw ito mga death defying stunts, mga wish list lang ng mapipiling contestants na gusto nilang gawin na isang bagay o adventure na hindi nila magawa.
Pang-apat ang magiging kapalit ng Living It Up na Events Inc. Dalawa sa dating hosts ng Living It Up na sina Tim Yap at Sam Oh ang maghu-host ng nasabing show kung saan sila ang maghahanda para sa isang events na binabalak ng mga audience na mapipili nila.
WOMEN-ORIENTED. Habang nag-uusap kami sa mga bagong shows ng Q 11, hiningan na rin naming ng comment si Ms. Santiago-Lara na number three na ang TV5 sa market share at ratings.
"Iba naman kasi ang market nila, pang masa," paliwanag sa amin ni Ms. Santiago-Lara na nagsimula bilang production manager noon sa GMA-7.
"Ang kalaban nila, ang GMA-7 and ABS-CBN na mass market so kung ito ang basis, pangatlo nga sila. Noong masa din ang hinahabol naming market, kami rin ang number three.
"Iba na kasi ang niche ng Q 11, upscale women na ang market and in this field, we lead everyone. Kaya nga ang mga shows ng Q 11, geared for women."
Hindi raw magkalaban ang Q 11 and TV5 the same way na magkaibang market din ang niche ng Q 11 at ang sister station naman ng ABS-CBN na Studio 23, pang youth.