Ibinahagi ng aktres na si Rita Avila na naaksidente ang asawa niyang si Direk FM Reyes nitong nakaraang Lunes, July 20, 2026.
Nagkataong wala sa bahay nila ang aktres dahil nasa event siya para sa promo ng upcoming serye na kinabibilangan niya, ang Someone, Someday.
Pagbabahagi ni Rita sa Facebook post niya ngayong Miyerkules, July 22, nabagsakan ng grinder ang kamay ng asawa.
Lahad ni Rita (published as is): "So habang may event kami para sa promo ng Someone, Someday nung lunes, naaksidente naman ang asawa kong direktor na si FM Reyes.
"Bumagsak sa kamay nya ung grinder sa may wrist."
Habang nasa event, hindi raw nagpahalata ang aktres na may bumabagabag sa kanyang isipan.
Kaya paalala niya sa mga tao, huwag masyadong husgahan ang mga artista kung hindi man makakaway o ngumiti sa kanila kung makita nila sa public events.
Ani Rita: "Smile Smile ako sa event pero ung isip ko ay nag aalala.
"Kaya wag kayong malupit sa artista kung hindi nakangiti o nakakaway sa inyo, minsan may dinaramdam din kami.
"Isang hibla ang layo sa mga ugat na pwedeng ikamatay ng asawa ko. Sugod ako sa ospital matapos ang event.
"Inoperahan sha at ngayo’y nagpapagaling na."
Sa comments section, nagpaabot ang netizens ng dasal para sa agarang paggaling ng direktor.

Read: Vice Ganda claps back at Kim Chiu fans' "kacheapan"; Kim reacts
RITA AVILA EXITED TO WORK WITH KATHRYN BERNARDO
Samantala, hindi naman maitago ni Rita ang kanyang excitement na makatrabaho si Kathryn Bernardo sa Someone, Someday.
Noong una ay kinakabahan pa raw si Rita, pero nag-iba ito noong nagsimula na silang mag-taping.
Masarap daw katrabaho si Kathryn.
Mahinhin, sweet, at bungisngis daw ang Kapamilya star.
Saad ni Rita: "Ako at ang ilang kaibigan ko pati ang anak kong c Kate ay sobrang excited na makakatrabaho ko si Kathryn Bernardo.
"Kaba Kaba Kaba Pano sha katrabaho Ano sha bilang tao…
"Hay KAYSARAP shang kasama. Napakahinhin. Ang sweet sweet. Bungisngis din. At ang galing galing. Magugulat kayo sa kanya sa Someone, Someday."
"#someonesomeday #kathrynbernardo"
Read: Mika Salamanca praises Barbie Forteza's work ethic
