PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Tessa Prieto on suing ex-partner: "Hindi kami magkakampi."

Tessa Prieto claims she did not sign promissory notes attributed to her.
by Rachelle Siazon
Published 10 hours ago
Tessa Prieto posts bail for her release amounting P120,000 for the criminal information for estafa.
Tessa Prieto sues ex-partner for falsification of documents in relation to ongoing estafa case filed against them: "I didn't want to spend more money, but you know what? You are questioning my integrity and my reputation and my very essence... I'm naaawa na, e, to myself, to all the other people. Nobody will speak up for them."
PHOTO/S: Rachelle Siazon

"Pikon na pikon na ako."

Ito ang pahayag ni Tessa Prieto patungkol sa sanga-sangang legal battle nila ng ex-partner niyang nakarelasyon niya ng 11 buwan.

Pormal na sinampahan ni Tessa ang dating karelasyon ng reklamong falsification of documents sa Department of Justice noong June 1, 2026.

Kaugnay ito ng kasong estafa na isinampa ng isang negosyante laban kay Tessa at kanyang ex-partner.

Diumano, nagsabwatan ang dalawa sa isang "orchestrated financial scheme" para makunan ng pera ang negosyanteng nagbigay ng pera sa kanila.

Reklamo ng di pinangalanang complainant, pumirma si Tessa ng promissory notes na may kabuuang halagang "PHP25 million," pero kalaunan ay hindi ito binayaran.

Noong June 2, eksklusibong nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Tessa hinggil sa legal battle na kinahaharap niya.

Dito ay mariing pinabulaanan ni Tessa ang alegasyong nagsabwatan sila ng kanyang ex-partner sa diumano'y "orchestrated financial scheme."

"Hindi kami magkakampi," diin niya patungkol sa ex-partner.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Gusto raw niyang matigil ang aniya’y pandadawit sa kanya sa kasong wala siyang kinalaman.

Paglilinaw niya: "I've been wanting to file this [falsification complaint] for the last several months.

"I have an ongoing case wherein I am accused of estafa. And, the status of that case is it's ongoing.

"I won the first case. I won the first demand, so it was dismissed."

Read: WHAT PEP KNOWS: Bea Alonzo and Vincent Co break up for good

THE FIRST COUNT OF ESTAFA: DISMISSED

Ang tinutukoy ni Tessa ay ang desisyon ng Makati Regional Trial Court na ibasura ang criminal information para sa unang bilang ng estafa na kinaharap niya.

Base sa court document na inulat ng PEP noong August 2025, isinalaysay ng complainant na inalok siya ng noo'y partner pa ni Tessa at pati na rin ng socialite na mag-invest sa kumpanya ng una.

Nagbigay raw ang complainant ng PHP5M sa dalawa noong April 2023, at nagpaluwal pa raw ito ng dagdag na PHP10M noong May 2023.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi raw tumupad sa usapan si Tessa at ex-partner nito nang hindi nila ibinalik sa complainant ang pinaluwal nitong pera kasama ng interest rate na "12 percent."

Ayon sa presiding judge, napatunayang nagbayad si Tessa ng PHP5M sa complainant noon ding May 2023.

Para naman sa PHP10M na sinasabing ibinigay kay Tessa at sa ex-partner nito, wala raw naipakitang bank deposit slip ang complainant bilang katibayang nangyari nga ito.

Kaya na-dismiss ang unang bilang ng estafa laban sa dalawa.

Read: WHAT PEP KNOWS: The UP CMC Foundation and The Missing Millions

THE SECOND COUNT OF ESTAFA: ONGOING

Ongoing naman ang pagdinig sa ikalawang bilang ng estafa laban kay Tessa at ex-partner nito sa Makati RTC.

Ito ay may kinalaman sa promissory notes na sinasabing pinirmahan ni Tessa.

Ang promissory note ay isang dokumentong nagpapatunay na nangangakong magbabayad ang issuer nito ng partikular na halaga sa payee o taong babayaran nito.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sa kaso ni Tessa, nanindigan siyang walang authorization niya ang promissory notes na hinahabol sa kanya ng complainant ng estafa.

Itinuro niya ang kanyang ex-partner na may kagagawan umano ng pamemeke ng promissory notes na pilit daw inuugnay sa kanya.

Sangkot daw rito ang dalawa pang indibidwal na ayaw niyang pangalanan.

“That’s not my signature,” diin ng socialite.

Ginawa umano ang "false documents" na mga iyon nang hindi niya nalalaman.

Hindi raw niya lubos-maisip kung paanong napanotaryo pa ang promissory notes, at ngayon ay pilit na ibinibintang sa kanya na hindi niya umano binayaran.

"[The complainant] is saying that I'm the mastermind of the scam, that I introduced [my ex-partner] to her, and we both jointly scammed her.

"With what evidence? With the fake evidence."

Kaya raw nagdesisyon si Tessa na magsampa ng reklamo laban sa ex-partner at dalawang kasabwat umano nito.

Ipinahiwatig ni Tessa na masalimuot ang kuwento sa likod ng mga aniya'y pekeng promissory notes, pero hindi na niya idinetalye ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Now it's with DOJ. So they have to see whether it is a case or not.

"I am now going to file also with the NBI.

"So I'm gonna get a forensic signature person to check on the forgery and the validity of the signatures."

Ayon pa kay Tessa, hindi biro ang maghain ng demanda dahil malaking gastos ito.

Pero kahit masalimuot ang proseso ay gusto raw niyang manindigan para sa sarili at para hindi na maulit ito sa iba pang taong maaaring mabiktima.

Sabi niya sa PEP: "I didn't want to spend more money, but you know what?

"You are questioning my integrity and my reputation and my very essence...

"I'm naaawa na, e, to myself, to all the other people. Nobody will speak up for them.

"I have decided to help all the other victims na and spend money [on this suit]."

Read: Nora Aunor's children dispute: A timeline

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

TESSA PRIETO SAYS HOLD ORDER AGAINST HER WAS DISMISSED

Sa kabilang banda, masayang ibinalita ni Tessa na ibinasura ng korte ang hold departure order petition ng negosyanteng inirereklamo siya ng estafa.

Sabi ni Tessa: "I cried today because I just found out it was dismissed. So thank you, Lord.

"Because technically, if you're out on bail, you cannot leave the country.

"But it gets worse if the complainant files a hold order, and [the complainant] did."

Nakatanggap ang PEP ng kopya ng resolusyon ng Makati Regional Trial Court na nilagdaan ng presiding judge noong May 29, 2026.

Nakasaad dito na inihain ng complainant ang Motion For Issuance of Hold Departure Order noong April 28.

Sabi ng complainant, may "risk" umanong takasan ni Tessa ang pagdinig ng kaso nitong estafa dahil mayroon itong "financial means and capability to leave the country at any time."

Kaya't kailangan daw ng hold departure order laban kay Tessa hanggang sa matapos ang kaso.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi ito kinatigan ng korte.

Ayon sa resolusyon, bagamat totoong may kapangyarihan ang korte na magbawal sa isang akusado na umalis ng bansa para masiguro ang pagsunod nito sa legal proceedings, hindi raw ito akma sa kaso ni Tessa.

Makikita raw kasi sa records ng korte na consistent na dumadalo si Tessa sa lahat ng pagdinig ng kaso niyang estafa mula pa noong arraignment nito.

"Such continued compliance negates any perceived probablity of flight risk.

"Moreover, mere financial capacity does not, by itself, establish a propensity to evade prosecution."

Nagsumite rin daw si Tessa ng "Waiver and Undertakings" o dokumentong nagsasabing handa siyang dumalo sa pagdinig sa korte sakaling kailanganin ang presensiya niya.

Diin pa ng korte, "No sufficient justification exists for the issuence of Hold Departure Order" habang ongoing ang kasong estafa ng socialite.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Tessa Prieto sues ex-partner for falsification of documents in relation to ongoing estafa case filed against them: "I didn't want to spend more money, but you know what? You are questioning my integrity and my reputation and my very essence... I'm naaawa na, e, to myself, to all the other people. Nobody will speak up for them."
PHOTO/S: Rachelle Siazon
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results