Kinilig ang maraming followers at Instagram friends ni Frankie Pangilinan dahil sa post nito na kuha sa isang beach getaway.
Kasama ni Frankie ang ilang kaibigan.
Kapansin-pansin naman na may isang lalaki sa post na katabi ni Frankie at sweet na sweet sila.
Base sa comments, tinukoy ng netizens na ang lalaki raw ay boyfriend ng anak nina Senator Kiko Pangilinan at Sharon Cuneta.
Caption lang ni Frankie sa post niya ay "cheese!"
View this post on Instagram
Komento ng kapatid niyang si Miel Pangilinan, "Ate and Kuya"
Sagot ni Frankie, "@mielpangilinan and Yeyepot"

Read: Grab PH suspends TNVS driver over lewd post about Xyriel Manabat
NETIZENS REACT ON FRANKIE PANGILINAN'S POST
Isang netizen naman ang direktang tinanong si Frankie kung boyfriend ba niya ang nasa larawan.
Ayon dito, "Boyfriend mo kakie?"
Pabirong sagot niya, "hindi po premyo ko lang po sa family feud."

Naglaro kasi kamakailan si Frankie sa Family Feud, ang game show sa GMA-7 na hinu-host ni Dingdong Dantes.
May isa pang nagkomento na nagpakilalang matchmaker ni Kakie at ng hinihinalang boyfriend niya.
Sabi ng commenter, "The best matchmaking I’ve ever done."
Pagkumpirma ni Kakie, "truly your finest work in my opinion."

Puro hearts emojis naman ang komento ng karamihan.


Read: Heart Evangelista, nagulat sa rebelasyon ni Ate Gay
WHO IS DAN LAUREL, THE ALLEGED BOYFRIEND OF KAKIE PANGILINAN?
Nag-post na si Kakie ng larawan nila ng kasama niyang lalaki noong February 14, 2026, Valentine's Day.

Ayon sa social media site na Reddit, ang lalaking kasama niya ay si Dan Laurel.
Saad dito, "Dan Laurel. An old rich guy from an old rich Laurel family. Cousin yan nila Denise Laurel."

Nakumpirma din ito ng isa pang kaibigan ni Frankie na nagkomento sa kanyang post.
Naka-tag pa nga ang Instagram account ni Dan, ngunit naka-private naman ito.
Aniya, "KaksterandDanster4ever @danlaurel2"
Tugon ni Frankie, "CONGRATULATIONS!"

Wala masyadong impormasyon pa tungkol kay Dan sa social media.
