PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Mother of Rene Baterbonia: "Gusto ko ng justice!"

Rovelyn Baterbonia: "Marami akong tanong na hindi pa nasasagot."
by Khryzztine Joy Baylon
Published 2 days ago
Mother of Rene Baterbonia suspects foul play in son’s tragic death
Rovelyn Baterbonia (left), mother of 19-year-old Ateneo basketball player Rene Baterbonia (right), mourns the loss of her son while calling for a thorough investigation into his death.
PHOTO/S: Mariz Umali on Facebook

Maraming katanungan si Rovelyn Baterbonia, ina ng namayapang Ateneo basketball player na si Rene Baterbonia, 19, tungkol sa biglaang pagkamatay ng kanyang anak.

Noong Lunes, June 8, 2026, isinapubliko ng Ateneo De Manila University (ADMU) ang malagim na sinapit ng dalawang miyembro ng Ateneo Blue Eagles na sina Rene at Divine Adili, 21.

Ayon sa unibersidad, nalunod ang dalawa habang isinasagawa ang isang team-building activity sa Dipaculao, Aurora, noong hapon ng June 8.

Read: Police release initial findings in two Ateneo players' drowning

Halos ganito rin ang lumabas sa paunang imbestigasyon ng Police Regional Office 3 (PRO-3) kaugnay ng insidente.

Batay sa initial findings, nagsu-swimming umano ang dalawa nang tangayin sila ng malakas na agos patungo sa mas malalim na bahagi ng dagat.

Naisugod pa umano sina Rene at Divine sa pinakamalapit na ospital ngunit kalaunan ay binawian din ng buhay.

RENE'S MOTHER QUESTIONS DROWNING NARRATIVE

Gayunpaman, hindi matanggap ni Rovelyn ang sinasabing dahilan ng pagkamatay ng kanyang anak.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Wala rin daw kinatawan ng Ateneo na direktang kumausap sa kanya upang ipaliwanag ang tunay na nangyari.

Who is Rene Clert Baterbonia: Inside the life, dreams, and tragic death of the Ateneo rookie and Palarong Pambansa MVP.
Photo/s: Screengrab from Instagram | @renbaterbonia

Sa Agusan del Sur nakatira ang pamilya ni Rene.

Nang malaman ang sinapit ng anak, agad lumuwas ng Maynila si Rovelyn sa tulong ni Agusan del Sur Governor Santiago "Santi" Barriga Cane Jr.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa panayam ni Mariz Umali ng GMA News ngayong Martes, June 9, naging emosyunal si Rovelyn.

Dito ay ikinuwento ng ina ang huling pag-uusap nila ni Rene.

Ayon kay Rovelyn, ang paalam daw ng kanyang anak, dadalo ito sa training bilang panibagong miyembro ng koponang Ateneo Blue Eagles.

Lahad ni Rovelyn: "Noong pumunta kami dito sa Maynila, sabi nila [Ateneo] na kausapin nila kami noong nag-orient sila.

"Hindi talaga nila sinabi na magkakaroon ng training na ganun. Kasi kung sinabi lang nila, matanong ko na sana [yung anak ko na], 'Kaya mo ba iyon?' Para madesisyunan namin.

"Hindi ko alam bakit ganun ang nangyari.

"At bigla na lang nag-text yung anak ko. Sabi niya, 'Ma, one week siguro akong walang cellphone kasi may training kami doon sa Baler... Hindi puwede doon mag-cellphone.'

"Sabi ko, 'Sige, anak, mag-ingat ka! And then dapat ingatan yung katawan kasi isa lang iyan.'

"Akala ko training lang nga, hindi military training. Ano ba iyon?

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Tapos, ayun nga, wala na siyang cellphone noong Saturday hanggang Sunday nga."

Read: Vico Sotto hopes Discaya arrest leads to more imprisonments

Bagamat hindi sila nagkakausap, panatag daw ang loob ni Rovelyn na ligtas ang anak sa poder ng kanyang team at coach.

Nagbago lamang ito nang makatanggap siya ng mensahe mula sa isang kinatawan ng Ateneo noong Lunes.

Lahad ni Rovelyn: "Bigla na lang may nag-message sa akin. Sinabi na, 'Puwede po ba tumawag ako sa iyo?'

"Tapos hindi naman siya tumawag, ako na ang tumawag. Pagtawag, doon na, sabi niya, 'Ma'am, naaksidente po si Rene, nalunod po.'

"Malaki talaga ang tanong ko, 'Bakit nagpunta doon sa dagat?'

"Kasi basketball [player] naman yung anak ko, hindi naman swimming.

"Masakit. Simula bata hanggang ngayon [inalagaan ko iyon], tapos ginanoon lang nila.

"Kasi kung alam ko lang na may training sila na ganyan, kahit mahirap kami, hindi ko yun ipapahamak yung anak ko talaga."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Dennis Padilla saddened by Claudia's change name petition

Kabilang sa mga tanong ni Rovelyn, bakit hindi agad nasagip ang kanyang anak, at bakit, sa dinig niya, ay may mga pabigat na nakakabit sa kamay at paa nito habang lumalangoy.

CLAIMS ABOUT AURORA BOOTCAMP

Kumakalat ngayon sa social media ang video clip, petsa Disyembre 2025, mula sa panayam kina Ateneo Blue Eagles members Shaun Ildefonso at Anton Asistio.

Dito ay ibinahagi ng dalawang basketbolista ang mga pinagdaanang mala-military training sa kanilang Aurora "bootcamp."

Ayun sa dalawa, pinag-push up, pinag-jogging, at pinag-swimming relays sila.

Nang tanungin kung mayroon nang muntik malunod sa training, sumagot ang isa sa kanila ng, "Muntik na."

Bahagi raw ito ng tradisyon ng team upang masubok ang pisikal at mental na kakayahan ng mga manlalaro.

Dahil dito, lumutang online ang iba't ibang espekulasyon hinggil sa pinagdaanang training nina Rene at Divine.

Humahagulgol na sabi ni Rovelyn: "Kaya ngayon, gusto ko ng justice talaga. Kung ano ang nangyari. Bakit gano'n ang nangyari sa anak ko?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Alam naman nila na mabigat yung pinalagay nila sa paa or doon sa kamay.

"Tapos pinaano [pinalusong] pa nila sa dagat. Hindi na ba sila naawa?"

Read: Sooyoung and Jung Kyung Ho end 14-year relationship

Isa pa sa kanyang kinukuwestiyon ay ang kawalan umano ng medic at rescue personnel sa lugar.

Hindi rin daw siya kinontak ng sinuman sa Ateneo Blue Eagles noong may nangyari na sa anak.

"Ang dami nila. Bakit naman pumunta sila doon na walang dalang rescue, walang medic?

"Wala talaga akong tulog kasi naghintay ako kung saan ba yung anak ko. Kahit isang picture, wala silang isinend sa akin.

"Wala man nagsabi na, 'Ma'am, ito na yung anak mo, nakuha na namin sa dagat, tapos dadalhin na namin ito sa Maynila.'

"Wala talaga. Wala silang sinasabi sa akin."

Ayon kay Rovelyn, nalaman lamang niya ang trahedya nung nag-viral na online ang sinapit nina Rene at Divine.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dahil nasa Agusan del Sur pa siya noon, ang tiyahin daw ni Rene ang personal na nagtungo sa Ateneo sa Maynila upang kumpirmahin kung ang katawan nga ng binata ang na-recover.

Pababalik-tanaw ni Rovelyn: "Kagabi lang, doon lang ako nakakita ng picture ng anak ko.

"Tapos ang dami nang mga post. Pero ayun, hindi pa talaga ako maniwala kasi hindi ko pa nakita yung anak ko na patay na.

"Tapos biniyahe nila yung anak ko, ni hindi man lang nila binihisan. Walang damit, yung shirt basa. Tapos, wala pang staff na sumama.

"Yung nagsundo sa kanila na punerarya... yung official na trabahante lang.

"Tinanong ng tita ni [Rene sa trabahante], 'Sino bang kasama niyo?'

"Ang sagot nun, 'Kami lang.'

"Walang staff sa Ateneo. Wala talaga. Tapos, wala silang ano [sinasabi] sa akin na, 'Ma'am, ganyan, ganito [nangyari].'

"Wala talaga. Post lang nila na ganyan na yung anak ko, na wala na.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Pero wala talaga sila binigay kahapon hanggang kagabi na picture na para ma-prove ko na anak ko ba talaga iyon.

"Hanggang kanina lang na umaga, doon [ko lang] nalaman na wala na talaga yung anak ko. Kaya iyak ako nang iyak."

Diin pa ni Rovelyn: "Isang saglit lang ang pangarap ng aking anak, binasag nila.

"Kaya ang malaking tanong ko talaga, bakit? Bakit ba ganyan? Ang dami nila doon, tapos walang nag-rescue?

"Bakit nila pinalangoy yung anak ko na may ano, twenty kilos yung bigat?"

Hindi malinaw kung ano ang tinutukoy ni Rovelyn sa sinasabing "twenty kilos na bigat."

Pero tila may kaugnayan ito sa mga kumakalat na espekulasyon online na may mabigat umanong mga bagay na nakakabit sa katawan ng mga kalahok sa training kapag pinapalusong sa dagat.

Kaugnay nito, tinanong no Matiz si Rovelyn kung naniniwala ba siyang may foul play sa nangyari.

Mabilis niyang sagot: "Talaga! Kasi yung anak ko, ang daming pasa. Saan galing yung pasa?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Yung nag-video, ang daming pasa dito [sa likod], may pasa dito [binti], may pasa sa likod.

"Kaya sabi ko, 'Huwag niyong galawin. Pupunta ako diyan.'"

ROVELYN CALLS FOR JUSTICE in SON'S DEATH

Sa ngayon, wala raw ibang hangad si Rovelyn kundi malaman ang buong katotohanan at mapanagot ang sinumang may pagkukulang sa nangyari.

Saad niya: "Sa ngayon, hindi ko pa po alam [ang gagawin]. Basta isa lang ang [gusto ko], magpapaimbestiga ako.

"Gusto ko lang malaman bakit ganun. Bakit ang tagal nilang nakuha?

"Ang dami nila, tapos hindi nila na-rescue? Bakit naman pumunta sila doon na walang rescue, walang medic?

"Marami akong tanong na hindi pa nasasagot."

Who is Rene Clert Baterbonia: Inside the life, dreams, and tragic death of the Ateneo rookie and Palarong Pambansa MVP.
Photo/s: Screengrab from Instagram | @renbaterbonia
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa huli, inalala ni Rovelyn ang pangarap ni Rene na makatapos ng pag-aaral upang maiahon ang pamilya sa kahirapan.

Pangalawa si Rene sa pitong magkakapatid.

Umiiyak na sabi ng nagdadalamhating ina: "Sobrang sakit. Pangarap iyan ng mga anak ko.

"Mahirap kami, pero sinusuportahan ko talaga ang mga anak ko para makapag-aral, makapagtapos.

"Kasi diyan namin hinuhugot sa mga talent nila yung paghihirap namin, tapos nauuwi lang sa ganun."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

ATENEO DE MANILA UNIVERSITY'S STATEMENT RELEASED ON JUNE 9, 2026

Kagabi, June 9, naglabas ng panibagong statement ang ADMU.

Binanggit dito ang pag-transport sa mga labi ng dalawang players.

"Since the incident, the University has been working closely with the families of Rene and Divine to provide assistance during this difficult time.

"Early this morning, 9 June 2026, the remains of Rene and Divine were transferred from the Aurora Memorial Hospital to the Arlington Memorial Chapel and Crematory in Quezon City."

Sa chapel nagkausap ang university president na si Fr Roberto Yap SJ at ang mga magulang at kapatid ni Rene.

Saad sa pahayag: "At the request of Rene's parents, an autopsy will be conducted. The University, through Arlington, has coordinated with the appropriate authorities, including the National Bureau of Investigation (NBI) and the Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), to faciulitate this process."

Samantala, hiniling daw ng pamilya ni Divine na dalhin sa Nigeria ang mga labi nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Page 1 of 3: Ateneo de Manila University's statement
Photo/s: Ateneo de Manila University on Facebook
Page 2 of 3: Ateneo de Manila University's statement
Photo/s: Ateneo de Manila University on Facebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Page 3 of 3: Ateneo de Manila University's statement
Photo/s: Ateneo de Manila University on Facebook
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Rovelyn Baterbonia (left), mother of 19-year-old Ateneo basketball player Rene Baterbonia (right), mourns the loss of her son while calling for a thorough investigation into his death.
PHOTO/S: Mariz Umali on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results