PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

"UPCAT" is all about making choices

According to actor Richard Quan, this Cinema One Originals entry will be appreciated even by non-UP students.
by Rose Garcia
Published Nov 26, 2008
Richard Quan (right) plays a teacher who helps Felix Roco (left) and Joseph Roble (middle) review for the grueling admission test that is the subject of the indie film UPCAT.


Nagkaroon ng premiere night sa University of The Philippines noong Huwebes, November 20 ang UPCAT. Isa ito sa mga pelikulang kasama sa Cinema One Originals na siyang ongoing hanggang November 27. Written by Alfred Reyes and directed by Roman Olivarez, UPCAT stars three students played by Felix Roco, Hiyasmin Neri, and Joseph Roble.

Bukod sa tatlong stars na gumanap na mga high school students at nangangarap na makapasok sa Unibersidad ng Pilipinas sa pamamagitan ng pagpasa sa UPCAT, kasama rin sa independent-digital film na ito sina Bembol Roco, Mark Gil, at Richard Quan.

Sa kanilang lahat, si Richard ang nakausap namin regarding the movie.

Siya ang nagkuwento kung anong kuwento ng movie at kung ano-ano ang mga characters na ginagampanan nila. Based sa title ng movie, puwedeng sabihin na umiikot ang UPCAT sa pagkuha ng entrance exam ng mga high school students sa U.P. Pero ayon kay Richard, there's more to the premise na pagkuha lang ng University of the Philippines College Admission Test.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

On Richard's character, naikuwento nga niyang, "I'm a U.P. graduate of Fine Arts. ‘Yun nga lang, under achiever ako. Instead na magamit ko ‘yung pinag-aralan ko sa U.P. sa trabahong mas magbibigay sa akin ng magandang kinabukasan, nag-end up ako na nagpe-paint ng mga karatula ng sasakyan.

Gumanap naman na mag-ama ang real-life father and son na sina Bembol at Felix sa movie. Ayon kay Richard, siya raw ang nagsilbing taga-review ng tatlong estudyante para makapasa ang mga ito sa UPCAT. May conflict din ang character niya sa character naman nina Bembol at Mark.

Si Bembol ay isang U.P. grad na may malaking expectation sa kanyang anak na si Felix na makapasok din sa Unibersidad na pinagtapusan. Si Mark naman ang tatay ni Hiyasmin. Pero along the movie, makikita ang struggles, triumphs, at defeat ng bawat isa.

Tinanong namin si Richard na parang nagkakaroon ng notion na baka-pang UP students or alumni lang ang maka-relate sa naturang indie film. Pero, maganda ang naging paliwanag niya sa bagay na ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Aniya, "Actually, noong ginagawa ko rin ‘yung movie, inisip ko rin, sino lang ang magkaka-interes manood? Baka yung mga taga-UP lang din. Pero kapag napanood n'yo na ang movie, hindi...

"Ang tingin ko riyan, it's not just about UPCAT lang. It's about making choices. It doesn't matter kung hindi ka nakapasok sa U.P. Kung hindi ka nakapasa. Marami namang avenues. Hindi rin naman dahilan yung graduate ka ng UP at gaganda na agad ang buhay mo. Tulad nga ng character na ginampanan ko.

"I believe, ikaw pa rin sa sarili mo ang gagawa ng buhay mo. Marami namang avenues. Although, siyempre, hindi masamang mangarap, it's a good thing."

Richard, on the other hand, has been in the industry for almost 15 years. Isa siya sa masasabing supporter talaga ng mga independent films dahil dito niya raw naipapakita ang mga kakayahan pa niya bilang actor. At the same time, hindi rin naman niya napapabayaan ang pag-appear sa mga mainstream movies and television.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!


Bukod sa UPCAT, napapanood rin si Richard sa One True Love. Gumanap siya bilang engineer na nakaaway ni Marian Rivera at Dingdong Dantes dahil sa plano niyang putulin ang espesyal na puno ng mag-asawa.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Richard Quan (right) plays a teacher who helps Felix Roco (left) and Joseph Roble (middle) review for the grueling admission test that is the subject of the indie film UPCAT.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results