Iginiit ng controversial disc jockey na si Jellie Aw na matagal nang tapos ang relasyon nila ng negosyanteng si Jam Ignacio.
Taliwas umano ito sa alegasyon ng bunsong kapatid na lalaki ni Jellie na, diumano, nagkabalikan sina Jellie at Jam matapos ang kanilang "grand bugbugan" noong February 2025.
Ayon pa sa bunsong kapatid ni Jellie, nagbakasyon pa nga raw ang dalawa sa Japan at nabugbog na naman daw si Jellie doon.
Bahagi ng pahayag ng kapatid ni Jellie sa palitan nila ng mensahe sa social media (published as is): "Tsaka, ate jellie, paano ako hindi magagalit? Malalaman ko na pinapahirapan ka ni Jam Ignacio ikaw mismo nagsabi na pagod kana at ikaw lang ang kumikilos sa pagla-live at pagbebenta.
"Tapos si Jam, walang ginagawa. tapos sasabihan kapa nakikipag ***han ka sa customer mo.
"Tapos malalaman namin nung nag japan kayo, binugbog ka ulit ni jam ignacio ikaw pa mismo nagsabi.
"pinapalabas mo pa sa fb nun na hindi kayo nagkabalikan ni jam."
Read: Drag Race Philippines contestant Misua dies at 27
JELLIE AW CLEARS THE AIR ABOUT EX-BF JAM IGNACIO
Sa eksklusibong palitan ng mensahe sa direct messaging sa Instagram kagabi, April 2, 2026, tinuldukan na ni Jellie sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang usaping nagkabalikan sila ng dating fiancé na si Jam.
May haka-haka kasing nagkabalikan sila noong December 2025.
Read: Jam Ignacio, Jellie Aw together again after "bugbugan" incident?
Diin ni Jellie: "Yung sa amin po ni Jam before, tapos na po yon at hindi na po naulit yun.
"Unfair lang kay Jam kasi dinadamay po siya sa issue ng family para makuha simpatiya ng mga tao. Nakakaloka!"
Ang problema raw niya sa kanyang bunsong kapatid at isa pa nilang kapatid na si Jo Aw ay ang paggamit umano ng mga ito sa kanilang ina para pagkaperahan.
Aniya: "Ang pinaka-main issue lang naman po dito, e, ayokong magamit po ang mother ko sa hindi maganda.
"At sa mga totoong kaibigan ko at mga followers, alam nila kung gaano ko po ginapang pamilya ko at eversince NEVER PO AKONG NAGKULANG."
Read: Jellie Aw at war with siblings over issues of money, Jam Ignacio
JELLIE AW'S ISSUE WITH HER SIBLINGS
Binigyang-linaw rin ni Jellie ang gusot nila ng kanyang mga kapatid.
Giit niya, naging mabait si Jam sa mga kapatid niya pero siniraan daw ng mga ito ang dating kasintahan
Itinanggi niya ang alegasyon ng kapatid na binugbog na naman siya ni Jam noong nasa Japan sila.
Saad niya: "Hindi po totoo yung sinaktan ako ni Jam sa Japan.
"Ang totoo po, e, dinala pa nga po ni Jam yung family ko sa Japan at nanghihiram sila ng pera kay Jam.
"Malaki po natulong ni Jam sa family ko."
Nagkaroon daw sila ng girian ng kanyang mga kapatid nang may nanligaw sa kanya at pinangakuan ang pamilya niya ng kung anu-ano.
Ito ang "scammer" na tinukoy ni Jellie sa kanyang Facebook post noong April 2.
Lahad niya: "Nung my nanligaw sa akin at binigyan sila ng iPhone17 Promax at pinangakuan ng kung anu-ano, biglang siniraan na po nilang lahat si Jam.
"Pati po ako nagulat kasi yung tao tagal nang tahimik, nung nabasted yung gusto nilang lalake, nagalit po silang lahat sa akin.
"Kaya naman po nabasted yun kasi nalaman ko na SCAMMER po.
"Yun po gusto ng mga kapatid ko para sakin. Dahil nakikinibang po sla at umaasa sa pangako nung scammer kaya umalis din po sila sa bahay.
"Kasi bibilhan daw po sila ng bahay kahit my bahay na kami.
"Nung nakita po ni scammer na wala ng pag-asa, iniwan na po sila at lalong nagalit silang lahat sa akin at ginawang butas po c Jam.
"Kesyo nanggugulo kahit hindi naman po totoo. Yung tao, never po nagsalita at never din po nanggulo sa family ko, alam po nila yan sana wag po nila gawan ng kuwento."
Ipinaliwanag din ni Jellie ang alitan nilang magkakapatid tungkol sa pera.
Aniya: "Yung sa pera naman po sinasabi ng kapatid ko P10k lang binigay ko kahit hindi naman po totoo.
"Sabi po ng mama ko, 'Di ako nagsasabi kay Jo na binibigyan mo ko ng malaki baka kasi hindi na ako bigyan.'
"Tapos po nagsu-solicit kapatid ko sa tao pero ang sinasabi papaopera po yung mama namin, nag-send po sa akin mama ko ng test pero SCAN lang po, walang laser SAN NAPUNTA YUNG solicit?
"Nung nag-post ako na wag gamitin ang mama sa pagsolicit ng pera DUN PO NILA AKO PINOST at nagalit tapos dinamay na po si Jam, na labas naman po sa issue.
"Pinuntahan po ako ng mama ko sa bahay ko sabi niya di na kaya ng laser ang mata, opera na daw.
"Sabi ko, 'Sige ako ang gagastos pero need ko makausap doctor mo, tatanungin ko ano nangyari sa laser.'
"Kasi mga pinapakita niya po sa akin SCAN lang hindi po laser. Tapos big lang need na daw po opera.
"Sabi ko, 'Bakit ganun walang improvement?'
"E, ako po talaga nagpapagamot sa nanay ko, konting maramdaman niyan pinapagamot ko agad kaso ngayon nasa kapatid ko siya gawa ng nag-aalaga po sa apo.
"Ngayon po nagalit sila nung nag-post ako na wag gamitin ang mama sa solicit.
"Sabi ko po sa mama, i-send sa akin nagastos, Gcash daw sini-send sabi ko, 'May screenshot yan.'
"Wala daw kaya di ko po alam kung pati nanay ko tinuturuan nila magsinungaling.
"Naalala lang po ako ni mama pag hihingi pera pag nabigyan ko na po wala ng paramdam."
Read: LTFRB takes action on TXT Soobin's taxi experience in Cebu
JELLIE AW mulls legal complaint against younger brother
Pinag-iisipan na raw ni Jellie ang legal na pamamaraan laban sa mga imbentong akusasyon ng nakababatang kapatid na lalaki.
Saad niya sa pinakahuling mensahe nito sa PEP.ph: "Gawa-gawa nalang po yan kaya sasampahan ko din yan na kaso dahil sa mga sinasabi niya sa akin na hindi po totoo."
Nauna na ring nagpaabot ng mensahe si Jam sa PEP kahapon, April 2.
Sabi niya sa PEP: "Hindi totoo na nasaktan ko si Jellie. Mag-file na kame ng case ng lawyer ko.
"Lawyer ko na kakausap sa kanila.
"This time hindi na ako papayag na ganyanin ako nang kapatid ni Jellie."
Nagpaabot ng mensahe ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Jo Aw para sa panig niya kaugnay ng mga sinabi ng kapatid na si Jellie Aw.
Mananatiling bukas ang PEP sa pahayag ng mga personalidad na nabanggit sa artikulong ito.
