PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Did Dustin Yu and Bianca de Vera hard launch their relationship?

Neither Dustin nor Bianca has confirmed their relationship.
by Khryzztine Joy Baylon
Published Apr 8, 2026
Did Dustin Yu and Bianca de Vera hard launch their relationship?
Sweet vacation photos of Dustin Yu and Bianca de Vera in Taiwan leave fans convinced the rumored couple has gone public.
PHOTO/S: Dustin Yu on Instagram

Tila unti-unti nang nagiging bukas sa publiko sina Dustin Yu at Bianca de Vera tungkol sa matagal nang usap-usapang espesyal na relasyon nila.

Nitong Martes, April 7, 2026, halos magkasunod na ipinost sa Instagram ng dalawa ang mga larawang kuha sa kanilang bakasyon sa Taipei, Taiwan.

Bagamat hindi tukoy kung kailan eksaktong kuha ang mga larawan, isang bagay ang napansin ng kanilang mga tagahanga—ang pagiging sweet at komportable nila sa isa’t isa.

Read: Is Dustin Yu's IG photos of Bianca De Vera a soft launch?

Sa isang larawan, makikitang nakasampa si Bianca sa likuran ni Dustin.

Did Dustin Yu and Bianca de Vera hard launch their relationship?
Photo/s: Dustin Yu/Bianca de Vera on Instagram
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Did Dustin Yu and Bianca de Vera hard launch their relationship?
Photo/s: Dustin Yu/Bianca de Vera on Instagram

Mayroon ding video sina Dustin at Bianca na masayang naglalaro sa damuhan ng Qingtiangang Circular Trail, bagay na kinakiligan ng kanilang fans.

Nagdagdag pa sa espekulasyon ang maikli ngunit makahulugan at halos magkatulad nilang captions.

Mababasang caption ni Bianca, "It's so beautiful here [heart emoji]."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Caption naman ni Dustin, "Beautiful nga [smiley face]."

DUSTIN AND BIANCA'S INTERNATIONAL TRIPS TOGETHER

Hindi ito ang unang pagkakataong magkasamang nagbakasyon sa ibang bansa ang dalawa.

Noong April 4, nag-post si Dustin ng carousel photos mula sa kanyang paglibot sa ilang tourist at food spots sa Hong Kong.

Bukod sa mga tanawin, kapansin-pansin dito ang ilang litrato ni Bianca na kasama niya sa biyahe.

Bago ang kanilang Taiwan at Hong Kong trips, naging usap-usapan din ang naging bakasyon umano ng dating housemates ng Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition sa Thailand.

Noong February 7, kasabay ng ika-24 kaarawan ni Bianca, nagbahagi si Dustin ng mga larawan nilang magkasama sa nasabing bansa.

Pero sa panayam niya sa Fast Talk With Boy Abunda ay diretsahang itinanggi ni Dustin na magkasama sila ni Bianca sa Thailand.

Read: Dustin Yu denies Thailand trip with Bianca de Vera

Kapansin-pansin ding bago ang pagpu-post nina Dustin at Bianca ng Taiwan trip nila, kaka-post lang nina Will Ashley at Mika Salamanca ng mga kuhang larawan mula sa kanilang bakasyong magkasama sa Thailand.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: Will Ashley, Mika Salamanca spotted exploring Thailand together

Lumalabas na, taliwas sa kagustuhan ng WillCa fans, sa iba nahulog ang loob nina Will at Bianca.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sweet vacation photos of Dustin Yu and Bianca de Vera in Taiwan leave fans convinced the rumored couple has gone public.
PHOTO/S: Dustin Yu on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results