Hindi nakaligtas sa netizens ang ngitian nina James Reid at Daniel Padilla nang mabanggit ang pangalan ni Kathryn Bernardo sa isang event.
Kumalat ang video sa social media.
Base rito, nabanggit ni James ang nalalapit niyang pagbabalik-telebisyon sa ABS-CBN.
Sabi ni James, "We're also shooting a teleserye, malapit na actually, Someone, Someday. Of course with me..."
Read: Kathryn Bernardo excited to work with James Reid
JAMES REID TEASES DANIEL PADILLA
Sa puntong ito, bahagyang napatigil at napangiti si James bago tinapik si Daniel na nasa tabi niya.
Nilingon pa niya si Daniel saka niya sinabing, "...with my co-stars, Kathryn Bernardo and Maja Salvador."
Nakailang-tapik pa si James sa likod ni Daniel, na waring nagpapasintabi dahil ex-girlfriend ng huli si Kathryn.
Napangiti naman si Daniel at nakuha agad ang ibig sabihin ni James.
Bihirang pagkakataong makitang magkasama sina James at Daniel na parehong nanggaling sa loveteams sa ABS-CBN.
Si Daniel ay 12 years nakatambal si Kathryn, at 11 years silang naging magkasintahan sa tunay na buhay.
Si James ay seven years nakatambal si Nadine Lustre, at four years silang naging magkasintahan.
Read: BLIND ITEM: Prized talent, nakipag-meeting sa network executives
CURRENT LOVES
Lahat sila ay masaya na sa kani-kanilang buhay pag-ibig ngayon.
Si Daniel ay nakahanap ng bagong pag-ibig sa former Incognito co-star na si Kaila Estrada; habang si Kathryn ay pinaniniwalaang kasintahan na ni Lucena Mayor Mark Alcala.
Si James ay masaya sa piling ng nobyang si Issa Pressman; habang si Nadine ay blooming din ang love life sa non-showbiz boyfriend na si Christopher Bariou.
