Nagulat si Xyriel Manabat nang ipakita sa kanya ang malaswang komento ng TNVS (Transport Network Vehicle Service) driver na nag-post sa social media ng selfie nila bago bumaba ang aktres sa binook nitong sasakyan.
"Suot ko yan, kagabi, kahapon [April 7, 2026] papuntang taping," pagkumpirma ni Xyriel nang ipakita ng TV5 reporter na si MJ Marfori ang post ng TNVS driver kalakip ang larawan nilang dalawa.
Hindi raw ito agad napansin ni Xyriel dahil hindi niya madalas hawak ang kanyang cellphone.
Ngunit tiniyak nitong hindi niya palalampasin ang pambabastos sa kanya ng driver.
Saad ni Xyriel: "Hindi po kasi ako ma-phone. Hindi kasi ako pala-phone.
"Pero now that I'm seeing this, I'm sure na I'll do something about it.
"Kasi, even before naman ako bumalik sa showbiz, diyan din naman isa sa reason kung ba't ako umingay coz I'm really vocal about protecting women.
"Protecting me against any sexual assault or sexualizing women. Yun talaga yung advocacy ko.
"So now, seeing that, that's the first time na nakita ko yan."
Ayon pa kay Xyriel, may isa siyang kaibigan na tumawag at nagpadala sa kanya ng larawang ipinost ng TNVS driver, pero hindi raw niya ito na-check dahil low batt siya.
Aniya: "Low batt ako, hindi ko nakita. Siguro yan yun.
"Pero now that I'm seeing it, hindi ko yan papalagpasin.
"Of course, hindi dapat nagiging entertainment yan in any forms."
Hindi ito ang unang pagkakataong umalma si Xyriel laban sa mga kalalakihang sine-sexualize siya dahil sa hubog ng kanyang katawan at seksing pananamit.
Read: Xyriel Manabat shuts down "stupid" comment about her boobs
XYRIEL MANABAT TO TAKE ACTION
Umaasa ang aktres na aaksyunan ng mga nasa likod ng ride hailing app ang hindi katanggap-tanggap na behavior ng isa sa mga driver nito.
Hindi raw dapat maranasan ng sinumang babae ang ganitong pambabastos.
Sabi ni Xyriel: "And at the same time, I hope the platform or the app should do something about this because it's not petty.
"It's not something na any woman or anyone, not just women, should experience on a daily basis.
"Also, sobrang nagulat ako kasi papunta lang ako ng trabaho niyan.
"And imagine kung gaano kahirap yung buhay ng isang babae, nagtrabaho ka lang, may nagpa-picture lang sa yo.
"You're just being kind. You're just being a human, a decent human being. And you'll get this in return.
"And it's not, again, it's never about the piece of clothing. Nakapantrabaho ako.
"Maayos ko siyang kinausap. As far as I could remember, ang bait-bait ko sa kanya.
"Nag-tip pa nga ata ako kasi nahiya ako pag may pinaghihintay akong tao."
Pagkastigo pa ni Xyriel sa driver: "So, wow. I hope na your family, your mom, your sister, or worse, if you have a daughter, your wife, di ba, parang, sana makita nila ito.
"Sana makita nila na ganyang klase kang tao."
Tiniyak ni Xyriel na hindi siya mananahimik na lamang.
"Maybe I'll do something about it. I'm sure I'm gonna do something about it.
"Yes, I'm never scared naman to express my passion about protecting women, about protecting victims or voiceless, in any gender, in any age.
"I'll be their voice and I'll use my platform, wisely.
"There's nothing to be ano, scared or to be afraid of.
"Naka-fuel lang siya ng reason for us to be more brave and for us to be, to spread more awareness about this kind of topic.
"Thank you for using this time para mag-spread din ako ng words."
Read: Bea Alonzo, Vincent Co bond with her friends Dimples, Beatriz
NETIZENS CALL OUT TNVS DRIVER FOR LEWD COMMENTS ABOUT XYRIEL MANABAT
Nag-viral ang post ng nasabing TNVS driver kung saan malaswa ang palitan nila ng mensahe sa comments section ng kanyang post.


Kaugnay nito, ipinarating ng netizens sa Grab Philippines ang hindi katanggap-tanggap na asta ng TNVS driver.
Sabi ng isang netizen sa X: "Nag @grabph lang si Xyriel nabastos pa. Pinost at pinag piyestahan ng driver, mga kaibigan niya at ng kapwa pang babae. Nakakadiri. This is a violation of RA No. 11313 'Safe Spaces Act' or 'Bawal Bastos Law'. Panagutin yan sila."
Ayon sa isa pa: "@grabph one of your drivers is publicly and openly SEXU@LIZ!NG ms. xyriel manabat. DO SOMETHING ABOUT THIS! You can't claim that your passengers are safe, especially the women, if this is the behavior of the people you send to transport them."
Post ng isa pa: "WTH! This is alarming!! How can passengers feel safe if your drivers behave like this? Safety isn’t just a slogan. Do something about drivers who sexualize women like Xyriel Manabat. Protektahan ninyo ang mga passengers ninyo. @grabph"
Read: Aktor malaki ang tampo sa TV producer dahil sa di nababayarang TF
GRAB PHILIPPINES reacts
Nakarating sa Grab Philippines ang panawagan ng netizens.
Tiniyak ng kompanya na kaagad nilang gagawan ng aksyon ang pambabastos na ginawa ng driver kay Xyriel.
Narito ang buong pahayag ng Grab: "Thank you for bringing this to our attention
"At Grab, we practice zero tolerance for inappropriate contact and other misconduct. Rest assured, we have invited the driver involved as part of our full investigation and are committed to taking the necessary actions."
Read: Yasmien Kurdi, itinuloy ang reklamo sa dating eskuwelahan ng anak
