PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Arshie Larga gives P500 fuel aid to 1,169 tricycle drivers

Arshie: "Hindi ako politiko, at hindi rin ako mayaman..."
by Khryzztine Joy Baylon
Published Apr 10, 2026
Arshie Larga gives fuel aid to over 1169 tricycle drivers
Vlogger-pharmacist Arshie Larga on helping tricycle drivers: "Hindi ako politiko, at hindi rin ako mayaman, pero I’m blessed enough to share with the community... Alam kong ilang araw lang tatagal ang PHP500 na fuel, pero sana kahit papaano ay nakatulong ito."
PHOTO/S: Arshie Larga on Facebook

Marami ang humanga sa ipinakitang kabutihan at pagkakawanggawa ng vlogger-pharmacist na si Arshie Larga nang mamahagi siya ng fuel support sa kanilang bayan sa Boac, Marinduque.

Nangyari ito sa gitna ng kinakaharap na krisis ng bansa bunsod ng patuloy na pagtaas ng presyo ng petrolyo.

Read: Grab PH suspends TNVS driver over lewd post about Xyriel Manabat

Noong April 5, 2026, nang simulan ni Arshie ang pamamahagi ng PHP500 fuel assistance sa mahigit isanlibong tricycle drivers sa kanilang lugar.

Kuwento ni Arshie sa isa niyang uploaded video sa Facebook, kinausap niya ang lahat ng TODA (Tricycle Operators and Drivers’ Association) sa kanilang bayan upang makuha ang listahan ng mga tricycle drivers na maaari niyang bigyan ng fuel assistance.

Matapos makuha ang kumpletong listahan, sumunod naman daw niyang kinausap ang ilang local gasoline station na magiging katuwang niya sa kanyang inisyatibo.

Pahayag ng content creator sa kanyang video: "Lahat naman po tayo ay naapektuhan ng patuloy na pagtaas ng presyo ng petrolyo dahil sa nangyayari sa Middle East.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Pero ang isang sektor po na talagang naaapektuhan ng problemang ito ay ang transportation sector, tulad na lamang ng ating mga tricycle at jeepney drivers.

"Sa awa ng Diyos at dahil na rin sa patuloy niyong pagsuporta sa akin, ako’y nabibigyan po ng pagkakataon na kahit papaano ay makatulong sa iba.

“Kaya nais ko pong i-share na ngayong Easter Sunday ay nakapagbigay po tayo ng PHP500 na fuel support para sa ating mga tricycle drivers o miyembro po ng TODA dito po sa aming bayan sa Boac, Marinduque."

Nilinaw rin ni Arshie na ang kanyang layunin ay makatulong lamang at hindi para sa anumang political ambition sa Marinduque.

Read: Bato dela Rosa logs most absences among 24 senators

Saad niya: “Naisip ko lamang pong gawin ito upang makatulong po tayo sa ating mga tricycle drivers sa abot ng ating makakaya.

"Pasensya na po kung sila pa lang po ang kailangan kong tulungan ngayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Also, gusto ko pong linawin na ginagawa ko po ito nang walang hinahangad na kapalit. Kasi may mga nagsasabi na baka gusto ko raw tumakbo bilang isang public official dito sa amin.

"Pero trust me, wala po akong ganong plano.

"Kasi personally, naniniwala ako na kung gusto talaga nating tumulong sa ating sariling paraan, kahit wala tayong posisyon sa gobyerno, ay pwede naman po natin itong gawin."

DISMISSED: Liza Diño cyber-libel complaint against PEP

Arshie Provides Fuel Support to Over 1,169 Tricycle Drivers

Sa kabuuan, umabot sa 1,169 tricycle drivers ang nabigyan ni Arshie ng fuel support sa loob ng dalawang araw niyang inisyatibo mula April 5 hanggang April 6, na nagkakahalaga in total ng PHP584, 500.

Arshie Larga gives fuel aid to over 1169 tricycle drivers
Photo/s: Arshie Larga on Facebook
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

UPDATE FROM ARSHIE

Sa kanyang Facebook post nitong Biyernes, April 10, muling ibinahagi ni Arshie kung paano nagsimula ang kanyang proyekto.

Pag-amin niya, hindi niya inakalang aabot sa mahigit isang libo ang bilang ng mga tricycle drivers sa kanilang bayan—bagay na ikinagulat niya nang makipag-ugnayan na siya sa iba’t ibang TODA officers.

Sabi ni Arshie, “A simple act of kindness creates an endless ripple.

"Share ko lang. Nung naisip kong gawin itong initiative na ito, akala ko around 300 members lang ang TODA sa bayan namin (based sa na-search ko online).

"Pero nung nakipag-coordinate na ako sa mga local TODA officers para makahingi ng listahan ng mga miyembro nila, lagpas 1,000 ang pangalang naibigay sa akin.

"To be honest, nagulat ako at napaisip kung kakayanin ba natin itong gagawin nating initiative.

"Ang nasabi ko na lang ay, 'Bahala na si Lord. Laban na yan.' At sa awa naman ng Diyos, nakapagbigay tayo ng PHP500 fuel support sa 1,169 na miyembro ng TODA ng Boac, Marinduque."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Anthony Pangilinan, son Donny cut diesel prices at family station

Muli ring idiniin ng content creator na wala siyang planong gamitin ang kanyang pagtulong bilang hakbang sa pagtakbo sa anumang posisyon sa gobyerno.

Gusto lamang daw ni Arshie na maibalik sa komunidad ang suportang natanggap niya mula sa kanyang mga tagahanga.

Read: Heart Evangelista, nagulat sa rebelasyon ni Ate Gay

Lahad ni Arshie: "Hindi ako politiko, at hindi rin ako mayaman, pero I’m blessed enough to share with the community sa abot ng aking makakaya.

"I expect nothing in return. Alam kong ilang araw lang tatagal ang PHP500 na

fuel, pero sana kahit papaano ay nakatulong ito.

"Malay natin, may mga mas may kakayahan na ma-inspire at magbigay ng mas malaking halaga HAHAHA!"

Dagdag pa niya (published as is), "Uulitin ko lang po: WALA AKONG BALAK HUMANGAD NG ANUMANG PUBLIC POSITION. Hindi na ako makaka-larga sa bayan kapag ganun, lol!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Katrice Kierulf, Chezka Carandang finally confirm relationship

WHO IS ARSHIE LARGA?

Sa kasalukuyan ay mayroong 2.7 million followers si Arshie sa Facebook; 278,000 sa Instagram; 226,000 sa X; at 4.3 million sa TikTok.

SA TikTok siya unang nakilala noong 2022 dahil sa pagwawasto ng health myths at pagbibigay ng educational tips tungkol sa mga gamot.

Read: Vlogger-pharmacist Arshie Larga builds four-story building

Dati na ring nagbibigay si Arshie ng libreng gamot sa mga kapus-palad niyang kababayan na bumibili sa pagmamay-ari nilang botika.

Dahil dito, napabilang si Arshie bilang isa sa 30 under 30 Asia list ng Forbes noong 2024.

Ang 30 under 30 ng Forbes ay isang pagkilala sa 300 kabataang entrepreneur, lider, at iba pang natatanging indibidwal mula sa iba’t ibang rehiyon sa buong mundo.

Read: Arshie Larga gives tips on how to distinguish fake medicines

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Vlogger-pharmacist Arshie Larga on helping tricycle drivers: "Hindi ako politiko, at hindi rin ako mayaman, pero I’m blessed enough to share with the community... Alam kong ilang araw lang tatagal ang PHP500 na fuel, pero sana kahit papaano ay nakatulong ito."
PHOTO/S: Arshie Larga on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results