Proud nang ipinakita at ipinagsigawan sa publiko ng model-social media persoality na si Katrice Kierulf at beauty queen-turned-pilot na si Chezka Carandang ang kanilang relasyon.
Pagkatapos ng ilang buwang haka-haka tungkol sa tunay nilang ugnayan, kinumpirma na ng dalawa ang kanilang relasyon.
Read: Bato dela Rosa logs most absences among 24 senators
Sa Instagram nitong Miyerkules, April 8, 2026, nag-upload si Chezka ng ilang video clips mula sa naging bakasyon nila ni Katrice sa isang beach resort.


Sa caption ng post, ibinahagi ni Chezka ang kasiyahan sa pagdating ni Katrice sa kanyang buhay—isang pag-ibig na aniya’y hindi niya inaasahan.
Ayon kay Chezka, nagdulot ito ng matinding kasiyahan at kapayapaan na hindi niya kailanman pagsisisihan.
Buong caption niya (published as is): "The kind of love you don’t go looking for… it just happens, and suddenly everything makes sense never knew love could feel this calm, this sure, this right."

Nagsimulang ma-link sa isa’t isa sina Katrice at Chezka matapos mapansin ng ilang netizens na madalas silang magkasama sa mga pribadong pagtitipon.
Nagdagdag pa sa hinala ang madalas nilang paglabas sa TikTok videos ng isa’t isa, kahit hindi buong mukha ang makikita—kamay, paa, likod, o boses lamang ang napapansin sa kanilang magkahiwalay na uploads.
KATRICE AND CHEZKA'S PREVIOUS RELATIONSHIPs
Maraming netizens ang natuwa sa pagha-hard launch nina Katrice at Chezka sa kanilang relasyon, lalo na't parehas silang galing sa long-time relationship bago nagkamabutihan.
Dating karelasyon ni Katrice ang Kapuso actress na si Klea Pineda.
Noong July 2025, isinapubliko ni Klea ang kanilang hiwalayan matapos ang tatlong taong relasyon.
Read: Klea Pineda reveals breakup with Katrice Kierulf
Sa kasalukuyan, nali-link si Klea sa Kapamilya actress na si Janella Salvador.
Read: Klea Pineda: Janella not a third party in breakup with Katrice
Samantala, tulad ni Katrice, galing din sa long-term relationship si Chezka.
Bago maghiwalay, na-engage ang dating Miss Philippines Earth 2015 candidate na si Chezka sa kapwa beauty queen-pilot na si Clare Inso.
Tumagal ng halos walong taon ang kanilang relasyon bago sila naghiwalay noong December 2025.
Read: Klea Pineda calls Janella Salvador “Baby” on social media
