Nais ipakita ng Butas (Loophole) ang isang komplikadong emotional journey ng isang "weakling husband" (Allen Dizon) na may asawang nagtataksil (Gwen Garci). Ang pelikula ito ay nais ding matuntun ang mailap na katotohanan sa likod ng isang crime of passion.
Ang indie film na ito ay ang
second directorial project ni Alejandro "Bong" Ramos, na siyang kilala bilang
director ng pelikulang Haw-Ang (Harvest). Ang Haw-Ang,
tungkol sa isang madre na nagsakripisyo upang tumulong sa mga Ifugao, ay naging
best feature film sa Accolade Film Festival sa California. Nanalo rin ito ng
Best Cinematography (for Paul Vincent Pangan) sa nasabing festival abroad. Ang Haw-Ang
ay graded "B" ng Cinema Evaluation Board at inindorso pa ng Department of
Education.
Ngayon, ibang uri naman ng pelikula ang handog ni Direk Bong Ramos. Ang hunk
actor na si Allen Dizon ay hindi naghubad sa pelikulang ito samantalang
bida-kontrabida naman ang newcomer na si Marco Morales bilang pulis na dating
bold starlet na nambibiktima ng mga babaing nakaka-relasyon niya. Sa director's
cut ng pelikula, 12 beses nag-frontal ang hunk actor na ipinakilala sa Walang
Kawala ni Direk Joel Lamangan. May special role rin si Mercedes Cabral, na
ipinakilala sa Cannes Film Fest entry na Serbis. Si Mercedes ang asawa
ni Marco Morales samantalang ang former Viva Hotbabe na si Gwen ay ang
"unfaithful wife" na nakikipagkalas na sa kanyang kalaguyo.
May special screening sa
UP Film Center ang Butas (Loophole) sa January 12 (Monday)
ng 7:30pm. Ayon sa mga gumawa ng pelikula, kung makakapasa ang mapangahas na
mga eksena sa MTRCB ay ipapalabas ito sa selected theaters simula January 15
(Thursday).
BUOD. May madugong krimen na naganap. Pinatay ang pulis na si Virgo (Marco
Morales) at ang umamin sa pagpatay ay si Jake (Allen Dizon). Pinatay daw niya
ang kalaguyo ng kanyang asawa na si Maya (Gwen Garci). Ngunit dalawang bersyon
ng katotohanan ang lumalalabas:
Sa unang version ni
Jake, sadya raw niyang na-plano ang pagpatay kay Virgo. Sinundan niya ang asawa
at ang kabit nito sa dilapidated ruins na tagpuan ng magkalaguyo.Nagtago siya
sa kisame at duon niya nasaksihan ang pagtataksil ng kanyang asawa. Hindi niya
natagalan ang nakita. Hindi niya kayang patayin ang dalawa lalo na ng malaman
niya na buntis ang asawa at siya ang ama. Paalis na siya sa lugar na ‘yon ng
makita niyang tumatakbo at humahagulgol ang asawa niya. Nagdilim ang paningin
ni Jake saka niya pinagbabaril si Virgo.
Ang pangalawang
version na pinakita ng abogado ni Jake sa "laptop" ay ang version ng
videographer. Nabisto ni Maya na "on the act" ng kanilang pagtatalik ay
kinukunan sila ng isang "videographer" na kasabwat ni Virgo. Nagwala tuloy ang
babae at mari-reveal na gawain ni Virgo na magpa-ibig ng mga babae at kunan ng
video ang kanilang "sexual act" saka nito ibebenta ang "scandal" para
pagkakitaan.May malubhang sakit ang anak ni Virgo kaya niya nakasanayan gawin
ang pananamantala sa mga nabibiktimang kabit.
Tumakas ang
videographer, naiwan ang ebidensya na hindi tumutugma sa version ni Jake. Mas
graphic ang detalyado ang pagtatalik nina Virgo at Maya sa version ng
videographer, mas wild at malandi si Maya rito. Sa version ni Jake," tame" ang
pagtatalik ng dalawa, hindi rin "wild" at ganun kainit si Maya. Kung pinagtatakpan ni Jake ang totoong Maya, si Jake lang
ang makakapagsabi.
Although hindi
nakunan ng videographer ang totoong nangyari sa krimen—tanging sina Jake at
Maya lamang ang nakakaalam ng katotohanan. Ipapakita sa huling eksena ng
pelikula ang tunay na nangyari sa krimen. Makakalaya kaya si Jake? Ano ng
mangyayari kay Maya? Mabubuo pa ba ang kanilang pamilya lalo na ngayon
ipinagbubuntis ni Maya ang anak ni Jake?