Siyam na palabas ang handog ng VMX para sa Hunyo 2026.
Pero tatlo sa mga ito ay special feature, kung saan pinagsama-sama ang mga mapangahas na eksena sa mga naipalabas nang VMX movies.
Siyempre, matipid ang gastos sa tatlong feature na ito — All The Way hosted by Christine Bermas; Kiskisan/Dibdiban hosted by Micaella Raz and Zsara Laxamana; at Triple Threat na hosted ng magkakapatid na sina Angela Morena, Stephanie Raz, at Micaella Raz.
VMX SPECIAL FEATURES
Ngayong June 2026 ang first time na tatlong special feature ang hatid ng VMX.
Before ay isa lang kada buwan ang ipinepresenta this year.
Noong Enero, andiyan ang Bagong Tukso kung saan tampok sina Apphle Celso, Margaret Diaz, Heart Fox, at Allison Ross, with the special participation of Basti Flores.
Para sa Buwan ng mga Puso, andiyan ang Foreplay hosted by Sheree.
Noong Marso, andiyan ang Ligo hosted by Ayanna Misola.
Noong Abril, umariba ang Halina ni Aliya hosted by Aliya Raymundo.
At noong Mayo, rumatsada ang Pinay Kama Sutra (ang original title ay Kama Sutra 2) hosted by Ataska.
Ang iba pang special feature na naunang mag-streaming sa VMX at nasa Kink Files section ay Patikim ni Robb Guinto; Kiss/Kiss The Best of Girl to Girl hosted by Micaella Raz and Zsara Laxamana; All Out: AJ Raval hosted by Dyessa Garcia; at Kama Sutra hosted by Ataska.
Andiyan din ang Seksi: Pantasya at Pelikula, Climax hosted by Robb Guinto and Apple Dy; VMX Rewind: The Best of VMX 2025 hosted by Zsara Laxamana; Pasilip ni Azi: The Steamiest Moments of Azi Acosta; Arouse hosted by Aiko Garcia and Jenn Rosa; Todo Kayod hosted by Angela Morena; Bigay Hilig hosted by Skye Gonzaga; at Deep Inside: Angeli Khang hosted by Ataska.
Noong Hunyo 3 ay nag-streaming sa VMX Plus ang Barako hosted by Nico Locco. Tampok doon ang M2M scenes sa mga palabas ng VMX.
Ewan kung mag-i-streaming din iyon sa VMX para hindi na kailangang magbayad nang hiwalay ang subscribers.
Para sa Hulyo, naka-line up na sa VMX ang Helena nina Jenn Rosa at Lea Bernabe; Kainan nina Vern Kaye at Ashley Lopez; Siping nina Shannon Sizon at Cheena Dizon; Bagong Tukso 2, Lunok nina Astrid Lee at Allison Ross; Creampie nina Christy Imperial at Angel Castro; at Booking nina Denise Esteban at Margaret Diaz.
Read: VMX de Mayo 2026: Seven sizzling movies turn up the heat
VMX LEADER IN PINOY EROTICA
Wala pa ring makaagapay sa VMX sa paghahatid ng Pinoy erotica.
Yung CinePOP ay tila hindi na masyadong agresibo.
Yung Star SineMax ay nag-“grand” launch noong Hunyo 26, at fearless daw ang bagong chapter.
Magpo-focus na yata sila sa mga palabas na pampamilya, kaya ang frontliners nila ay sina Herlene Budol, Pokwang, Arnel Ignacio, Ai Ai de las Alas, at Mon Confiado.
Sa Hulyo 8 ay nakatakda na ang pagbabalik ng AQ Prime.
Mag-i-streaming muli sa app ang Mang Kanor, Adonis X, La Traidora, Cuatro, Upuan, Baka Sakali, at iba pa.
Meron na silang YouTube channel.
Ikinakasa rin nila ang AQ Film Fest: The 1st AQ Prime Film Festival.
Take note na iyong inaugural Cine Silip filmfest ng VMX ay ginanap noong Oktubre 22-28, 2025 sa piling Ayala Malls cinemas.
Masusundan pa kaya iyon?
CHRISTINE BERMAS: ALL THE WAY
Feature (1 hour 14 minutes) directed by Rodante Y. Pajemna Jr.
Nag-streaming noong Hunyo 2, 2026.
Naglahad ang 24-anyos na si Christine Bermas ng mga bagay-bagay sa sarili. Single daw siya ngayon.

Itinampok ang erotic clips sa VMX movies na pinagbidahan niya, na may mga pa-trivia at pagbabalik-tanaw:
Siklo with Vince Rillon
Island of Desire with Sean de Guzman
Lampas Langit with Ricky Davao (RIP)
Rita with Victor Relosa and Josh Ivan Morales
Bedspacer with Micaella Raz
Relyebo with Sean de Guzman
Victoria’s Silver with Gold Aceron
Salsa ni L with Sean de Guzman and Jeffrey Hidalgo
Moonlight Butterfly with Kit Thompson
Scorpio Nights 3 with Gold Aceron
Read: VMX releases in April 2026: From Stepdaddy to Barurot Dos
SCANDAL QUEEN
Sexy drama (1 hour 16 minutes) directed by Topel Lee.
Nag-streaming noong Hunyo 5, 2026.
Inspired ito ng eskandalong kinasangkutan ng The Big Four na sina Ron Angeles, Nikko Natividad, Gil Cuerva, at Arron Villafor, na kumalat ang videos ng pakikipagniig sa babaeng maraming tattoo noong Pebrero 28, 2026.
Afterwards ay kumalat ang sex videos nina Nico Locco, Andre Cue, Jayden Fernandez, among others.
Walo ang scandalicious scenes sa Scandal Queen — tatlo ang mukbangan nina Alex (Nico Locco) at Mara (Karen Lopez).
Dalawa ang balagbagan nina Jonie (Dimple Rubia) at Sir B (Ardy Raymundo) na lider ng sindikato.
Nakipagniig din si Mara sa bikini konteserong si Anthony (Sharman Azur), samantalang nakipagtalik din si Alex sa kaibigan ni Mara na si Cathy (Rhian Rivera).
Ang madiskarteng si Cathy ay nakipagbembangan din sa social media influencer na si Carlos (JJ Marquez).
Sa bandang ending ng pelikula, ininterbyu si Alex ng isang reporter (Veejay de los Reyes).
Tanong ng reporter, “So, how are you?”
Sagot ni Alex, “OK ahhmm I should have been more careful. I let my guard down. Nagtiwala ako.”
Follow-up question ng reporter, “Dalawang sex video mo ang lumabas. Ano ang masasabi mo doon?”
Tugon ni Alex, “Sh*t happens. Na-video-han ako. But it’s a clear violation of my privacy and the law.
“I trusted the wrong people and I was betrayed. I hope you understand where I’m coming from.
“It happens, e. Life moves on. And I’m ready to move on from this issue. Maraming-maraming salamat sa questions mo pero this is the last time I’ll talk about it. Thank you.”

SUGAR MOMMY
Sexy drama (1 hour 15 minutes) directed by Christopher Novabos.
Nag-streaming noong Hunyo 9, 2026.
Ito ang ikalawang VMX movie ni Jamilla this year, na si Christopher Novabos din ang direktor.
Nauna rito ang Stepdaddy, kung saan tampok din sina Christy Imperial, Astrid Lee, at Jhon Marc Marcia.
Sa Sugar Mommy, non-commital ang dating sexy actress na si Hazel (Jamilla Obispo) sa tatlo niyang sugar babies na sina Paul (Aerol Carmelo), Max (Rash Flores), at Jenna (Ashley Lopez).
Hinarot ni Jenna ang dalawang hombre, at nadarang ang mga ito. Nasaksihan iyon ni Hazel.
Meron bang threesome? If so, anong kumbinasyon?
Sa sukdulan ba ay magpo-foursome sila?
In the end, sino ang mas matimbang para kay Hazel?
Read: VMX movies that turned up the heat in March 2026

KIKIROT-KIROT
Sexy drama (1 hour 15 minutes) directed by Rodante Y. Pajemna Jr.
Nag-streaming noong Hunyo 12, 2026, ika-128 Araw ng Kalayaan ng Pilipinas.
Maliwanag na nagkasarapan ang mag-asawang Roda (Skye Gonzaga) at Ace (Mark Dionisio) sa umpisa ng pelikula. Iyon ang una’t huli nilang eksena ng pagniniig.
Dumalo si Ace sa isang stag party, kung saan naka-one-night stand niya ang isa sa dalawang babaeng mananayaw.
Ang isa pang stag dancer (Janina Magsombol) ay nakipagtikiman sa kaibigan ni Ace na si Don (Mark Niño).
May dyowa rin si Don, kagaya ni Ace. Birds of the same feather flock together?
Pag-uwi ni Ace sa bahay, aba, andoon na ang pinsan ni Roda mula sa Cebu na si Janice (Rinoa Halili), na ilang oras lang ang nakalipas ay nakaulayaw niya. Ang random!
Sa isang dream sequence ay nag-threesome sina Roda, Ace, at Janice.
Ilang ulit na nagnakaw ng sandaling kakabit-kabit sina Ace at Janice habang nandiyan si Roda.
Mako-caught in the act ba ni Roda ang mister niyang marupok, at ang pinsan na anaconda habang kikibut-kibot o kikiwal-kiwal?
Ang misis ni Don ay si Joan (Margareth Sison) at siyempre pa, meron silang loving-loving moment.
Kikisap-kisap, kikisay-kisay.
Sa wakas, sino ang kikiwit-kiwit, at sino ang kikibit-kibit?

KISKISAN/DIBDIBAN
Sexy feature (1 hour 14 minutes) directed by Ray Gibraltar.
Nag-streaming noong Hunyo 16, 2026.
Sequel ng GL feature na Kiss/Kiss (2025) hosted by Micaella Raz and Zsara Laxamana.
Sabi ng hosts na sina Christy Imperial at Apphle Celso sa trailer, itong pangalawang installment ay mas matapang, closer, at walang atrasan.
“Kung nabitin kayo sa unang pasabog ng Kiss/Kiss, dito mas intense ang pagtuklas natin sa sexual encounters ng babae sa babae…”
Kabilang sa VMX movies na nagtampok dito ng GL scenes ay ang mga sumusunod:
Pihit with Christy Imperial and Denise Esteban
Tatsulok with Skye Gonzaga and Mariane Saint
Unang Tikim with Robb Guinto and Angeli Khang
Kirot with Ashley Lopez and Jenn Rosa
Halimuyak with Christy Imperial and Skye Gonzaga
Maalikaya with Jenn Rosa and Aliya Raymundo
Scissors with Rhian Rivera and Allison Ross
Trianggulo with Skye Gonzaga and Vern Kaye
Akin Ang Gabi with Queenie de Mesa and Trish Gaden
Bayo with Ashley Lopez and Anna Marie Gonzales
Kaulayaw with Robb Guinto and Micaella Raz
Read: VMX marks fifth anniversary with a lineup of sizzling new movies

LATINA
Sexy drama (1 hour 19 minutes) written and directed by King Abalos.
Nag-streaming noong Hunyo 19, 2026, na 165th birth anniversary of national hero Dr. Jose P. Rizal.
Anim lamang ang puksaan sa pelikula, at may mga balitaktakang kayhirap madalumat.
Si Nikki (Athena Red) ay anak ng may-ari ng boarding house, kung saan limang taon nang tenant si Mark (Mhack Morales).
May siyam pang gumanap na boarders sa pelikula, pero wala silang bearing sa daloy ng istorya.
Sa umpisa, nagniniig sa kama sina Nikki at Mark.
Pumasok sa kuwarto ang Bikolanong helper na si Popoy (Chester Grecia) at humiling, “Paisa nga.”
Exit Mark, pasok Popoy sa kandungan ni Nikki.

Afterwards ay nagkape ang tatlo, at nagkatalastasan kung anong pelikula ang panonoorin sakaling mabigyan sila ng chance na isang pelikula lang ang paulit-ulit na panoorin.
Ang mungkahi ni Mark ay Before Sunrise (1995), ang unang installment sa Before trilogy. Bida rito sina Ethan Hawke at Julie Delpy.
Enter frame ang mahiwagang si Katarina (Shalanie de Vera), na mistulang si Daniela Mondragon-Bartolome (Dimples Romana) sa Kadenang Ginto.
Ano kaya ang ipinahihiwatig ng maleta?
Magkakasunod na nakaniig ni Katarina sina Mark, Popoy, at Nikki.
Nagkatsikahan sina Nikki at Katarina tungkol sa deja vu.
Nag-threesome sina Nikki, Mark, at Popoy, at kapagkuwan ay naglaho si Katarina.
Nahanap nila si Katarina na walang saplot. Inusal-usal ni Katarina ang pangalang Benny, na siyang pangalan ng karakter ni Roderick Paulate sa satirical sitcom na Abangan Ang Susunod Na Kabanata (Enero 1991-Hunyo 1997).
Di ba, Bb. Latina Moran?
Read: PEP Troika’s Choice: Noteworthy VMX Films of 2025
TRIPLE THREAT
Erotic feature (1 hour 31 minutes) directed by Christian Paolo Lat.
Nag-streaming noong Hunyo 23, 2026.
Ungol pa lang ng magkakapatid na sina Angela Morena, Stephanie Raz, at Micaella Raz ay nagpapatigas na ng paninindigan.
Deepest and darkest desires ang dinutdot at dinalirot ng mga pamangkin ni Lara Morena sa pagbabalik-tanaw sa mga mapangahas nilang pagganap sa VMX.
Itinampok sa hot and fun special na ito ang mga eksena sa mga sumusunod na pelikuka…
Lady Guard with Angela Morena, Anthony Davao, and Irish Tan
Palitan 2 with Angela Morena, Victor Relosa, and Margaret Diaz
Kahalili with Stephanie Raz, Millen Gal, and Sid Lucero
Hayok with Stephanie Raz and Nico Locco
Bata Pa Si Sabel with Micaella Raz, Benz Sangalang, and Chad Solano
Bangkera with Micaella Raz, Marco Mora, and Chester Grecia
Sirena with Micaella Raz and Van Allen Ong
Ungol with Stephanie Raz and Chad Solano
Pagdaong with Angela Morena and Astrid Lee
Panibugho with Micaella Raz, Kiko Estrada, Angela Morena, Benz Sangalang, and Stephanie Raz

THE CHEATING WIFE
Sexy drama (1 hour 21 minutes) directed by Mikko Baldoza.
Nag-streaming noong Hunyo 26, 2026.
Si Mikko Baldoza ang direktor ng Haplos sa Hangin, for which ay nagwaging best actor si Martin del Rosario sa inaugural Cine Silip filmfest noong Oktubre 22-28, 2025.
Ini-release sa South Korea ang nasabing erotic horror film, na tampok din sina Denise Esteban, Angelica Cervantes, Vincent Pajara, at Jorrybell Agoto.
Na-X ng MTRCB ang Haplos sa Hangin sa unang rebyu.
Yung director’s cut nito ang na-release sa South Korea, at kumalat online ang video clips ng ilang mapangahas na eksena rito.
Ang mga bembangan sa The Cheating Wife ay nagsimula sa imahinasyon ng mga biyudang sina Elena (Alisson Ross) at Sarah (Cess Garcia).
Na-imagine ni Elena na nagpopompyangan sila ni Sarah.
Afterwards ay na-imagine ni Elena na kaniig ang asawang si Julian (Vince Rillon) na presumed dead, segue sa imagination na threesome sila with Sarah.
Nag-imagine naman si Sarah na katalik ang yumaong asawa na si Nestor (Primo Angeles).
Ang nars na si Sarah ay nangupahan sa bahay ni Elena, at naging totohanan na ang pagsasalo nila sa makamundong pagnanasa.
Kaso, buhay pa pala si Julian, na isa nang bulag.
Sa pagbabalik ni Julian, paano na ang maliligayang sandali nina Sarah at Elena?

HIBLA 2
Sexy drama (1 hour 24 minutes) directed by Topel Lee.
Nag-streaming noong Hunyo 30, 2026.
Remake ng Hibla (2002) na pinagbidahan nina Rica Peralejo, Maui Taylor, Ricky Davao, at Antonio Aquitania, sa direksiyon ni Yam Laranas.
Sa bagong Hibla, nag-imagine si Dante (Ghion Espinosa) na matitikman na niya ang alindog ng kasintahang si Jillian (Margaret Diaz) na certified untouched.
Nabitin si Dante.
Nakainuman niya sina Rommel (Sharman Azur) at Cedes (Raya Llorin).
Pag may alak, may balak. Nagtagumpay si Cedes na maisakatuparan ang kanyang plano.
Bumigay si Dante sa kanyang panghaharot.
Taga-probinsya sina Dante, Jillian, Rommel at Cedes.
Mula sa lunsod ay umuwi sa nasabing probinsya ang magkapatid na sina Carla (Aliya Raymundo) at Andrew (Albie Casiño).
Childhood best friends sina Carla at Jillian.
Nang makita ni Carla ang naliligong si Rommel, nagkaintindihan agad sila kung ano ang nais sa isa’t isa.
Tinuruan ni Carla si Jillian kung paano humalik at magpasarap ng kapareha.
Sinabi ni Dante kay Carla na nasaksihan niya ang ginawa nito with Rommel sa kubo.
Tanong ni Carla, gusto ba ni Dante na gawin din iyon dito? Napangiti si Dante.
Nag-imagine si Andrew na natikman niya si Jillian.
Naging marupok sina Dante at Carla sa isa’t isa, at nakita sila ni Jillian.
Pinuntahan ni Jillian si Andrew, at dito isinuko ang Bataan.

Read: Hubadero 2025: From Tease to Total Reveal—Male Celebs Who Bared
