PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Marian Rivera: “Dahil sa Rewind ay nagkaroon ng Remember.”

Marian Rivera on her film Remember: "Mas mabigat ako dito compared to Rewind."
by Arniel C. Serato
Published A day ago
Marian Rivera says upcoming film Remember is "mas mabigat" from Rewind
Marian Rivera grateful to Dekada Awards for honoring her as Best Actress for the movie, Balota. She is now promoting the upcoming movie Remember with husband Dingdong Dantes: "May mga pagkakataon talaga na hindi maiiwasan sa Rewind. Pero laking pasasalamat namin sa Rewind because dahil sa Rewind ay nagkaroon ng Remember."
PHOTO/S: Arniel Serato

Proud na proud si Marian Rivera sa kanyang Best Actress recognition sa Golden Screen Awards 2026: Dekada Awards ng Multi-Media Press Society, Inc. (MMPress, Inc.).

Ito ay para sa pelikula niyang Balota (2024) kung saan nagwagi siyang Best Actress sa 73rd FAMAS at 8th Eddys.

"Nais ko talagang ibahagi ito, sabi ko nga kanina, nais ko talaga ibahagi ito sa lahat ng naniwala, nagtiwala, at sa mga kasama ko dito habang ginagawa namin itong pelikula.

"Na maging ano tayo, magpatuloy pa rin tayo gumawa ng kuwento na may puso, saysay, at may tapang," saad ni Marian.

Marian Rivera during her speech at Golden Screen Awards: Dekada Awards 2026 for her film Balota.
Marian Rivera during her speech at Golden Screen Awards: Dekada Awards 2026 for her film Balota.
Photo/s: Arniel Serato
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ilan sa mga nakahilera niya sa parangal ay ang mga beteranang aktres na sina Judy Ann Santos, Maricel Soriano, at Charo Santos.

"Nakakataba ng puso. Siguro ito ay isang paalala sa akin na kailangan mas pagsikapan ko pa dahil napakarami pang puwedeng at posibilidad na gawin sa industriyang ito."

Read: Dennis on wife Jennylyn, family: I’ll protect them at all cost

MARIAN RIVERA ON UPCOMING FILM REMEMBER

Samantala, excited si Marian sa upcoming film nila ng asawang si Dingdong Dantes, ang Remember.

The poster of Remember.
Photo/s: Star Cinema on Instagram
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pagbabahagi niya: "Natapos lang namin ang shoot. So, kinakabahan siguro, more on excited ako ipakita kung anong ginagawa namin.

"Kasi talagang kung nagustuhan nila si Rewind ay ibang level naman ang mararamdaman nila saRemember."

Ang Rewind ay isa sa official entries sa 2023 Metro Manila Film Festival (MMFF), at kasalukuyang may hawak ng record bilang highest-grossing Filipino film.

Read: Rewind is now the highest-grossing film in PH domestic sales

Ano ang kaibahan ng Remember sa Rewind?

"Well, siguro may mga pagkakataon talaga na hindi maiiwasan sa Rewind.

"Pero laking pasasalamat namin sa Rewind because dahil sa Rewind ay nagkaroon ng Remember."

Mas "mabigat" ba ang role niya sa Remember?

"Mas mabigat ako dito compared to Rewind," biro ni Marian.

May pressure ba sa kanilang mag-asawa dahil sa tagumpay ng balik-tambalan nila ni Dingdong noon sa Rewind?

Sagot ni Marian: "Ayaw naman naming sabihing wala dahil talaga naman, napakaganda ng Rewind at marami talaga ang sumuporta doon.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Kaya sana sa Remember din, ganun din yung pagtangkilik nila dito."

Kumusta namang katrabaho ang asawa?

"Masarap katrabaho si Dong, maalaga kasi si Dong, e.

"So, nami-miss ko na magkatrabaho kaming dalawa pero natapos na.

"So, looking forward ako na makatrabaho ulit siya."

Ngayon ba, ano na ang mga criteria niya kapag tumatanggap ng proyekto?

"Siguro yung medyo kakaiba na hindi ko pa rin masyadong nagagawa. Tapos depende pa rin siguro sa storyline."

Read: FAP denies using Jorrybell Agoto’s cancer for Oscar campaign

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Marian Rivera grateful to Dekada Awards for honoring her as Best Actress for the movie, Balota. She is now promoting the upcoming movie Remember with husband Dingdong Dantes: "May mga pagkakataon talaga na hindi maiiwasan sa Rewind. Pero laking pasasalamat namin sa Rewind because dahil sa Rewind ay nagkaroon ng Remember."
PHOTO/S: Arniel Serato
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results