Hindi na nga itinatago nina Klea Pineda at Janella Salvador ang anumang namamagitan sa kanila, kahit wala pang direktang pag-amin mula sa dalawang aktres.
Sa TikTok post ni Klea noong kalagitnaan ng Marso 2026, ibinahagi ng Kapuso actress ang koleksiyon ng mga larawan ng napapabalitang karelasyon nitong si Janella.
Sa mga larawang ito ay makikitang may hawak na matcha coffee ang Kapamilya actress.
Lumalabas na ito ang favorite drink ni Janella.
Sabi ni Klea sa caption, "Keeping the matcha supply steady"

Sa comments section, nagkomento ni Klea sa isang netizen na nagsabing, "gets ko si klea, si janella hindi ko gets [laughing with tears emojis]"
Tila nagsumbong si Klea sa rumored partner na si Janella.
Aniya, "Baby oh inaaway ako @Janella"

Read: Bea Alonzo, Vincent Co bond with her friends Dimples, Beatriz
KLEA CALLS JANELLA "my janjan" on her 27th birthday
Hindi ito ang unang pagkakataon na tinawag ni Klea si Janella ng term of endearment niya rito.
Noong March 30, 2026, sa ika-27 kaarawan ni Janella, tinawag itong "my Janjan" ni Klea.
Sa birthday message niya para kay Janella, nagbahagi si Klea ng short Reel na nilapatan niya ng voice-over message.
Mensahe ni Klea: "Masuwerte ang mga taong minamahal mo at isa na ako sa kanila.
"Masuwerte ako dahil nakilala kita, dahil ako ang nakakakita sa mga bahaging mas totoo na hindi madalas nasisilayan ng iba.
"Sa bawat simpleng ngiti mo, parang humihinto ang mundo at ikaw na lang ang natitira sa paningin ko.
"Happy Birthday, my Janjan. Ikaw ang tahimik kong tula at paborito kong himig sa mundong ito."
Read: Klea Pineda posts heartfelt birthday message for Janella Salvador
Hanggang ngayon, hinihintay pa rin ng publiko ang pag-amin ng dalawa ng kanilang relasyon.
Pero batid naman din ng karamihan na kung ano man ito, more than friends na ang kanilang samahan.
Read: Janella Salvador, Klea Pineda spotted HHWW at Cebu airport
