GORGY RULA
In-announce ni Kelvin Miranda noong Abril 17, 2026, sa social media account ang di inaasahang pagpanaw ng kanyang amang si Patricio Miranda.
Hindi man gaanong idinetalye, pero nakasaad sa iba pa niyang posts na vehicular accident ang cause of death.
Yun din ang lumabas na balita: Binangga ng isang van ang motor nito, at may sakay pa itong pasahero na nasaktan.
Noong nakausap ng PEP Troika si Kelvin sa story conference ng gagawin niyang pelikulang Crawlers After Dark, ibinahagi niya ang pinagdadaanan ng pamilya pagkatapos ng nangyari sa kanyang ama.
Nilinaw niyang itutuloy raw nila ang reklamo sa taong nakabangga.
“Tinuloy namin yung kaso. Kasi yun lang yung maibigay naming hustisya at huling pagkakataon na magagawa namin para sa tatay namin,” pakli ni Kelvin.
“Kasi hindi ko na nga siya naabutan sa mismong pinangyarihan ng aksidente,,,sa morgue na.
"Kahit sa hospital, hindi ko man lang siya nakita.
"So, itong paglaban namin sa kaso na ito, medyo stressful.
"Ngayon ang ongoing na tinatrabaho namin.”
THE VAN OWNER
Pursigido si Kelvin at ang buong pamilya nito na ituloy ang pagsampa ng kaso laban sa taong nakabangga sa kanyang ama.
Ang ikinasasama lang ng loob ng Kapuso actor ay hindi raw nila naramdaman ang totoong paghingi ng patawad at pagsisisi ng taong ito pati ang pamilya niya.
“Medyo mahirap lang kasi, yung participation talaga nung nakabunggo sa tatay ko, medyo mahirap silang… na parang walang nangyari.
“Yung akala mo, hindi sila nakapatay ng tao. Walang remorse.
“Humingi sila ng kapatawaran, pero parang for ano lang, e, aregluhan lang. Na parang gusto nila, o, sige may pera sila, e.
"Kasi, may-ari sila ng catering, may pera talaga sila. And yung nakabunggo sa tatay ko, tatay mismo nung may-ari ng catering.
“So, hindi namin ini-expect yung mga nangyari. Na nag-expect kami ng sympathy from them.
“Even bulaklak or pakikiramay sa amin, hindi namin naramdaman, e.
“Kasi kung totoo talagang may remorse o alam mo yun na parang nakikidalamhati sila sa iyo, kahit man lang bulaklak.
"Kahit isang pirasong bulaklak lang o kandila na ano…
“Hindi naman kami bastos na tao na para… ‘Umalis kayo dito. ‘Hindi naman, e,” paghihimutok ni Kelvin.
Read: iingha beer heir Psi Scott accuses older brother of sexual abuse; Pi Scott denies claims
NOEL FERRER
ON THE LAWSUIT
Yun nga ang pauit-ulit na sinasabi ni Kelvin Miranda na sa ngayon ay pinagdadaanan nila ang ilang stages ng pagdadalamhati.
Kasama na rito ang pagpupursigeng sampahan ng kaso ang taong nakabangga, bilang hustisya na raw sa biglaang pagpanaw ng kanyang ama.
“Nasa proseso pa kami. Hindi agad madaling tanggapin yung mga nangyayari, kasi tragic siya talaga, e.
“Natutulog ka lang, pagkagising mo, wala ka ng tatay?” bulalas ni Kelvin.
Pursigido raw silang ituloy ang kaso.
Ang pinangangambahan lang niya ay baka mabaligtad pa raw sila.
“Tapos ang hirap pa nun, sila yung may kasalanan, pero parang nadidiin pa dahil sa meron daw pagkukulang. Parehas na panig, kasi nga crossing, ganyan-ganyan.
“Nakakabahala lang, ano? Kasi, puwede raw mabasura yung aming ano.
“Kaya kami naman e… huwag daw kaming magugulat sa magiging initial reacton ng korte… sa fiscal kung puwedeng mabasura yung aming kaso.
Dahil daw parehas daw may kapabayaan, dahil daw sa crossing naganap.
“Wala daw stop na nangyari. Pero kung mapapanood nila yung CCTV, tatay ko yung nabunggo, e. Hindi yung tatay ko yung bumunggo, e.
“Ewan ko! Ang gulo ng batas dito sa Pilipinas. Parang gusto pa nilang palabasin na may kasalanan pa yung tatay ko.
“So, sa napanood naming video, malinaw na siya yung biktima. Siya yung nabunggo, on the spot kasi, e,” saad ni Kelvin.
Read: Sue Ramirez ready to be a mom: "Kung ibibigay sa akin, why not?”
ON THE LATE ARRIVAL OF EMERGENCY RESPONSE TEAM
Masama pa ang loob niya dahil hindi raw agad nabigyan ng mabilis na pagresponde nang nabangga ang kanyang ama.
“Wala! Patay na siya dun, e. Ang tagal dumating ng responde ng ano, ng tulong.
“Halos isang oras bago dumating. So ano ma-e-expect niyo? Maisugod sa hospital, di ba?
“Kahit na isugod niyo pa sa hospital, hindi na iyan aabot, di ba?
“Maano man lang na may dumating agad na responde, tulong mula sa kung saan man.
“Hindi yung isang oras bago dumating. Ano pa yung dadatnan niyo sa ano? Wala na talaga! Patay na talaga,” hinaing ni Kelvin.
Sa ngayon ay nakakulong pa raw ang taong nakabangga sa kanyang ama. Hindi lang daw niya alam kung ano ang susunod na mangyari.
“Nakakulong naman siya. Pero for the meantime… ang alam namin, puwede siya makapagpiyansa.
“Pero hindi namin alam kung nagpiyansa sila o hindi. Hindi pa namin alam.
“Hindi pa kami nakikibalita. Kasi inayos pa namin yung mga problema sa pagkawala ng tatay namin.
“Tinuloy namin yung kaso,” diin ni Kelvin.
JERRY OLEA
Medyo nahihirapan pa rin si Kelvin Miranda na mag-move on dahil matagal din bago niya nalagpasan ang pinagdaanan niya sa kanyang mental health.
Mabuti at may trabaho siya na malaki ang naitutulong para malibang at makalimutan, kahit pansamantala lang, ang nangyari sa kanyang ama.
Nataon namang natapos na ang Sang’gre at nagpapasalamat siya na nasundan daw ng magandang project, salamat sa Z Studios Productions.
Kakaiba raw ang kuwento ng mga Termite Gang dito sa Crawlers After Dark.
“Thankful naman ako na nasundan ng mga panibagong proyekto itong Sang’gre at malaking tulong din naman talaga sa akin ang pagiging parte ko sa Encantadia.
“Ito, medyo kakaiba pang sa pagganap ko sa nakaraang project, kasi ito, e, medyo matapang naman ang kuwento.
“Hindi siya basta-basta ano lang… hindi siya basta-basta isyu na ito’y maliitin lang.
“Ito ay kuwento ng totoong tao na dumaranas ng matinding problema at nakagawa ng mga ganitong klaseng choices sa buhay,” lahad ni Kelvin.
Kasama niya rito sina Cherry Pie Picache, RK Bagatsing, Zaijan Jaranilla, Ruby Ruiz, Therese Malvar, Marnie Lapuz at ang baguhang si Adrian Araneta.
Ito ay isinulat at ididirek ni Ralston Jover.
