PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Kyline Alcantara gives free fuel to drivers amid rising oil prices

Kyline: "A little kindness goes a long way in a world that needs it most."
by Arniel C. Serato
Published Apr 14, 2026
Kyline Alcantara gives free oil to transport drivers
Kapuso actress Kyline Alcantara on giving free fuel to transport drivers: "Maaaring maswerte tayo na hindi ganoon kabigat gaya sa mga kababayan natin na jeepney, tricycle, o TNVS drivers. Kaya kung kaya natin na matulungan sila, sana magawa natin sa abot ng ating makakaya."
PHOTO/S: Instagram

Inalay ni Kyline Alcantara ang pamimigay ng libreng gasolina para sa drivers sa kanyang lolo na jeepney driver noon sa Bicol.

Sa Instagram noong April 10, 2026, ibinahagi ni Kyline ang ilang larawan at videos ng pamimigay niya ng libreng gasolina sa drivers sa isang gas station.

Saad ng Kapuso actress sa kanyang post: "Lumaki akong jeepney driver ang namulatan kong trabaho ni Papa Ben.

"Takbuhan siya ng mga nangangailangan sa barangay namin sa Bicol, kaya iniisip ko for the past few weeks, kung ano kaya ang mararamdaman niya kung makikita niya at mararanasan ang fuel crisis ngayon."

Unang apektado sa pagtaas ng presyo ng langis ang drivers ng jeep, tricycle, TNVS (Transport Network Vehicle Service), food, at delivery riders kaya sila ang napili ni Kyline na tulungan sa kanyang kawanggawa.

Aniya: "Lahat tayo ay apektado ng krisis na ito pero iba-iba ang impact nito sa atin.

"Maaaring maswerte tayo na hindi ganoon kabigat gaya sa mga kababayan natin na jeepney, tricycle, o TNVS drivers.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Kaya kung kaya natin na matulungan sila, sana magawa natin sa abot ng ating makakaya.

"Maliit na tulong man, pero kapalit nito ay ngiti na bubuo sa araw natin. Para ito sa kanila, para sa mga ka-tropa ni Papa Ben."

Hinikayat din ng aktres ang mga kaibigan at kasama sa trabaho na gumawa ng kahalintulad na gawain para makatulong sa mga nahihirapang maitawid ang araw-araw na pangangailangan.

Apela ni Kyline: "Kaya sa mga kaibigan ko, kasama sa trabaho, kababayan, ikaw—tulungan natin sila, kahit sa maliit na paraan na kaya natin.

"A little kindness goes a long way in a world that needs it most."

Sa comments section ng kanyang post, maraming netizens ang pumuri sa kahanga-hangang gawin ito ni Kyline.

Komento ng isang netizen: "I'm so very proud to you kyline as a fan, sa oras ng crisis tlga, maasahan ka ng acting mga kababayan mapakalamidad man o ganitong krisis n kinkaharap, daig mo pa ang mga nkaupo sa lipunan, na walang ginagawa pra matulungan mga taong bomoto sa knila,,, Your such a influencer or model to other people in this kind of situation, salute kme sayo"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Netizens on Kyline Alcantara

Ayon sa isa pa: "idol ko tlaga to, akala nila maldita o maarte pero ang alam ko lng pinatatag xa at naging malakas dahil sa lahat ng pinagdaanan nea sa buhay. Npaka simple at marunong lumingon sa pinanggalingan"

Netizens on Kyline Alcantara
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: Ama ng nam-bully umano sa anak ni Alfred Vargas, isa ring aktor

OTHER PERSONALITIES ALSO GIVE FREE FUELS

Ilan pa sa mga kilalang personalidad na namigay rin ng libreng gasolina ay ang CEO ng Beautederm na si Rei Anicoche-Tan at ang vlogger-pharmacist na si Arshie Larga.

Noong March 28, ang Byahe Kalinga ni Tan ay namahagi ng libreng full tank na gasolina para sa 100 delivery riders at tricycle drivers.

Hindi raw ito para sa mga taga-Pampanga lang, kundi bukas sa lahat na mapapadaan sa kanila at nakapag-register.

Nagpasalamat naman si Ms. Rei sa mga bumili ng ibinenta niyang gamit para pambayad sa gasolinang ipamimigay niya.

Read: Rei Anicoche-Tan, may palibreng gas sa tricycle drivers at riders

Noong April 5, 2026, sinimula ni Arshie ang pamamahagi ng PHP500 fuel assistance sa mahigit isanlibong tricycle drivers sa kanilang lugar.

Kuwento ni Arshie sa Facebook, kinausap niya ang lahat ng TODA (Tricycle Operators and Drivers’ Association) sa kanilang bayan upang makuha ang listahan ng mga tricycle drivers na maaari niyang bigyan ng fuel assistance.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Matapos makuha ang kumpletong listahan, sumunod naman daw niyang kinausap ang ilang local gasoline station na magiging katuwang niya sa kanyang inisyatibo.

Sa kabuuan, umabot sa 1,169 tricycle drivers ang nabigyan ni Arshie ng fuel support sa loob ng dalawang araw niyang inisyatibo mula April 5 hanggang April 6, na nagkakahalaga in total ng PHP584, 500.

Read: Arshie Larga gives P500 fuel aid to 1,169 tricycle drivers

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kapuso actress Kyline Alcantara on giving free fuel to transport drivers: "Maaaring maswerte tayo na hindi ganoon kabigat gaya sa mga kababayan natin na jeepney, tricycle, o TNVS drivers. Kaya kung kaya natin na matulungan sila, sana magawa natin sa abot ng ating makakaya."
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results