Magdadalawang taon na ang relasyon nina Janine Gutierrez at Jericho Rosales.
Hindi masyadong nagkukuwento ang dalawang Kapamilya stars tungkol dito.
Pero sa podcast ni Ganiel Krishnan na Oh My Gan! na lumabas kahapon, April 15, 2026, malayang nagkuwento si Janine tungkol sa relasyon nila ng aktor.

Pagbabahagi ni Janine: "Pag kaming dalawa lang, masaya, komportable.
"I guess, magbigay na lang ako ng example ng rest day sa taping.
"Ang shoots kasi namin sa taping recently is lock-in sa Iloilo. So, meron kang rest day every four days or every three days.
"So, if ever kaming dalawa lang, magda-drive lang kami. Ang ginawa namin, nag-drive lang kami, dumaan sa simbahan, dumaan sa museum. Kumain.
"Very, ano, simple lang. Parang just happy to spend time together. Kuwentuhan."
Ang tinutukoy ni Janine na proyektong pagsasamahan nila ni Jericho ay ang The Loyalty Game ng Prime Video.
Very supportive din daw si Jericho, lalo na nang nalaman niyang siya ang hinirang ng Esquire bilang Sexiest Woman Alive 2026.
Saad ng aktres: "Ano, happy siya. Sobrang cheering for me.
"And I'm happy to be with someone who's so supportive, not just between us, pero sa lahat ng aspeto.
"And nararamdaman ko yung suporta niya and nakikita ko yung suporta niya, so it makes me feel happy.
"And parang mas nabibigyan din ako ng lakas to work hard kasi alam ko na mayroong taong naniniwala sa akin ng ganun."
Read: Lotlot de Leon's camp breaks silence on issue with brother Ian

Janine on Jericho: "Oh my God, lahat ito, siya."
Nagdiwang ng kanilang unang anibersaryo sina Janine at Jericho noong September 6, 2025.
Kaya isang taon at pitong buwan na ang relasyon nila ngayon.
Read: Jericho Rosales, Janine Gutierrez celebrate first anniversary
Si Jericho ay 46 years old, samantalang 36 si Janine.
Handa na ba siyang mag-settle down?
Sagot ni Janine: "Well, siyempre kakapirma ko lang ng kontrata [sa Star Magic].
"So, I mean, the plans are set for the next two years.
"And I'm excited and I'm so grateful na it's my third contract with ABS.
"As in, di ko maisip na ang bilis ng panahon na ilang years na ako. And to be given another opportunity to sign another contract and work with ABS and Star Magic.
"Siyempre, yun yung priority for the next two years."
Read: Kapamilya actress Janine Gutierrez joins Star Magic
Ang mga babae raw ay may checklist para sa mga taong nais nilang makasamang partner habang buhay.
Naitanong kay Janine kung nati-tick ni Jericho ang kanyang listahan.
Lahad niya: "Sobra. Oo, talaga.
"Actually, alam mo ba, dati, nagsulat ako, before I met Echo, nagsulat ako ng listahan ng mga lahat ng gusto kong traits sa isang partner.
"And when I met Echo, I was, like, 'Oh my God, lahat ito, siya.'
"Oo, and then eventually sinabi ko sa kanya yun.
"Eventually sinabi ko sa kanya na, 'Oh my God, like, actually, lahat ng mga hinihiling ko kay Lord, nakikita ko sa yo.'
"Pero hindi, I mean, parang totoo pala na if you really manifest and pray for the kind of person na gusto mong makasama, parang ibibigay siya ni Lord."
Ayon pa kay Janine, tanggap ng buong pamilya niya ang aktor.
"Super cool. Everybody loves him. Sobrang dali niyang naging part ng family.
"Nung Easter nga, binigyan niya si Diego [Gutierrez, her brother] ng mga ano... mga damit.
"Nasabi ni Diego, 'Yes, kasi never ako nakakatanggap ng damit, kasi puro babae sila. Ako lang yung lalaki dito.'
"And I'm so grateful na he's so loving and caring sa pamilya ko, especially nung time na yun, nung puro wakes.
"He was there all the time. Ang dami niyang inasikaso na naitulong sa amin kahit sa pag-entertain sa mga tao, pag-asikaso nung mga kailangan sa wake.
"As in, he was there all the time."
Ang mga sunud-sunod na lamay sa pamilya nina Janine ay, una, kamatayan ng kanyang paternal grandmother na si Pilita Corrales; pangalawa, ang pagyao ng kanyang maternal grandmother, ang Superstar at National Artist na si Nora Aunor; at pangatlo, ang pagkamatay ng tiyuhin niyang si Ricky Davao.
Read: Janine "still recovering" sa pagpanaw ng tatlong mahal sa buhay
MORE:
