PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Police dismiss claims Kim Soo Hyun dated a minor

Legal action vs. Garosero Research Institute will be pursued.
by Khryzztine Joy Baylon
Published 13 hours ago
South Korean actor Kim Soo Hyun has been cleared of allegations that he dated the late actress Kim Sae Ron during her minor years, following police reports that key evidence presented in support of the claims was fabricated.
South Korean actor Kim Soo Hyun (left) has been cleared of allegations that he dated the late actress Kim Sae Ron (right) while she was a minor, after police reported that key evidence supporting the claims had been fabricated.
PHOTO/S: Kim Soo Hyun/Kim Sae Ron on Instagram

Naghain ng arrest warrant ang Seoul Central District Prosecutors' Office laban kay Kim Se Eui, operator ng YouTube channel na HoverLab o mas kilala bilang Garosero Research Institute.

Kaugnay ito sa pagpapakalat umano nito ng maling impormasyon laban sa South Korean superstar na si Kim Soo Hyun.

Ang Garosero Research Institute ay isang independent media platform sa South Korea na nakilala bilang "whistleblower" o nagbubulgar ng eskandalo sa mundo ng entertainment, business, at politics.

Isa sa malaking eskandalong ibinulgar nito ay ang pakikipagrelasyon daw ni Kim Soo Hyun sa namayapang aktres na si Kim Sae Ron noong menor de edad pa lamang ito.

Read: Kim Soo Hyun vows to clear his name amid allegations

Ayon sa inilabas na impormasyon noon ng Garosero, 15-anyos lamang si Kim Sae Ron nang magsimula ang sinasabing relasyon nila ni Kim Soo Hyun, na noo’y 27-anyos.

Tumagal daw ang relasyon nila ng anim na taon—mula huling bahagi ng 2015 hanggang unang bahagi ng 2022.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Kim Soo Hyun, Kim Sae Ron
The photo Kim Sae Ron posted on Februay 24, 2024.
Photo/s: Kim Sae Ron (Instagram)

Read: Kim Soo Hyun's private photo at Kim Sae Ron's house goes viral

Taliwas ito sa ipinaglalaban ni Kim Soo Hyun na nasa hustong edad na raw si Kim Sae Ron nang magkaroon sila ng relasyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

At tumagal lamang daw ng isang taon ang kanilang ugnayan—mula summer (June to August) ng 2019 hanggang autumn (September to November) ng 2020.

Read: Kim Soo Hyun finally admits past relationship with Kim Sae Ron

Ngunit nanindigan ang Garosero nagsasabi ito ng katotohanan.

Bilang patunay, naglabas pa ng ilang "ebidensiya" ang nasabing YouTube channel ng mga larawan at video nina Kim Soo Hyun at Kim Sae Ron noong sila'y magkarelasyon sa tulong ng naulilang pamilya ng aktres.

Kabilang sa mga isinapubliko ng pamilya ni Kim Sae Ron ay ang audio recording mula sa isang "whistleblower," na malapit kay Kim Sae Ron. Bagamat hindi nila pinangalanan, ayon sa kanila, ito'y taga-New Jersey, USA.

Laman ng audio recording ang diumano'y pag-amin ni Kim Sae Ron na nagkarelasyon sila ni Kim Soo Hyun noong siya'y nasa "middle school" pa lamang.

Base sa audio recording, January 10, 2025, daw nang magkita sa isang coffee shop sa New Jersey si Kim Sae Ron at ang whistleblower.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: Kim Soo Hyun camp answers "false claims" of Kim Sae Ron's family

Samakatuwid, ang audio recording ay nai-record mahigit isang buwan bago sumakabilang buhay si Kim Sae Ron noong February 17, 2025.

Nasa audio recording din ang diumano'y pag-amin ni Kim Sae Ron na pakiramdam daw niya ay nagamit lang siya ni Kim Soo Hyun.

May ilang sensitibong detalye rin daw na nabanggit ang aktres sa recording na may kaugnayan sa pagsama ni Kim Soo Hyun sa ibang babae habang karelasyon pa nito si Kim Sae Ron.

Read: Kim Sae Ron's family demands public apology from Kim Soo Hyun

Dahil sa naturang audio recording, sinampahan ng reklamong paglabag sa Child Welfare Act ng pamilya ni Kim Sae Ron si Kim Soo Hyun.

Bukod sa audio recording, ibinigay rin ng pamilya ni Kim Sae Ron sa Garosero ang nadiskubre nilang screenshots umano ng ilang private text messages nina Kim Soo Hyun at Kim Sae Ron noong sila'y magkarelasyon pa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang nakalagay na petsa: "June 2016," na ang pakahulugan ay 16-anyos lamang si Kim Sae Ron na ipinanganak taong 2000.

Read: Kim Sae Ron's family releases private chats with Kim Soo Hyun

Korean police seek arrest warrant for Garosero head over alleged fabricated evidence

Sa pag-iimbestiga ng awtoridad, napag-alamang "fabricated" ang mga inilabas na ebidensiya, gaya ng mga screenshot at audio recording ng Garosero kaugnay sa relasyon noon nina Kim Soo Hyun at Kim Sae Ron.

Ayon sa ulat ng Korea JoongAng Daily ngayong Biyernes, May 22, 2026, totoong nagbigay ng screenshot ang pamilya ni Kim Sae Ron sa Garosero tungkol sa palitan noon ng mensahe ng aktres at Kim Soo Hyun.

Read: Kim Sae Ron's family sues Kim Soo Hyun for child abuse

Ngunit sa isinagawang imbestigasyon, napag-alaman ng mga awtoridad na ilan sa mga screenshot ay minanipula at in-edit ng Garosero bago inilabas sa publiko upang palabasing may maling ginawa si Kim Soo Hyun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nadiskubre rin nilang peke ang audio recording at nilikha lamang gamit ang AI (artificial intelligence), kung saan ginaya ang boses ni Kim Sae Ron.

Paniniwala ng pulisya, ginamit lamang ng Garosero, sa pangunguna ni Kim Se Eui, ang naging relasyon noon nina Kim Soo Hyun at Kim Sae Ron upang makakuha ng views para sa kanilang YouTube channel.

Dahil dito, naghain ng arrest warrant ang Seoul Central District Prosecutors’ Office laban kay Kim Se-eui dahil sa paglabag niya sa Act on Special Cases Concerning the Punishment of Sexual Crimes, partikular sa mga probisyon tungkol sa "illegal filming and distribution using cameras."

Read: Brands cut ties with Kim Soo Hyun amid controversy

Nakatakdang ganapin ang pagdinig para sa warrant review sa susunod na Martes, May 26, sa Seoul Central District Court.

Pahayag ng Seoul Central District Prosecutors' Office (base sa English translation ng Korea JoongAng Daily): "The suspect distributed false information with the intent to defame Kim Soo Hyun, despite being fully aware that he had never been in a relationship with the deceased from when she was a minor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"The suspect knew that the identity of the conversation partner had not been confirmed, but posted the manipulated materials to make it appear as if the two had actually been talking to each other."

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
South Korean actor Kim Soo Hyun (left) has been cleared of allegations that he dated the late actress Kim Sae Ron (right) while she was a minor, after police reported that key evidence supporting the claims had been fabricated.
PHOTO/S: Kim Soo Hyun/Kim Sae Ron on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results