PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Kean Cipriano breaks silence on MRLD, Arthur Nery controversies

Kean Cipriano denies exploiting MRLD: "Malinis yung loob namin."
by Jojo Gabinete
Published 1 Hour ago
kean cipriano mrld arthur nery
Kean Cipriano finally addresses the controversy involving MRLD (inset, left) and O/C Records, denying that he and wife Chynna Ortaleza took anything they were not entitled to from their artists. Meanwhile, Kean admits that he had experienced tension with former O/C Records artist Arthur Nery (insrt, right) and says they had not seen eye to eye.
PHOTO/S: GMA Network / Facebook

Iginiit ni Kean Cipriano na naging patas sila ng kanyang asawang si Chynna Ortaleza sa kanilang mga artist sa ilalim ng O/C Records.

Ito ang unang pagkakataong nagsalita nang detalyado si Kean tungkol sa kontrobersiya sa pagitan ng kanilang record label at singer-songwriter na si MRLD.

mrld singer
MRLD
Photo/s: @mewyel on Instagram
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa panayam sa kanya ni Boy Abunda sa Fast Talk with Boy Abunda ngayong Huwebes, Agosto 20, 2026, diretsahang sinagot ni Kean ang mga tanong tungkol sa alegasyonng hindi patas na pagtrato sa mga artist ng O/C Records.

Itinatag nina Kean at Chynna ang O/C Records noong 2018. Bukod sa pagiging record label, nagsisilbi rin itong publishing at talent management company.

Kabilang sa mga naging talent nito sina Arthur Nery at MRLD.

Noong Marso 2026, naging kontrobersiyal ang O/C Records matapos sabihin ni MRLD na limang porsiyento lamang umano ng royalties mula sa kanyang mga komposisyon ang natanggap niya.

Dahil dito, umalis si MRLD sa pangangalaga ng O/C Records.

Makalipas ang apat na buwan, nagsalita na si Kean tungkol sa naturang isyu.

Read: Athena Imperial's complaint against Nico Waje dismissed

KEAN CIPRIANO: "Wala kaming kinukuhang hindi dapat kuhanin."

Unang tinanong ni Boy kung naging patas ba sila ni Chynna sa kanilang mga artist.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Oo naman,” maagap na sagot ni Kean.

Ayon kay Kean, mula nang unang mapasailalim sa kanilang management si MRLD hanggang sa mga sumunod na taon, sinikap nilang ibigay ang kanilang makakaya para sa career ng singer.

“Wala kaming kinukuhang hindi dapat kuhanin mula noong pinapirma namin yung artist [MRLD], na nandoon pa siya sa Leyte hanggang sa lumipas yung mga taon na inaalagaan namin yung career ng artist.

“As far as I know, ibinigay namin yung kaya naming maibigay para mag-prosper yung career.”

Mas direkta namang nagtanong si Boy tungkol sa posibilidad na may pera silang kinuha na hindi naman kanila: “Wala kayong inisahan ng asawa mo? Wala kayong perang ninakaw na hindi inyo?”

“No, no, no,” mariing sagot ni Kean.

Iginiit ni Kean na wala silang kinuha na hindi dapat mapunta sa kanila.

“Wala kaming anything na kinukuha," diin ng singer-actor.

"Malinis yung loob namin, nung integrity din ng company pagdating diyan sa aspeto na yan.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Kaya kong tumingin nang mata sa mata, harap sa harap. Kaya nga sabi ko, kung may gustong i-address, punta kayo sa office.

“Mag-usap tayo. Huwag yung social media, may magba-blind item na ganito or sabihin na ganyan.

“Hindi, e. Parang pinapakumplikado lang natin. Mag-usap tayo, di ba?”

Read: Sugarpop member Vanessa Rangadhol dies at 30 after accident

KEAN CIPRIANO ADMITS TENSION WITH ARTHUR NERY

Sa kabila nito, inamin ni Kean na nagkaroon siya ng tensiyon sa dati ring artist ng O/C Records na si Arthur Nery, at matagal na silang hindi nagkikita.

arthur nery
Arthur Nery
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Saad ni Kean: “Si Arthur Nery, honest to goodness, may tensiyon. Nagkaroon kami… we didn’t see eye to eye.

"And then, dahil partner ko si Boss Vic [del Rosario of Viva Records], nag-usap kami ni Boss Vic na, you know, we had a deal na, 'Sige, i-handover ko sa yo yung artist.'”

Naayos na ba ang kanilang tensiyon?

“I don’t think so," sagot ni Kean.

"Parang ako, ano na lang yon, kasama siya sa mundo ng pagiging manager sa isang artist.

"But in terms of, like, personal ano with anybody, I wish everyone well."

KEAN ON MRLD'S FIVE PERCENT ROYALTY

Napunta rin ang usapan sa alegasyong na-exploit umano si MRLD dahil sa limang porsyento lamang na royalty na natanggap nito.

Ipinaliwanag ni Kean na hindi raw ganoon kasimple ang business model ng music industry.

“Alam naman natin yung business model ng industriya nito, e, hindi siya ganoon kasimple. Kumbaga, marami siyang facets lalo na sa music business.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“That’s why it’s called the music business, ‘coz hindi siya tatakbo ngyung music lang, wala yung business. Hindi tatakbo yung business na wala yung music.

“Sa sinasabi about, like yung five percent ng royalties, bukod sa business model ng industriya, alam ko na bawat artist may kanya-kanyang leverage.

“Bawat artist merong kanya-kanyang diskrate kung paano mo ilalagay yung sarili mo sa maayos na posisyon, and yun siguro ang hindi naiintindihan ng mga tao sa industriya.”

Ipinaliwanag din ni Kean kung paano nakukuha ang royalties mula sa original sound recording o OSR.

Aniya: “Royalties is for the OSR, original sound recording.

"Para lang mabilis na ma-explain, yung royalties sa OSR, let’s say magkaroon na hit [song], merong mabubuksan na 80 percent, 70 pecent na kikitain mo sa mga show mo.

“May puwedeng magbukas na publishing, magbubukas na ilang porsyento ng endorsements.

"So, isa siyang malaking ecosystem na kapag sinabi na, ‘Oy unfair,’ gusto ko rin malaman kung anong ibig sabihin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Because right now, malinaw sa akin na ang pag-break ng artists at sa industriya na ito, it takes years.”

KEAN ADMITS MRLD ISSUE “HURT” HIM

Gaano siya naapektuhan nang mabasa ang mga akusasyong ine-exploit niya si MRLD?

Sagot ni Kean: “Nakaka-hurt siya dahil artist ako.

"At nung itinayo namin yung record company, malinaw sa amin ng asawa ko yon na dahil artists tayo, ibigay natin, bukod sa creative freedom, at least man lang, ma-explain natin kung paano magiging professional yung career mo.

“Babalik ka sa potential.

"Ngayon na sinasabi na ini-exploit yung ganito, ganyan, may nakikita kayo na isang side ng istorya, and I’m not the type of person na makikipagsabayan sa social media drama.

“Kung may problema, kung may concerns, kung may negotiations, anything, punta ka sa opisina, usap tayo, kesa nakalagay siya dun.”

Bukas ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa panig ng lahat ng nabanggit sa artikulong ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Basty Askri apologizes after outburst over 911 response delay

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kean Cipriano finally addresses the controversy involving MRLD (inset, left) and O/C Records, denying that he and wife Chynna Ortaleza took anything they were not entitled to from their artists. Meanwhile, Kean admits that he had experienced tension with former O/C Records artist Arthur Nery (insrt, right) and says they had not seen eye to eye.
PHOTO/S: GMA Network / Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results