Nagdadalamhati ngayon ang Philippine showbiz industry dahil sa biglaang pagpanaw ng aktres na si Sue Prado nitong Martes, April 14, 2026.
Siya ay 44.
Kinumpirma ng pamilya ni Sue ang malungkot na balita sa pamamagitan ng social media post ng kanyang kakambal na si May Shereen Prado ngayong Miyerkules ng gabi, April 15.
Nakasaad dito: "Our dearest Sue M. Prado has become a constant star in the night sky.
"It is with profound pain that we share Sue’s passing.
"Sue brought light in anyone’s path throughout her life. A life lived for others, for the craft she nourished and for those who she loved most.
"Please celebrate her in any way you know how, and honor her memory through kindness.
"Viewing details will follow."
Hindi binanggit sa pahayag ang sanhi ng pagkamatay ng aktres.
Read: Angel Aquino grateful for kind response after unplanned coming out
SUE PRADO'S LAST INTERVIEW
Marami ang nagulat sa pagpanaw ni Sue dahil noon lamang Sabado, April 11, ay dumalo pa siya sa story conference ng upcoming film na The Flying Red Balloon na ginanap sa Mellow D. Café, Roces Avenue, Quezon City.
Bida sa pelikula na kukunan sa Taiwan sina Liezel Lopez at McCoy de Leon, at mula ito sa direksiyon ni Louie Ignacio.
Doon ay eksklusibo siyang nakapanayam ng PEP Troika, kung saan naghayag ng saloobin ang aktres tungkol sa giyera sa Middle East at ang dinaranas nating fuel crisis.
Read: Sue Prado, may "wish" kay President Trump sa gitna ng fuel crisis

SUE PRADO'S ACTING CAREER
Si Sue, na ang buong pangalan ay Marissa Sue Prado, ay magdiriwang sana ng kanyang 45th birthday sa May 18, ngunit lagpas lamang isang buwan bago ito ay binawian siya ng buhay.
Si Sue ay kilala bilang isang versatile actress sa pelikula at telebisyon.
Base sa tala ng IMDB, nagsimula ang acting career ni Sue noong 2007, sa pamamagitan ng musical film na Abadeha Neo-Ethnic Rock Cinderella kung saan sila ni Lauren Novero ang bida.
Gaya ng kanyang debut film, karamihan sa acting projects ni Sue ay indie films.
Kabilang dito ang Manila Skies (2009), Cuchera (2011), Thelma (2011), Slumber Party (2012), Kamera Obskura (2012), Bayang Magiliw (2013), Ang Kuwento Ni Mabuti (2013), Barber's Tales (2013), Hustisya (2014), Dagsin (2016), Ordinary People (2016), Ang Hapis at Himagsik Ni Hermano Puli (2016), Bagahe (2017), Bomba (2017).
Napanood din siya sa Liway (2018), Signal Rock (2018), Rainbow's Sunset (2018), Aurora (2018), Big Night! (2021), Elehiya (2022), Papa Mascot (2023), GomBurZa (2023), Becky and Badette (2023), How To Slay A Nepo Baby (2024), Kantil (2024), Balota (2024), at Padamlagan (2025).
Noong 2023 ay pinagbidahan ni Sue ang critically acclaimed film na Your Mother's Son, kasama sina Kokoy de Santos, Miggy Jimenez, at Elora Españo.
Na-nominate siya sa iba't ibang award-giving bodies para sa kanyang pagganap dito.

Huli siyang napanood sa Sinag Maynila 2026 entry na Desperada na ipinalabas noon lamang Marso.
Bukod sa pelikula ay lumabas din si Sue sa maraming teleserye, karamihan ay sa GMA-7.
Kabilang sa mga drama series na tinampukan niya ang Ilustrado (2014), Alyas Robin Hood (2016), FPJ's Ang Probinsyano (2017), Inday Will Always Love You (2018), Sahaya (2019), Descendants of the Sun (2020), The Lost Recipe (2021), Bolera (2022), Mano Po Legacy: The Flower Sisters (2022-2023), Abot-Kamay Na Pangarap (2023-2024), Makiling (2024), Prinsesa ng City Jail (2024),My Father's Wife (2025), at FPJ's Batang Quiapo (2025).
Read: Marian, Sharon-Barbie, KimPau, Joshua-Ivana bibida sa Prime Video offerings
