Malaki ang respeto ni KC Concepcion sa sari-sariling pamilya na ngayon ng kanyang mga magulang na sina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion.
Si KC ang nag-iisang anak ng dating mag-asawang Sharon at Gabby, bago sila ikasal sa kani-nilang mga partner ngayon.
Si Sharon kay Senator Francis "Kiko" Pangilinan, kunsaan may tatlo silang anak—sina Frankie, Miel, at Miguel.
Habang si Gabby naman kay Genevieve Gonzales—kung saan nabiyayaan sila ng dalawang anak, sina Samantha at Savannah.
Bukod pa rito ang anak ni Gabby sa dati niyang asawa na si Jenny Syquia, si Cloie Skarne; at isa ring anak sa dating karelasyong si Grace Ibuna, si Garie Concepcion.
Read: Jenny Syquia reveals receiving messages from Gabby Concepion
Sa panayam ni KC sa YouTube podcast ng broadcast journalist na si Karmina Constantino noong April 12, 2026, napag-usapan nila ang tungkol sa pagkakaroon ng blended family ng aktres.
Ayon kay KC, hanggang ngayon ay mayroon pa siyang pag-aalinlangan sa tuwing tinatawag niyang pamilya ang kani-kanyang pamilya ngayon ng mga magulang.
Palliwanag niya: "I would like to respect the actual families, my Mom has with my Dad—I used to call him Tito Francis, but I call him Dad [now]—and my Papa and Tita Gen.
"I want to be sensitive about acknowledging that that’s their family now.
"Through the years, I’ve sat in these chairs and interviews, and I had a mic in front of me, most definitely I shared my perspective where it’s difficult to be in between and to somehow be everywhere and aware, at the same time."
Read: KC Concepcion reveals reason for seven-year break from showbiz
Ayon kay KC, inabot ng halos apat na dekada bago niya lubusang naunawaan ang kanyang sitwasyon bilang anak ng mga magulang na may kanya-kanya nang pamilya ngayon.
“I can’t call it a blended family. It is a blended family in my world, but not in everyone’s world.
“We are not actually a blended family, but in my world, my family is a blended family, only in my realm.
"It took forty years to see this. I think it’s very difficult for parents or even for everyone to understand the situation daughters like me are placed in, especially if they themselves did come from a broken family."
Dahil dito, nabuo raw kay KC ang malaking respeto at pagpapahalaga sa pamilya ng kanyang mga magulang—mula sa kanyang ina at ama, pati na rin sa kani-kanilang mga asawa.
“My parents, my Mom, my Dad, my Papa, and Papa’s wife, they really did their best and continue to do their best to nurture their marriages and their families, which are my families technically."
Read: Sharon Cuneta recalls turning over KC Concepcion's savings
KC shares honest reflection on identity and belonging
Sundot na tanong ni Karmina, "When was it that you felt that you were no longer an outsider?"
Pagbabahagi ni KC, hindi niya kailanman naramdaman na siya ay ganap na kabilang sa alinman sa dalawang pamilya ng kanyang mga magulang.
Nagbago lang daw ang kanyang pananaw nang tuluyan niyang tanggapin at maunawaan ang realidad ng kanyang sitwasyon.
Saad ni KC: "I don't feel that I 1,000 percent belong to either family. There will always be blurred lines.
"But when I accepted the reality of my position and the reality of the setup, parang kung paano lang siya naka-structure, naintindihan ko na yung side din ng stepparents ko na, 'Oh my God, tao lang din sila. Ang hirap din ha na may ako. And then may opinyon lahat ng tao.'
"It's hard enough to take into consideration the possibilities kapag may anak and then it's not yours. Yung ganon."
Dagdag pa niya: "I'm so appreciative, and it's no longer about belonging or being an outsider or not. It's just the acceptance.
"So that realization, that acceptance and understanding of that world of Mom's family, Papa's family, and me, and my future family was a breakthrough for me."
Dahil sa sitwasyon ng kanyang pamilya, umaasa si KC na maging inspirasyon siya sa mga taong may kahalintulad na family setup.
“I love this unique position I’ve been placed in, and I hope I make it right.
"Why, kung bakit ako ang nilagay dito, I hope I crack the code," aniya.
KC gives update on relationship with SHARON AND STEPDAD KIKO PANGILINAN
Nagbigay rin ng update si KC tungkol sa relasyon niya sa kanyang ina na si Sharon Cuneta at stepfather na si Senator Kiko Pangilinan.

Hindi lingid sa kaalaman ng marami ang away-bating relasyon ng mag-ina noong 2023.
Dawit dito si Kiko at stepsister ni KC na si si Frankie Pangilinan, makaraang i-unfollow ni KC ang dalawa sa Instagram.
Read: KC Concepcion unfollows family for peace
Kung bibisitahin ngayon ang following list sa Instagram ni KC ay hindi pa rin nakikita ang mga pangalan ng senador at ni Frankie.
Kaugnay nito, natanong si KC sa kasalukuyang estado ng relasyon niya sa kanyang ina at stepfather.
Aniya: "These are things that I can talk to her [Sharon] about without her maybe thinking it the wrong way.
"I'll just tell her straight na, 'Ma, okay, hear me out. This is my situation, but don't worry. There's no blaming. I'm just saying that there are things, tension here and there.
"'Sa hangin, may mga tension diyan na hindi natin makokontrol. And I don't expect na ikokontrol mo. Nandiyan lang yung mga lingering things na beyond our control, and it's okay.
"'But I just want you to know, I will also speak up. Let say na-hurt din ako, which is normal naman.'
"I will speak up, but you know I find it easy to apologize because I really want to prioritize the betterment or bettering relationship."
Read: KC Concepcion turns 40; bonds with mom Sharon Cuneta
Ayon kay KC, ayaw na rin niyang makipag-away pa at gumawa ng mga drama kaya mas gugustuhin na niya ngayong mapag-usapan nila ni Sharon kung anuman ang hindi nila pagkakaunawaan, bago pa malaman ng publiko.
Sabi niya, "Nakakapagod. Let's just be okay. ‘Ano ba ang naging problema? Can I fix it? Can we both fix it?’”
"And your dad [Kiko]. How’s your relationship with your dad?” sundot ni Karmina.
Sagot ni KC: “I was messaging a few weeks ago. Same thing ng tinext ko kay Tita Gen na, 'Thank you.'
"I don’t know where this is coming from. You know, I think I’m at a point in my life where soon I can feel it.
“I’m aiming towards having my own family. That’s really the goal.
"And I said, 'So before I become a mom and before I become a wife, I just want to thank you.'"
Read: Aly Borromeo joins KC Concepcion’s birthday salubong in Amanpulo
