PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Criza Taa claps back at netizens questioning her Coachella trip

Basher on Criza Taa: "Saan ba to kumukuha ng pambayad..."
by Bernie V. Franco
Published Apr 13, 2026
Criza Taa
Critics questioned how Criza Taa could afford a trip and a two-week stay in the United States to attend Coachella, but the Kapamilya actress and influencer quickly hit back.
PHOTO/S: Criza Taa on Instagram

Hindi pinalampas ni Criza Taa, 21, ang pagkuwestiyon ng ilang netizens sa kanyang pagpunta sa Coachella, ang malaking music and arts festival na ginaganap sa Indio, California, USA.

May ilang netizens kasi na kumukuwestiyon kung paano raw naa-afford ng Kapamilya actress ang magpunta sa Amerika para sa international music festival at magbakasyon nang matagal doon.

Sunud-sunod ang posts ni Criza sa social media tungkol sa departure niya sa Pilipinas papunta sa Amerika.

Kinumpirma rin niya sa isang comment na magtatagal ang pananatili sa U.S. para sulitin ang kanyang trip.

Sa isang recent video na ipinost niya, ipinakita ni Criza ang pag-alis niya mula sa Ninoy Aquino International Airport.

Ibinahagi niya ritong business class ang flight niya.

Sa kanyang voice-over, ibinahagi ni Criza na siya man ay na-overwhelmed sa kanyang trip abroad, maging sa kanyang business-class flight.

“You could literally see the happiness in my eyes,” ani Criza.

“Guys, ang layo ko na.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Habang kumakain ako naisip ko lang, ‘Wow, I really built this life for myself. Who would have thought makakadating ako sa L.A.?

“Guys, dati pangarap ko lang ito.”

Makikita ring karamihan sa TikTok videos ni Criza ay milyun-milyon ang views.

CRIZA TAA ANSWERS CRITICS

Sa unang video niyang pag-eempake, maraming netizens ang nagtanong kung bakit ang dami niyang dalang damit kung a-attend lang naman siya ng Coachella.

Sagot ni Criza (published as is), “OMG why would u think i’ll be there for 3 days then pack this much hahaha 2 weeks ako guys, i’m flying 15 hrs might as well stay long.”

Criza Taa 1
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Isang netizen ang diretsahang kinuwestiyon kung paano naa-afford ni Criza ang ganoong lifestyle, tulad ng pagbabakasyon sa ibang bansa.

Lumalabas na ang ginagawa nilang basehan ay hindi ganoon kadami ang showbiz projects ni Criza.

Komento ng netizen: “Ano trabaho ni ate gurl? Considering na wala naman syang malalaking project and d naman malalaki view and brand collabs niya. Nakaka curious”

Diretsahan itong sinagot ng aktres at content creator. Hinamon din ni Criza ang netizen.

Aniya (published as is): “wtf are u saying almost all of my brand deals are 1M+ views [laughing emoji] u wanna see my taxes for first quarter of 2026?”

Criza Taa 2
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sinagot din ni Criza ang isang supporter na masaya sa layo ng kanyang narating.

“queen of manifestation hahahhaa,” sabi niya, nangangahulugang pinangarap niya ito.

Isang supporter din ang sinagot ni Criza na nagpapakita kung bakit ginagastusan niya ang sarili tulad ng trip sa U.S. para sa Coachella.

Komento ng netizen, “Hanggang bata pa enjoy lang sa buhay.”

Sagot ni Criza, “Exactly!!! This is the era I’m on right now.”

Criza Taa 3
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Criza Taa 4

Subalit kung pagbabasehan ang iba pang mga komento, may netizens ang nagtataka kung paano nasusuportahan ni Criza ang kanyang mga luho.

Banat ng isang kritiko: "Saan ba to kumukuha ng pambayad sa mga ginagastos eh halos wala naman itong ganap"

Sabi ng isa pa: “Genuine question: what’s her work? I mean, this is quite a luxury. Does she have a business coz I didn’t see her on TV. But I’m happy for her though, building her own life.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ipinagtatanggol naman si Criza ng kanyang supporters.

Sabi ng isa: “Marami po syang brand deals as in literal lahat ng 1M+ views lahat ng brand deals n’ya kaya malaki binabayad sa kanya, kahit yung sa simpleng post ng stories niya sa IG bayad yun, kahit wala sya big projects pero hakot na hakot sa brand deals.”

Criza Taa basher 1
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Criza Taa critic 1

May ibang netizens na sumuporta sa paliwanag na ito, tulad ng isa na sinabing siya raw ay nasa marketing department.

Sabi ng nagpakilalang marketing personnel: “May mga artista talaga na kahit 1 min video lang nila ipromote yung product nasa hundred thousand na ang rate, what’s more pa pag nagli live seller sila. Kaya afford niya yan kahit hindi niyo nakikita sa mga palabas.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Criza Taa supporter 1

HOW AN INFLUENCER CAN EARN FROM TIKTOK

Sa isang artikulo sa Forbes noong 2019, inisa-isa ang apat na paraan kung paano maaaring kumita ang isang content creator.

Gifting

Kapag nag-live ang isang content creator, puwede siyang padalhan ng virtual currency ng netizens. Puwede naman i-check ng content creator ang katumbas ng virtual currency na nasa settings ng app.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang 50 percent ng kinita ay puwedeng kolektahin ng influencer at i-convert ito sa Diamonds at maaari niyang i-withdraw sa corresponding amount. Ang naiwang 50 percent ay paghahatian ng TikTok, App Store, at Google Pay.

Influencer Marketing

Dito, maaaring gumawa ng maraming short clips ang influencer para mag-promote ng produkto.

Ang halaga ng bayad ay nakadepende sa dami ng followers ng influencer, engagement rate, uri ng product o services na pino-promote, dami ng videos, at iba pa.

Malaki rin ang factor kapag nag-viral ang video.

Merchandising

Dito pumapasok ang TikTok Live-selling, kunsaan kumukuha ng social media personality na may malaking following para mag-promote upang sa ganoon ay may maximum profit para sa brand o company.

Events and Brand Partnerships

Ito naman ay kapag ang influencer ay naiimbitahan ng brands at kumpanya para maging special guest sa events at babayaran naman sila ng brand.

Ang halaga ng bayad ng brand sa influencer ay depende rin kung ano ang magiging partisipasyon niya sa event. Halimbawa, mas malaki ang bayad nito kung nag-perform ito sa event.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May mga pagkakataong puwedeng hindi pera ang bayad kundi pwedeng libreng flight o accommodation.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Critics questioned how Criza Taa could afford a trip and a two-week stay in the United States to attend Coachella, but the Kapamilya actress and influencer quickly hit back.
PHOTO/S: Criza Taa on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results