Nanguna ang pangalan ni Ronald "Bato" dela Rosa sa listahan ng mga senador na may pinakamaraming pagliban sa Senado sa unang regular session ng 20th Congress.
Batay sa isinapublikong attendance record ni Senate Majority Leader Miguel Zubiri, umabot sa 31 mula sa 58 session days ang hindi nadaluhan ni Dela Rosa mula July 28, 2025 hanggang March 18, 2026.
Read: Sen. Bato dela Rosa quashes rumor he owns luxury watch worth millions of dollars
Mas naging kapansin-pansin ito nang hindi na magpakita sa Senado ang senador simula pa noong November 11, 2025.
Ito'y matapos umugong ang balita hinggil sa posibleng pag-aresto sa kanya ng International Criminal Court (ICC) kaugnay ng naging papel niya sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Read: Senator Bato dela Rosa, inisyuhan ng arrest warrant ng ICC
Kilala si Dela Rosa bilang isa sa mga malalapit na kaalyado ni Duterte.
Itinalaga siyang Philippine National Police (PNP) chief director general mula 2016 hanggang 2018, sa kasagsagan ng kampanya kontra droga ng dating Pangulo.
Ksalukuyang nasa ICC detention facility si Duterte habang hinaharap ang kasong "murder as a crime against humanity" kaugnay ng naturang kampanya.
Read: ICC rejects former President Duterte’s appeal for interim release
Bato dela Rosa’s attendance record sparks reactions from netizens
Dahil sa dami ng kanyang pagliban, maraming netizens ang nanawagang suspendihin muna ang pagpapasahod sa senador, lalo na sa gitna ng pagtaas ng presyo ng petrolyo at iba pang pangunahing bilihin sa bansa.

Sa kasalukuyan, wala pang umiiral na no work, no pay rule para sa mga senador, dahilan upang kuwestiyunin ng marmi ang patuloy na pagtanggap ng sahod ni Dela Rosa kahit matagal na itong hindi dumadalo sa sesyon.
Read: Did Dustin Yu and Bianca de Vera hard launch their relationship?
Tweet ng isang netizen: "Yung jeepney driver, hirap na hirap mabuhay ngayon dahil sa taas ng gasolina, tapos malalaman mong sumasahod ng 6 digits si Bato kahit hindi pumapasok at nagtatrabaho. How unfair."
Saad naman ng isa: "Matik yan, walang kaltas sahod ni Bato. Samantalang kapag ordinaryong mamamayan, strict sila sa no work, no pay."
"Harap harapan na naman tayong ginag*go ng gobyerno. Pinapasahod ang hindi naman nagtatrabaho? Hindi pa rin ba tayo magagalit?" dagdag pa ng isa.
SENATORS BY ABSENCES
Samantala, sumunod kay Dela Rosa si Senator Camille Villar, na nagtala ng 16 absences dahil sa maternity leave.
Pumangatlo si Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano, na may 14 absences at 24 na pagka-late sa mga araw na dumalo siya sa plenaryo.
Mayroon ding mga senador na nagtala ng perfect attendance: sina Senate President Tito Sotto, Bam Aquino, Migz Zubiri, Risa Hontiveros, Jinggoy Estrada, Sherwin Gatchalian, Joel Villanueva, Robin Padilla, Imee Marcos, Bong Go, at Rodante Marcoleta.
Halos kumpleto rin ang attendance nina Senator Kiko Pangilinan, Chiz Escudero, at Erwin Tulfo, na tig-iisang beses lamang um-absent.
Dalawang beses namang lumiban sina Ping Lacson, Loren Legarda, at Lito Lapid.
Tatlong absences naman ang naitala ni Pia Cayetano, lima si Mark Villar, at tig-anim sina JV Ejercito at Raffy Tulfo.
