PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ombudsman files plunder case vs Senator Rodante Marcoleta

The filing comes days after the INC held a rally along EDSA.
by Khryzztine Joy Baylon
Published 15 hours ago
Ombudsman files non-bailable plunder case vs Senator Rodante Marcoleta
Senator Rodante Marcoleta faces plunder case after the Ombudsman files charges over PHP75 million in alleged undeclared campaign donations.
PHOTO/S: Rodante Marcoleta on Facebook

Naisampa na ng Office of the Ombudsman sa Sandiganbayan ang kasong plunder laban kay Senator Rodante Marcoleta, 72, ngayong Biyernes, July 3, 2026.

Ito'y sa kabila ng tatlong araw na kilos-protesta ng Iglesia ni Cristo (INC) na layuning pigilan ang noo'y nakaambang pagsasampa ng kaso ng Ombudsman laban sa kapanalig nilang senador.

Read: Nora Aunor's children dispute: A timeline

Ang kaso ay may kaugnayan sa PHP75 million campaign donations na natanggap ni Marcoleta mula sa tatlong indibidwal noong January 2025, noong siya ay kinatawan pa ng SAGIP Party-list sa Kongreso.

Nangyari ito bago magsimula ang official campaign period para sa 2025 senatorial election kung saan siya tumakbo at nanalo.

Read: Angel Castro shares painful truth about mom Raven Villanueva

Lumutang ang pagtanggap ni Marcoleta ng naturang mga donasyon sa isinagawang imbestigasyon ng Commission on Elections (COMELEC), matapos siyang mahalal na senador noong May 2025.

Sa imbestigasyon, lumabas na hindi inideklara ni Marcoleta sa kanyang Statement of Contributions and Expenditures (SOCE) ang natanggap na mga donasyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Ombudsman files non-bailable plunder case vs Senator Rodante Marcoleta
Photo/s: Rodante Marcoleta on Facebook

Ang SOCE ay isang dokumentong kailangang isumite sa COMELEC ng lahat ng kandidato at political party pagkatapos ng halalan.

Layunin nitong ipakita kung magkano ang pondong natanggap at nagastos sa kampanya upang matiyak ang transparency at pagsunod sa campaign finance laws.

Read: Angel Castro shares painful truth about mom Raven Villanueva

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Noong November 2025, mismong si Marcoleta ang umaming nakatanggap siya ng campaign donations mula sa tatlong indibidwal na hindi niya noon pinangalanan dahil, aniya, hiniling ng mga itong manatiling anonymous.

Kalaunan, napag-alamang ang tatlong donors ay sina dating Congressman Mike Defensor at mga negosyanteng sina Joseph Espiritu at Aristotle Baluyut.

Read: Ai-Ai delas Alas, Rosanna Roces finally end 25-year feud

COMELEC CLEARS MARCOLETA OVER SOCE

Pagdating ng March 2026, isinapubliko ng COMELEC ang desisyon nilang itigil na ang imbestigasyon kaugnay sa umano'y election offense ni Marcoleta.

Batay sa desisyon ng ahensya, wala umano silang nakitang sapat na ebidensya para panagutin ang senador.

Ombudsman pushes through with plunder case vs Marcoleta

Nakalusot man siya sa COMELEC, hindi naman sa Ombudsman.

Noong May 2026, inirekomenda ng Deputy Bureau ng Office of the Ombudsman ang pagsasampa ng kasong plunder at tatlong bilang ng indirect bribery laban kay Marcoleta.

Ang criminal complaint ay inihain noong May 18, kung saan ang Field Investigation Bureau ng Office of the Ombudsman ang nagsilbing complainant.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ayon sa Ombudsman, ang PHP75 million na natanggap ni Marcoleta ay maituturing na "ill-gotten wealth."

Sa ilalim ng Republic Act No. 7080, o Anti-Plunder Act of 1991, maaaring magkaroon ng kasong plunder kapag ang isang public official ay nagkamal ng ill-gotten wealth na may kabuuang halaga na hindi bababa sa PHP50 million.

Read: Jinggoy Estrada detained in QC jail after arrest for plunder case

Kaugnay nito, dinepensahan ni Marcoleta ang kanyang sarili nang maglabas siya ng pahayag noong May 25.

Giit niya, walang batas na nagtatakda ng hangganan sa pagbibigay ng regalo o donasyon sa pagitan ng magkakaibigan.

Pahayag niya: "Let me state the legal defenses plainly on the allegations against me: The law did not define the limits of liberality among friends.

"They did not say that friendship must stop at a number chosen by one’s accusers.

"They did not say that generosity becomes criminal merely because the amount is substantial. What the law forbids is not liberality; it forbids corruption.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"What it condemns is not friendship; it condemns the sale of public duty.

"At least I stated the truth. At least I faced the issue. At least I did not hide behind silence."

Read: Joey Reyes on rift with Richard Gomez; Joel Lamangan on Nora Aunor's tampo

Depensa naman ng investigation team ng Ombudsman, malaki ang halagang ibinigay kay Marcoleta para ituring na simpleng regalo lamang ng kanyang mga kaibigan.

Sa halip, maituturing na raw itong korapsyon lalo na't isa na siyang kongresista noong tinanggap niya ito, kaya hindi umano maiiwasang isiping may hinihintay na kapalit ang mga nagbigay.

Ombudsman Explains Basis of Plunder Case Against Marcoleta

Noong June 30, sa ulat ni Joseph Morong sa 24 Oras, ipinaliwanag ng Ombudsman kung bakit plunder ang ikinaso nila kay Marcoleta, gayong sabi ng mga tagasuporta ng senador ay hindi naman pera ng gobyerno ang PHP75 million na tinanggap nito.

Ayon kay Assistant Ombudsman Mico Clavano, hindi lamang pera ng gobyerno ang puwedeng sangkot sa kasong plunder, base na rin sa nakasaad sa Republic Act No. 7080.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Aniya, "Alangan naman po yung gifts, e, galing din sa public funds.

"Ang definition po ng plunder also includes private funds."

Read: DOJ issues immigration lookout order against Bato dela Rosa

Ayon pa kay Clavano, maihahambing ang kaso ni Marcoleta sa naging plunder case noon ni dating Pangulong Joseph "Erap" Estrada, kung saan kabilang sa mga pinagmulan ng umano'y ill-gotten wealth ang jueteng payola.

Pahayag ni Clavano: "Naiintindihan po namin yung argument na kailangan, e, public funds.

"Ngunit kapag binasa mo ang batas, nandiyan yung kahit private funds, e, pupuwede.

"It's just that madalas na napa-file po, e, yung public funds."

Read: Romnick and Harlene's daughter Bo speaks up on "nepo baby" tag

Samantala, maliban kay Marcoleta, kinasuhan din ng Ombudsman sina dating Congressman Mike Defensor, na umano'y nagbigay ng PHP30 million; negosyanteng si Joseph Espiritu, na umano'y nagbigay ng PHP25 million; at Aristotle Baluyut, na umano'y nagbigay ng PHP20 million.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bukod pa rito ang hiwalay nilang kasong paglabag sa Presidential Decree No. 46.(receiving gifts).

Layunin nitong pigilan ang graft at corruption sa pamamagitan ng pagbabawal sa pagbibigay at pagtanggap ng mga regalo sa mga opisyal at empleyado ng gobyerno dahil sa kanilang posisyon.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Senator Rodante Marcoleta faces plunder case after the Ombudsman files charges over PHP75 million in alleged undeclared campaign donations.
PHOTO/S: Rodante Marcoleta on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results