PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Dennis on wife Jennylyn, family: I’ll protect them at all cost

Dennis Trillo on Patrick Garcia: “Lahat ng tao puwedeng bigyan ng second chance”
by Erwin Santiago
Published 2 days ago
dennis trillo jennylyn mercado issue
Dennis Trillo speaks up for wife Jennylyn Mercado amid the controversy surrounding Patrick Garcia’s revelations about their past relationship. The actor says he felt it was his responsibility as a husband and father to protect his family, adding that he would do everything to shield them “at all cost.”
PHOTO/S: Arniel C. Serato / Dennis Trillo Facebook

Kinuyog ng entertainment press si Dennis Trillo pagkatapos niyang tumanggap pagkilala sa Golden Screen Awards: Dekada Awards 2026 na ginanap nitong Linggo ng gabi, October 4, sa MMFF Auditorium, MMDA Head Office, Pasig City.

Kasama si Dennis sa mahigit 30 aktor, aktres, direktor, at film companies na kinilala ng Golden Screen Awards dahil sa mga karangalang natanggap nila nitong nakalipas na isang dekada.

Kinilala si Dennis dahil sa kanyang pagganap sa dalawang pelikula: Felix Manalo (2015) at Green Bones (2024).

Bago umalis ng venue ay nagpaunlak ng ambush interview si Dennis sa mga nag-aabang sa kanyang entertaiment press.

Mainit na usapin ngayon ang kontrobersiyal na interview ni Patrick Garcia sa YouTube vlog ni Ogie Diaz, kung saan ibinahagi niya ang kanyang panig sa masalimuot na pagtatapos ng relasyon nila ni Jennylyn Mercado noong 2008.

Si Jennylyn ay asawa ngayon ni Dennis.

Dahil sa pag-ungkat ni Patrick sa mapait na nakaraan ay muling nanumbalik ang mga isyung matagal nang hindi napag-uusapan at halos nabaon na sa limot.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Maliban dito ay marami ring nadawit na ibang tao.

Read: Patrick Garcia speaks about split with Jennylyn Mercado 18 years later

DENNIS TRILLO SPEAKS UP FOR WIFE JENNYLYN MERCADO

Sa panayam ng entertainment press, kabilang ang PEP.ph (Philippine Enetrtainment Portal), tinanong ang aktor sa reaksiyon ng kanilang pamilya sa mga naging pahayag ni Patrick.

Saad ng Kapuso actor: "Siyempre nagulat, di ba, dahil siguro more than 20 years na, after 18 years bago, alam mo yun, napagdesisyunang magsalita, magkuwento.

"Nakakagulat lang dahil tahimik na yung lahat, at siyempre ayaw naman nating maungkat pa yung mga dating pinagtalunan dahil nakapag-move naman na ang bawat isa."

Matapos kumalat ang panayam ni Patrick ay naglabas ng statement ang kampo ni Jennylyn, sa pamamagitan ng Aguila Entertainment, kung saan nakasaad dito na hindi raw magbibigay ng anumang komento ang aktres.

Ngunit sa halip ay ang mister niyang si Dennis ang nagsasalita para kay Jennylyn, bilang pagtatanggol sa misis.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tinanong ni Gorgy Rula ng PEP Troika si Dennis kung may pinag-usapan sila ni Jennylyn na siya na lang ang magsasalita para sa misis sa isyung ito.

"Wala, wala kaming usapan... Ako na lang talaga dahil siyempre pamilya ko yun, e.

"Walang ibang magtatanggol kundi padre de pamilya, di ba?

"Iyon yung panghunahing responsibilidad ng ama at tumatayo bilang tatay ng pamilya, di ba?

"Siyempre gagawin mo ang lahat para protektahan sila at all cost," mahinahong saad ni Dennis.

Paano nila hinaharap ang isyung ito na bigla na lamang sumulpot?

Saad ng aktor: "Well, kailangan mo lang maging matibay.

"Siyempre isipin ko palagi yung pamilya. Sila naman yung pinakaimportante talaga... ayun.

"Harapin nang matapang dahil siyempre kapagka pamilya yung pinag-usapan, ibang usapan na yun."

May ipinapayo ba siya kay Jennylyn sa pinagdaraanan nilang ito?

"Payo... ano ba? Maging masaya pa rin kahit na, alam mo yun, hindi maiiwasan na magkaroon ng ganitong klaseng problema, mga pinagdadaanan sa buhay.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"So, ayun, maging masaya, maging thankful pa rin sa lahat ng mga blessings siyempre.

"Thankful at maraming nagtatanggol sa amin at nagmamahal at sumusuporta. Na-overwhelmed kami dun kaya maraming salamat sa kanilang lahat."

Read: Jennylyn stays silent, Dennis reacts to Patrick revelations

DENNIS TRILLO ON GELLI DE BELEN, CHIKA CART

Nitong mga nakalipas na araw ay naging laman ng balita ang reaksiyon ni Dennis sa komento ng aktres na si Geli de Belen tungkol sa isyu nina Patrick at Jennlyn.

Sa guesting ni Gelli sa bagong GTV talk show na Chika Cart noong October, kinuha ng mga host na sina Jeff Fernando, Baninay Bautista, at Donita Nose ang kanyang opinyon sa mainit na usapin tungkol kina Patrick at Jennylyn.

Bahagi ng pahayag ni Gelli: “Hindi kailangang maging ganito kalaki kasi the reason why this was brought up was because nasasaktan yung anak ni Patrick…

“Sana wag nating kalimutan na may mga batang pinag-uusap at yun naman sila talaga ang pinakaimportante dahil yung mga magulang, mga nakatatanda, nakapag-move on na sila sa mga buhay nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"So sana let’s show the young ones what is right, what should be done, and not show them all this bad stuff.”

Nag-react dito si Dennis sa pamamagitan ng pagpu-post ng komento sa Instagram account ng Chika Cart.

Mensahe niya para kay Gelli: "nananahimik kami… lahat yan ay natural na reaksyon ng matinong TAO! Pasalamat kayo, dinaan ko na lang sa ganyan.

"Oo kawawa talaga ang mga bata, may mga anak din kami! Sisihin mo yung nagsimula ng gulo!”

dennis trillo post

Tinanong ng PEP si Dennis kung may nararamdaman ba siyang galit kay Gelli dahil sa naging pahayag nito.

Paglilinaw niya: "Wala naman akong nararamdamang galit kahit kanino.

"Yung naging reaksiyon ko ay hindi lang reaksiyon yon ng isang tatay na nagtatanggol sa pamilya at isang tatay na umiiwas na sa trauma.

"So, maaga pa lang nandun ako para harangin na kaagad yon at wala nang makapanghimasok pa at makapagdadagdag pa ng masasakit na mga salita."

Nilinaw naman ng kampo ni Gelli na wala itong kinakampihan, at ang tanging inaalala nito ay ang kapakanan ng mga batang nadadawit sa isyu.

Naglabas din ang GMA-7 ng statement na walang kinakampihan ang mga host ng Chika Cart.

chika cart statement

Ano ang masasabi ni Dennis dito?

"Well, mabuti naman kung ganun," pakli niya.

"Siyempre yun naman ang role ng bawat isang host, e. Ang maging neutral, ang maging patas, inaalam ang bawat side ng istorya na gusto nilang pag-usapan o ikuwento."

Read: Dennis reacts to Gelli's comments on Patrick-Jennylyn issue

DENNIS TRILLO ON POSSIBLE RECONCILATION

Tinanong din si Dennis kung bukas sila ni Jennylyn na makita pa rin ni Patrick ang anak nito sa aktres na si Jazz sa kabila ng pangyayaring ito.

"Sa totoo lang, wala namang problema dun," sabi ni Dennis.

"Ngayon, siyempre mas mahirap lang kasi nagkaroon ng ganyan. Pero lahat naman ito madadaan sa mabuting usapan.

"Alam mo yun, kung siguro dumirekta talaga siya sa amin at hindi idinaan sa ibang tao, hindi na siguro nagkaroon ng ganitong klaseng pag-uusap."

Ano ang hiling niya sa gitna ng kontrobersiyang ito?

Saad ni Dennis: "Hiling namin siyempre matapos na lahat ng pamba-bash.

"Ayaw na nating mangyari yon dahil, oo, mga magulang involved dito, pero huwag na nating idamay ang mga bata dahil, at the end of the day, sila yung buhay natin, sila yung pinoprotektahan natin, sila yung mga mahal natin.

"And ayaw nating masangkot pa sila sa mga ganitong klaseng kaguluhan pa."

Bukas ba sila sa pakikipag-ayos kung sakaling mag-reach out ang kampo ni Patrick?

"Oo naman, lahat ng tao puwedeng bigyan ng second chance, di ba, kahit gaano pa kagrabe yung mga nagawa niya.

"Tao lang tayo. Lahat tayo, sa tingin ko, may karapatan... alam mo yun, puwede nating bigyan ng chance bawat isa para magbago," sagot niya.

May mensahe ba siya para kay Patrick?

"Peace to all and spread love," nakangiting sabi ni Dennis habang naglalakad na paalis ng venue.

Ayon pa sa aktor, pagkatapos daw ng pagsasalita niyang ito ay hindi na siya magsasalita dahil nasabi na niya ang lahat ng gusto niyang sabihin.

Related Stories:

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Dennis Trillo speaks up for wife Jennylyn Mercado amid the controversy surrounding Patrick Garcia’s revelations about their past relationship. The actor says he felt it was his responsibility as a husband and father to protect his family, adding that he would do everything to shield them “at all cost.”
PHOTO/S: Arniel C. Serato / Dennis Trillo Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results