Nanawagan ng pinansiyal na tulong ang pamilya ng yumaong impersonator at stand-up comedian na si Michelle O'Bombshell para sa gagastusin sa cremation ng kanyang mga labi.
Ipinaabot ng pamilya ni Michelle—Roderic "Ador" Cuntapay sa tunay na buhay—ang kanilang panawagan sa pamamagitan ng mga malalapit na kaibigan ng pumanaw.
Saad ng pamilya: "As we prepare to say our final goodbyes, the family is currently raising funds to cover the costs of cremation.
"Any amount you can contribute will go a long way in helping give Ador the dignified send-off they deserve."
Ibinigay rin nila ang account number ng kapatid ni Michelle kung saan maaaring magpadala ng tulong:
Maya Account: 0926 688 3411
Account Name: Mary Ann Cuntapay
Read: Impersonator Michelle O'Bombshell dies at 48
MICHELLE O'BOMBSHELL'S WAKE DETAILS
Pumanaw si Michelle O'Bombshell sa edad na 48 ngayong Lunes, April 6, 2026.
Nakalagak ang mga labi niya sa Public Funeral Building sa Mayamot, Oliveros Street, Antipolo, Rizal.
Sa kasalukuyan ay inaayos pa ng pamilya ni Michelle ang mga detalye sa kanyang cremation. Ibabahagi raw nila ang tungkol dito kapag na-finalize na.
Dagdag ng pamilya sa huli, "Thank you for your kindness, prayers, and support during this heartbreaking time."
Bukod sa pagpe-perform sa comedy bars, madalas ding mapanood noon sa telebisyon si Michelle.
Tumatak ang mga paglabas niya sa comedy-variety shows ng GMA-7 na Comedy Bar (2010-2011), Laff Camera Action (2016), at Sunday PinaSaya (2015-2019).
Napanood din siya sa Kapuso primetime series na Diva (2010) at nagbida sa pelikulang My Amiga Girl (2012), kasama si Daiana Menezes.
Naging bahagi rin siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) nang maging host siya, kasama si AJ Tamiza, sa dating online show na PEP Comedy Hour: The Marie and Tess Show (2021-2022).
