Puring-puri ni Mika Salamanca ang work ethic ng kapwa Kapuso actress na si Barbie Forteza.
Magkasama ang dalawa sa upcoming Regal Entertainment movie na Saving Cherry.
First time ba nilang magkatrabaho ni Barbie?
Sagot ni Mika: "Hindi po kami first time magkatrabaho ni Ate Barbie.
"Pero first time po namin talaga kasi sa Maging Sino Ka Man [2023, GMA], naka-work ko na po siya doon.
"Pero ngayon po kasi it's a different level of working together kasi para kaming barkada dito, e.
"So, na-feel talaga namin yung pagiging barkada ng isa't isa dito."
Anong klaseng friendship ang nabuo sa kanila ni Barbie sa set ng pelikula?
"Sincere. Genuine and sincere. Yun po ang na-build namin talaga lahat," sabi ni Mika.
Sa isang interview ay puring-puri rin ni Mika si Barbie. Paano niya nasabi ito?
Paliwanag ni Mika, "Si Ate Barbie po, yung work ethic niya, sobrang ganda po ng work ethic niya.
"Ang dami ko natututunan sa work ethic niya pa lang, paano pa sa acting and everything? Sobrang maalaga niya po sa set.
"Talagang sasabihin niya po pag may mali, sasabihin niya pagka-good job ka.
"Talagang para po siyang ate ko talaga sa set."
Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilan pang miyembro ng media si Mika sa opening ng ika-siyam na branch ng Awesam Smile Dental Clinic ni Dr. Samantha Rose Bernardo sa 3rd floor ng Venice Grand Canal Mall noong Sabado, July 18, 2026.

Read: Vice Ganda claps back at Kim Chiu fans' "kacheapan"; Kim reacts
SAVING CHERRY
Ang Saving Cherry ay tumatalakay sa kuwento ni Cherry, played by Barbie, isang konserbatibo at tapat na babaeng inalagaan ang kanyang virginity hanggang siya ay ikasal.
Ngunit nahuli niya ang kanyang fiancé na nagtaksil sa kanya bago pa sila mag-isang dibdib.
Dahil dito, niyaya niya ang kanyang wedding planner at bridesmaids sa isang adventure upang mawala na ang kanyang virginity.
Isa si Mika sa bridesmaids ni Barbie sa pelikula.
Kuwento ni Mika, "Sobrang chaotic po. Sobrang nakakatawa.
"Ang masasabi ko ngayon pa lang po, sinasabi ko na hindi po kayo lalabas ng sinehan na hindi tumatawa nang halakhak. Ganun po siya."
Ano ba ang karakter niya sa Saving Cherry?
"Nakita naman natin na bridesmaids po kami.
"And magugulat po kayo sa character ko kasi I never played a character like this before.
"It was really a challenge for me. And, yeah, sobrang wild," saad ni Mika.
Makikita sa trailer na very funny ang kanilang mga eksena lalo na noong nag-bar silang magkakaibigan.
Kumusta sila sa set?
"Actually, na-build up po namin yung chemistry namin ng lahat ng mga characters namin, tsaka nina Ate Barbie.
"Sobrang nadadalian na lang po kami sa mga scenes kasi para lang kaming naglalaro sa set. Ganun po," aniya.
Kasama nina Barbie at Mika sa Saving Cherry sina Mikee Quintos, AC Bonifacio, at Sassa Gurl.

Ang Saving Cherry ay ipalalabas sa mga sinehan sa September 2, 2026.
