PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Sachzna Laparan and Mark Pascual end three-year relationship

Sachzna Laparan: "Hindi ko na kaya yung mga betrayal at yung pain..."
by Arniel C. Serato
Published 1 Hour ago
Sachzna Laparan, Mark Pascual mutually end relationship
Sachzna Laparan ends relationship with partner Mark Pascual with a revelation: "Yung P50M na utang mo sa ’kin at sa pamilya ko, huwag mo nang bayaran. Tulong ko na iyon sa iyo para magkaroon ka ng chance na makapagsimula ulit."
PHOTO/S: Facebook

Matapos ang tatlong taon, naghiwalay na si Sachzna Laparan at ang partner nitong si Mark Pascual.

Sa Facebook ngayong gabi ng July 4, 2026, sabay na nag-post ng kani-kanilang pahayag sina Sachzna at Mark tungkol sa kanilang desisyong tuldukan na ang relasyon.

Sa unang bahagi ng post ni Sachzna, binalikan niya ang mga masasayang araw na pinagsamahan nila ng ex-boyfriend.

Binanggit din niya ang suporta at sakripisyo ni Mark para lamang matapos ang kanyang trabaho at mga commitments.

Aniya (published as is): "Salamat sa 3 years. Sa lahat ng happy memories, sa pag-aalaga mo, at sa pagmamahal na binigay mo sa ’kin. Hindi ko ma-dedeny na minahal mo talaga ako nang sobra.

"Hindi ko makakalimutan kung paano mo ko inalagaan.. yung pagpupunas mo ng pawis ko tuwing nasa event ako, pagbibigay mo ng tubig bago ako matulog, pagmamasahe mo ng paa at likod ko kapag sumasakit, at yung pagda-drive mo sa’kin araw-araw kahit gaano pa kahaba yung biyahe.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Hindi ko rin makakalimutan yung pagtulong mo sa mga business ko kasi ayaw mong nakikita akong nai-stress.

"Yung consistent mong pagbibigay sa’kin ng flowers every month na ikaw lang ang nakagawa nun. Lahat ginagawa mo para lang maging okay yung mood ko at mapasaya ako.

"Alam kong binigay mo lahat ng kaya mong ibigay sa loob ng 3 years."


Sachzna Laparan and Mark Pascual during their cuddle moments in the past.
Photo/s: Facebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Simula daw nung naging mag-partner sila, maraming blessings ang dumating sa buhay niya.

Ramdam din niya ang pagmamahal ni Mark.

"Simula nung naging partner kita, mas natutunan kong mahalin ang sarili ko. Ang daming blessings na dumating, at ang dami kong na-achieve dahil lagi kang nandiyan para suportahan ako.

"Thank you sa tatlong taon ng walang sawang suporta. Thank you sa pag-push sa’kin na gawin yung mga bagay na akala ko hindi ko kaya. Napakalaki ng naging impact mo sa pagkatao ko bilang Sachzna. Dahil sa’yo, naranasan ko kung paano pala mahalin nang sobra."

Read: Taylor Swift ties the knot with Travis Kelce in New York

Sachzna on cause of breakup

Kasunod ng pagre-reminisce ay ang pagpapahaging tungkol sa dahilan ng kanilang paghihiwalay.

May binanggit siyang malaking halaga ng pagkakautang, pero ang sinukuan daw niya ay ang "betrayal" at "pain."

"Pero sorry… sorry kung kailangan ko nang sumuko ngayon. Sorry kung hindi na kita kayang hintayin. Hindi ko na kaya yung mga betrayal at yung pain every time may nalalaman ako.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Yung P50M na utang mo sa’kin at sa pamilya ko, huwag mo nang bayaran. Tulong ko na ’yon sa’yo para magkaroon ka ng chance na makapagsimula ulit. Gusto kong bumangon ka ulit kahit wala na ako sa tabi mo.

"Alam ko kung gaano ka lumaban para sa’kin. Ilang beses mong sinabi na ako yung dahilan kung bakit ka nagpapatuloy. Pero ngayon, sana lumaban ka naman para sa sarili mo. Alam kong kaya mo, at naniniwala akong babangon ka ulit.

"Sorry kung napagod ako. Sorry kung kung kailangan ko na piliin sarili ko."

Pinayuhan din niya ang ex-partner, na ang palayaw ay Jed, na patuloy na lumaban dahil marami pang pagkakataon habang may buhay.

"Baby, please always remember na kaya mo. Hindi pa tapos ang buhay. Marami pang pagkakataon para bumangon at magsimula ulit. Kasi ako, kahit gaano kahirap, kinakaya ko pa rin.

"Sa mga investors ni Jed at sa mga nagpahiram sa kanya, gusto ko lang linawin na wala akong napakinabangan kahit piso. May mga desisyon siyang ginawa na kahit ako, hindi ko na rin maintindihan at wala akong ka-alam alam. Pero alam ko at naniniwala pa rin ako na balang araw, maaayos niya ang lahat.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Thank you for everything..

"Lord, nagtitiwala pa rin ako sa’Yo. Gusto ko lang naman ng pure at genuine happiness. Ikaw na po ang bahala."

Read: BINI tapped as Philippine tourism ambassadors

MARK ADMITS FAULT

Sa kanyang parte, nagpaliwanag si Mark tungkol sa problema niyang pinansiyal simula pa noong 2024.

Natalo raw kasi siya noon ng PHP150 million sa crypto futures trading.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kuwento niya (published as is): "I posted about my financial problem last 2 years ago and hanggang ngayon hindi ko pa din totally nababayaran lahat but im still paying people kaya sobrang hirap ng situation ko at umaabot sa time na kelangan ko muna umutang para masalo mga obligasyon ko.

"I had investors specially sa mga kakilala ni sachzna pero up until now ginagawan ko ng paraan nakakabayad pa onti onti pero i know its not enough i have no intentions to run and i am really doing everything i can para maayos ko ito."

Kasunod na bahagi ng kanyang mensahe ay ang tungkol sa tatlong taon nilang pinagsamahan.

Aminado siyang maraming pangako ang hindi natupad at nadamay pa si Sachzna sa mga maling desisyon niya sa buhay.

"Sachzna..

"Gusto ko lang mag pasalamat sa lahat ng pag iintindi at pasensya na ibinigay mo sakin sa mga oras na dapat sumuko kana pero pinili mo pa din ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Pasensya kana kung hindi ko napanghawakan mga pangako ko pero sinubukan ko talaga i survive lahat. Pasensya kana kung na ddrag kita sa mga desisyon ko sa buhay at nadadamay ka sa mga bagay.

"SALAMAT sa tatlong taon natin. Etong mga taon na to ang pinakamasayang taon ng buhay ko.

"Mula kwentuhan natin sa shang sa pag bagsak at multo sa mariana heights sa paldo at masayang bahay sa taguig at sa masasayang ala ala natin sa pasig yung mga bansa na dahil sayo napuntahan ko ung mga akala ko hindi ko magagawa nagawa ko ito ng kasama ka at sobrang saya ko nun.

"Salamat sa mga oras na gusto ko na sumuko pero binigyan mo ako ng rason para bumangon.

"Wala ng makakatumbas sa mga bagay na napagsamahan natin.

"Eto yung mga masasayang ala ala na habang buhay ko dadalhin"

Kahit tinapos na nila ang relasyon, mahal na mahal pa rin daw ni Mark si Sachzna. Marami rin siyang mami-miss sa pinagsamahan nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"MAHAL KITA. Sobra baby.. alam mo yan. Alam mo ang kaligayahan mo ang nag papasaya sakin. Wala na akong ibang mamahalin pa sa buhay ko tulad ng pag mamahal ko sayo.

"Mamimiss ko yung tawa mo mamimiss ko kwentuhan natin.. netflix natin.. lambingan natin tawanan chismisan lahat ng ginagawa nating dalawa mamimiss kita mahalin, asarin pag silbihan alagaan at higit sa lahat mamimiss ko yung ngiti mo na pag nakikita ko nagbibigay sakin ng lakas ng loob ipagpatuloy yung laban ko sa buhay.

"Mamimiss kita sachzna hindi ko alam kung kakayanin ko ung pagsubok na to.. wala na talaga akong ibang gusto makasama kundi ikaw. Wala na ako gustong mahalin alagaan at pag silbihan kundi ikaw."

Read: Trans beauty queen Kataluna Enriquez recovering from accident

MARK TO SACHZNA: "patawad"

Sa huling bahagi ng kanyang post, humingi ng patawad si Mark.

Binigyan daw kasi siya ni Sachzna na maraming pagkakataon, pero nasayang lang dahil sa paulit-ulit niyang pagkakamali.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"PATAWAD

"Sa mga oras mo na nasayang ko sa pag bibigay sakin ng paulit ulit na chance pero hindi ko parin inayos buhay ko sa mga betrayals sa mga sakit naibigay ko sayo sorry... ang hirap lang din ng sitwasyon ko pero alam kong walang explanation para ma justify ung mga pangakong na napako.

"Alam kong binigay mo sakin lahat ng kaya mo pero sinayang ko alam kong kasalanan ko to lahat sobrang sakit. Im so sorry baby.."

Nangako siyang magsisikap at aayusin ang kanyang buhay.

"Ayaw ko mag sabi ng paalam.. dahil sisikapin ko parin tupadin yung pangako ko sayo na aayusin ko buhay ko.. at baka... balang araw.. magkaroon ako ng chance ulit. Wala na kasi talaga akong gusto makasama kundi ikaw.

"Pag sisikapan ko at gagalingan ko palagi sa buhay.

"Andito lang ako palagi para sayo.. mahal na mahal kita sachzna. I wish you success sana makamit mo lahat ng goals mo at alam kong alam mo na masaya ako sa lahat ng achievements mo at patuloy padin ako magiging proud sayo at naka support sa malayo. I love you so much baby.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Ipagdadasal kita palagi na kahit hindi na ako. Basta sumaya ka. Masaya na rin ako.

"Mahal na mahal kita, Palagi."

Nilinaw rin niya na walang kinalaman si Sachzna sa kanyang pagkakautang.

"PS: walang alam o napala si sachz sa mga nag invest sakin like i said i posted about this 2 years ago i lost 150M in crypto ( yes i was stupid doing leverage trading)"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Vic, Vice exchange sweet messages ahead of movie announcement

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sachzna Laparan ends relationship with partner Mark Pascual with a revelation: "Yung P50M na utang mo sa ’kin at sa pamilya ko, huwag mo nang bayaran. Tulong ko na iyon sa iyo para magkaroon ka ng chance na makapagsimula ulit."
PHOTO/S: Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results