Uy, alam na ng mga executives ng K network na nakipag-meeting ang prized talent nito sa mga think tank ng another network.
Marami ang naka-spot sa prized talent nang magpunta ito sa another network.
Ayon sa source ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), inalok daw niya ang kanyang serbisyo sa mga think tank ng another network.
Sino ba naman ang tatanggi kung ang prized talent na ang kusang lumalapit para bigyan siya ng project, e, malakas pa rin ang hatak niya sa mga tao?
So, therefore, malaki ang chance na magkakaroon ng sariling show ang prized talent sa another network.
Read more:
BLIND ITEM: Foreign star charming on screen, turn-off in person
BLIND ITEM: Aktres, wasak na wasak sa breakup nila ng pulitiko
EXECUTIVES OF PRIZED TALENT'S HOME STUDIO HURT
Ibig sabihin kaya nito ay lilipat siya ng network?
Paano na ang kanyang mother studio na nagbigay ng maraming work noong hindi pa siya big star?
Siyempre, hurt ang mga executives ng K network sa unexpected move ng prized talent.
Naging wais lamang siguro ang prized talent at pinuprotektahan niya ang sarili.
After all, ilang taon na rin siyang naging loyal sa mother studio niya.
Impossible dream na i-deny ni prized talent ang pag-drop by niya sa another network for a private meeting, e, so many people nga ang naka-sight sa kanya!
Wait and see na lang tayo sa mga next episodes dahil mukhang wala nang makakapagpapabago sa desisyon ng prized talent na tumanggap ng project mula sa network na ready nang haplusin siya ng pagmamahal.