Hindi na patagong nakukunan ng picture at video ang iniuugnay ngayong may relasyon na sina Jake Cuenca at Rabiya Mateo dahil magkasama na silang um-attend sa isang public event kahapon, April 9, 2026.
Sa event ng isang active footwear sa Parañaque City, dumating ang dalawa at sweet na sweet sila sa isa't isa habang nagpaunlak ng larawan sa mga nasa event.
Magka-holding hands din sila sa ilang pagkakataon.

Ibinahagi rin nina Jake at Rabiya sa kanilang IG Stories ang post ng nasabing active footwear brand.

Sa post ng pageant vlogger na si Adam Genato sa TikTok, maraming netizens ang nagkomento na bagay naman sina Jake at Rabiya.
@yayachineeta Dating ba sila? #rabiyamateo #jakecuenca #fyp ? original sound - Vintage Memories 66
"Infearness bagay sila," hirit ng isang netizen.

Mag nagsabi namang masaya sila para sa dalawa.


Read: Frankie Pangilinan flexes boyfriend Dan Laurel on Instagram
JAKE CUENCA-RABIYA MATEO RUMORED RELATIONSHIP TIMELINE
Wala pang isang buwang naging lantad sa publiko ang ugnayan nina Jake, 38, at Rabiya, 29.
Una silang namataang magkasama sa isang restaurant sa Bonifacio Global City, Taguig, noong March 23, 2026.

Noong March 26, namataang muli sina Jake at Rabiya na magkasamang dumalo sa birthday party ng Kapuso child star na si Sienna Stevens.

Read: Are Jake Cuenca and Rabiya Mateo an item?
Noong March 26, nakita muli ang dalawa sa airport kunsaan mukhang sinundo ni Jake si Rabiya mula sa isang biyahe.
Noong April 4, spotted naman silang magka-holding hands while walking sa Rockwell Mall sa Makati City.

Read: Jake Cuenca spotted with Rabiya Mateo at the airport, mall
Hanggang ngayon ay wala pang direktang kumpirmasyon mula sa dalawa kung ano ang totoong estado ng kanilang relasyon.
Ang huling girlfriend ni Jake mula sa showbiz ay si Chie Filomeno; samantalang si Rabiya ay huling naugnay kay Jeric Gonzales.
