Naging maingat ang aktres na si Yukii Takahashi sa sagot niya tungkol sa umano’y espesyal na relasyon nila ni Marco Gumabao.
Sa press conference ng Regal Entertainment Film na Almost Us, ngayong Linggo, April 12, 2026, hindi naiwasang usisain si Yukii tungkol sa tunay na namamagitan sa kanila ng aktor.

Ang upcoming film na Almost Us ay pinagbibidahan ng magka-love team na sina Fyang Smith at JM Ibarra. Co-star nila rito si Yukii.
Read: JM Ibarra "impressive" ang acting; Fyang Smith, ikinumpara kay Maricel Soriano
Bilang napag-usapan ang love team, natanong si Yukii kung handa rin ba siyang magkaroon ng katambal sakaling mabigyan ng pagkakataon.
Sagot ng aktres, "Hopefully, hopefully, yeah."
Sundot na tanong kay Yukii, "Yung sa inyo ba ni Marco, on-screen or off-screen partnership?"
Nakangiting sagot niya rito, "Off-screen po iyan."
Paglilinaw din ni Yukii, wala silang pagsasamahang proyekto ni Marco.
Taliwas ito sa iniisip ng ilan tungkol sa dahilan ng paglabas kamakailan ng mga litrato nilang magkasama.
Pahayag niya, "That was real naman [yung mga nakikita nilang pictures namin]."
Ano nga ba ang status nila ni Marco?
Ani Yukii, "Ngayon, I'm happy...We're friends."
Read: Yukii Takahashi grateful for two-year stint in Batang Quiapo
YUKIi AND MARCO'S RELATIONSHIP RUMORS
Noong January 1, 2026, unang lumutang ang usap-usapan tungkol sa relasyon ng dalawa matapos i-post ni Yukii ang kanyang “holiday recap” sa Instagram.
Sa mga litrato ay bakas sa dalawa ang pagiging malapit at komportable sa isa’t isa, lalo na sa group photo kunsaan nakayapos si Marco sa balikat ni Yukii.
Kasama ang pamilya ng aktor sa okasyong iyon.
Partikular na makikita sa larawan ang ina ni Marco na si Loli Gumabao, pati ang nakatatandang kapatid na si Michele Gumabao at asawa nitong si Aldo Panlilio.
Read: Are Marco Gumabao and Yukii Takahashi an item?
Naroon din ang kapatid ni Marco na si Margarita Gumabao at fiancé nitong si Gerry.
Isa pang sweet photo ang ini-upload ni Yukii kasama si Marco habang sila ay nasa lugar na ang overlooking view ay Taal Lake.

Nasundan pa ito noong January 4 nang ipost ni Marco sa kanyang Instagram Stories ang isang video tampok si Yukii habang nagdya-jogging sila sa UP Diliman, Quezon City.
"We're done," maririnig na sambit ni Yukii sa video.
"10K [ten kilometers] done," saad ni Marco, sabay apir kay Yukii.

Sa caption ng video, mababasa naman ang "First run of the year!" Naka-tag si Yukii.
Read: Marco Gumabao features Yukii Takahashi in Instagram post
