Limang dekada na sa industriya ang premyadong aktres na si Amy Austria.
Nagsimula ang kanyang showbiz career bilang bahagi ng pelikulang Bitayin si... Baby Ama noong 1976, at sinundan ng pelikulang Alas noon ding taong iyon.

Magmula noon, napasabak na sa mga bigating pelikula at palabas sa telebisyon si Amy.
Read: Alex Gonzaga announces pregnancy after third miscarriage
AMY AUSTRIA ON HER LONGEVITY IN SHOWBIZ
Sa Real Talk exclusive interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), ibinahagi ni Amy ang sikreto kung bakit siya tumagal ng limang dekada sa showbiz.
Hanggang ngayon ay in-demand pa rin si Amy sa mga teleserye at pelikula.
Saad niya: "Unang-una siguro, siyempre, kailangan alagaan mo yung sarili mo. Alagaan mo yung sarili mo, healthy ka.
"Kasi dito sa buhay natin, kahit na anong trabaho, ang No. 1 puhunan natin, sarili natin.
"Katawan natin, isip natin, puso natin. Kailangan sound mind, yung tama yung mga desisyon na ginagawa natin.
"Dapat maayos ang puso natin. Wala tayong galit dito sa mundo kasi nakakasakit yan.
"Nakakakapagdala ng sakit yan. Tapos, inaalagaan natin ang pisikal na pangangatawan natin.
"Nag-e-exercise tayo kasi puhunan natin iyan, e."

Malaking bagay rin daw na may pagpapahalaga sa bawat trabahong ibinibigay sa yo.
Dagdag ni Amy: "Tapos, pangalawa, siyempre yung tulad ng sinabi ko kanina, yung regalo ng Diyos, huwag mong abusuhin, huwag mong sayangin.
"At the same time, papano magagawa iyon? Sige, tuloy pa rin.
"Tumanggap ka pa rin ng trabaho. Wag kang titigil.
"Pero pagdating sa trabaho na to, importante na nakaka-deliver ka. Maayos, maganda, tama ang trabaho mo."
Pinakaimportante raw sa lahat, dapat maayos kang makitungo sa kapwa-artista, crew, at sa production mismo.
"Pero, mas number one, yung marunong kang makisama. Yung attitude mo sa trabaho. Yung professional ka.
"Hindi lang professional sa oras. Kundi professional ka pagdating mo sa set.
"Alam mo na ang dialogue mo. Alam mo na kung anong gagawin mo.
"Pero at the same time, kahit alam mo na yung dialogue mo, dapat ready ka rin na pag pinalitan yung dialogue mo, bukas din ang utak mo. Ganun.
"Yung pagka-merong mali ang ano, marunong kang magpasensiya. Marunong kang makibagay. Yung lahat.
"Tulad ng sinabi ko kanina dito sa mediacon, kailangan masaya lang. Masaya lang.
"Kung may mali yung iba, hayaan mo na, di ba? Hayaan mo."
Read: Javi Benitez predicts marriage for Sue Ramirez and Dominic Roque
AMY SAYS SHE KEEPS HER COOL ALL THE TIME ON THE SET
Marami tayong mga naririnig na senior stars na nagrereklamo sa mga late na baguhan o kasamahan sa taping o shooting.
Ano ang pananaw ni Amy tungkol dito?
Saad niya: "Halimbawa, kung may late, kasi iba na yung perspective ko ngayon.
"Yung iba, pag may mali-late diyan, ang tagal mong hinintay. Maiinis ka, di ba?
"Maghapon kang pinaghintay. Sa akin, 'Okay lang.'
"Sige, pagka ganyan, siyempre kawawa, nakakaawa ang producer, ang production.
"Maghapon kang naghihintay. O, saan ka nakakita ng trabaho na naghihintay ka pero bayad ka?"
Ayaw raw niyang ma-stress si Amy sa mga ganoong sitwasyon, at least daw bayad naman ang kanyang oras.
Bahala na lamang daw makonsensiya ang mga ganung klaseng artista sa mga ginagawa nila.
Aniya, "E, tapos yung mga nagpahintay, e, bahala sila sa konsensiya nila.
"And then, hindi nakunan lahat ng eksena, ibig sabihin, may another day ka.May another bayad ka.
"O, bakit mo i-stress-in yung sarili mo?
"Ganun yun. Bakit ko pa poproblemahin yun, di ba?
"Pero basta ako, darating ako sa set. Gagawin ko yung... kasi, ayaw ko naman nagnanakaw, di ba?
"Ang nagnanakaw na sinasabi ko, trabaho mo yan. Kailangan sa bahay pa lang, ako, advance akong humingi ng script.
"Para pagdating sa set, handa ako. Gusto ko yung sulit yung bayad sa akin.
"Ayaw ko nang maging cause of delay ako. Kailangan lahat ng eksena na naka-schedule para sa akin, makunan yon.
"At pag eksena ko, mabilis. Kung bumagal man yun, hindi ako may kasalanan. Ganun.
"Sayang ang perang ipinagkakatiwala ng production sa inyo.
"Kaya, huwag, huwag. Mahalin din dapat ang trabaho.
"Yun ang bottomline, mahalin ang trabaho."
Read: Katrina Halili says new business is additional source of income
AMY: "huwag niyong ambisyUnin yung sumikat."
May payo naman si Amy sa mga artistang nais tumagal sa industriya.
Saad ng beteranang aktres: "Ang maipapayo ko lang, hindi yung... huwag niyong ambisyunin yung sumikat.
"Huwag niyong ambisyunin yung maging superstar.
"Oo, puwedeng part yun, pero ang unang ambisyunin mo yung maging mahusay ka sa trabaho na to.
"Yung maging kapani-paniwala yung gagawin mo. Yung mag-enjoy ka.
"Makakilala ka ng maraming tao. Marunong ka makapag-adjust sa iba't ibang klase ng tao.
"Alam mong intindihin iba't ibang klase ng tao.
"At higit sa lahat, yung craft mo, yung trabaho mismo ang unahin mo, intindihin mo, alamin mo kung papano yung tama, yung dapat, yung maganda, yung kapani-paniwala.
"And then, everything will follow. Kung magaling ka, sisikat ka.
"Kung magaling ka, maraming kukuha sa yo.
"At kung magaling ka, mahusay ang attitude mo tulad ng sinabi ko kanina, tatagal ka."
Samantala, ginagampanan ni Amy ang supportive lola na si Gloria Panganiban sa upcoming GMA Afternoon Prime series na Kamao, na pinagbibidahan ni Anton Vinzon bilang si Makmak Batumbacal, isang aspiring boxer.

Kasama rin sa cast sina Bruce Roeland, Chanty Videla, ang ama ni Anton na si Roi Vinzon, Katrina Halili, Neil Ryan Sese, at Wendell Ramos.
Suportado sila ng iba pang cast members na sina Euwenn Mikaell, Andre Paras, Therese Malvar, Matt Lozano, Tito Abdul & Marsy, at ang social media stars na sina Hellboy Gaming at Meong Lipbite.

Ang Kamao ay mula sa direksiyon ni L.A. Madridejos.
Mapapanood ang Kamao simula sa May 25, 3:20 ng hapon, sa GMA.
Read: Daniel Padilla gives rare glimpse of private moment with Kaila
