PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Jellie Aw at war with siblings over issues of money, Jam Ignacio

Jellie Aw to siblings: "Kalahati ng buhay ko binigay ko para mapabuti kayo."
by Arniel C. Serato
Published Apr 2, 2026
Jellie Aw, Jo Aw on social media war
Jellie Aw (main photo, right) on word war with siblings Jo Aw (main photo) and brother (not in photo) who refuse to tolerate her relationship with Jam Ignacio (inset): "Grabe pangbabastos nyo sa kin. Mas masakit pato sa BUGBOG! Tagos hanggang buto sana pinatay nyo nalang ako."
PHOTO/S: Facebook

Nabulabog ang Facebook timeline ng followers ng magkapatid na disc jockey na sina Jellie Aw at Jo Aw dahil sa kanilang patutsadahan mula kahapon, April 1, 2026, hanggang ngayong Huwebes Santo, April 2.

Si Jellie ay dating karelasyon ni Jam Ignacio, na dating boyfriend ng ina ni Daniel Padilla na si Karla Estrada.

Pinili ng magkapatid na maglabas ng sama ng loob sa social media dahil sa alitan sa pera, at napapagitna sa isyu ang kanilang ina.

Kasabay nito ay dawit din ang pabubulgar ng mga kapatid ni Jellie na diumano'y nakipagbalikan siya kay Jam sa kabila ng kinasangkutan nilang "grand bugbugan" noong 2025.

JO AW reveals beef with SISTER JELLIE AW

Sa kanyang account sa Facebook, ipinost ni Jo ang screenshot mula sa My Day ng kapatid na si Jellie kasama ang kanilang ina.

Makikita rito ang text ni Jellie na nagpasaring na sana ay huwag daw gastusin ng iba ang perang ibinigay niya sa ina.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi ni Jellie sa caption (published as is): "I loveyou.. Busog nnamn ang bulsa ni mother [laughing in tears emoji] sana yung binibigay ko wag mo bigay sa mga kups eme!"

Jellie Aw and her mother

Umalma si Jo sa aniya'y pambibira ni Jellie sa kanya.

Buwelta ni Jo: "Tigilan mo kakapost ng masama samin jellie aw nanahimik na kami ilang buwan na? wala kang trip?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"baka gusto mong sabihin ko lahat dito. siniraan mo na nga kami nanahimik lang kami kahit di naman totoo.

"pinayagan namin pumunta ang mama sayo dahil lang sya nagpupumilit.

"salamat ha sa ambag mong 10k sa hundred thousand na pang opera ng mama ko. kayo dahilan ng stress ng mama nuon kaya lumala sya. makonsensya kayo."

Banta pa ni Jo, nagpipigil pa siya sa kabila ng aniya'y pang-aagrabyado ni Jellie.

Aniya: "MGA TOTOONG KILALA KO LANG MAY ALAM NG KWENTO DITO.

"TAG NYO O PA SS. DIYOS NA BAHALA SAYO

"NANG AAGRABYADO KAPA NG MGA TAHIMIK AT GUSTO NG PAYAPANG BUHAY.

"FOCUS KA SA BUHAY MO. WAG KANG PURO CLOUT SA BUHAY TANDA MO NA. MADAMI AKO GUSTONG SABIHIN PERO DAHIL MAY RESPETO PA KO SAYO WAG MO LANG INI-INVOLVED MAGULANG KO."

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: Jam Ignacio proposes to fiancee after four months of relationship

jellie aw's younger brother EXPOSES she's still with jam ignacio

Sa comments section ng post ni Jo, nagsalita rin ang kanilang bunsong kapatid laban kay Jellie.

Ibinulgar ng bunsong kapatid nila na may relasyon pa rin umano si Jellie kay Jam; at nalaman daw niyang naulit ang diumano'y pambubugbog ni Jam kay Jellie.

Dating na-engage sina Jellie at Jam. Pero napabalitang naghiwalay sila dahil sa alegasyong pambubugbog ni Jam kay Jellie noong February 2025.

Read: Jam Ignacio, Karla's ex, accused of mauling fiancée Jellie Aw

May alingasngas na nagkabalikan ang dalawa noong December 2025, pero hindi ito inaamin ni Jellie.

Read: Jam Ignacio, Jellie Aw together again after "bugbugan" incident?

Saad ng bunsong kapatid ng DJ: "Tsaka, ate jellie, paano ako hindi magagalit? Malalaman ko na pinapahirapan ka ni Jam Ignacio ikaw mismo nagsabi na pagod kana at ikaw lang ang kumikilos sa pagla-live at pagbebenta.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Tapos si Jam, walang ginagawa. tapos sasabihan kapa nakikipag ***han ka sa customer mo.

"Tapos malalaman namin nung nag japan kayo, binugbog ka ulit ni jam ignacio ikaw pa mismo nagsabi.

"pinapalabas mo pa sa fb nun na hindi kayo nagkabalikan ni jam."

Tinawag pa ng bunsong kapatid na "baboy" at "bastos" si Jam dahil sa pagdadala umano nito ng babae sa bahay mismo nila nina Jellie.

Jellie Aw
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon pa sa bunsong kapatid, hindi niya gusto ang mga desisyon sa buhay ni Jellie lalo na pagdating sa pakikipagrelasyon nito.

Pahayag pa nito: "Sa mga nakakabasa ng comments, sobrnag fragmented ng post nya. ‘Wag kayong papalinglang sa idol nyo, magaling sa ibang tao pero sa kadugo sobrang walang hiya.

"Kahit sa sariling magulang na lang, paanong hindi kagagalitan? Dalawang lalaki ipapasok mo sa bahay – na para bang dapat ok at tanggapin namin na nangloloko ka ng tao?

"Mapagsabihan ka ng malumanay or hindi. Palaging gusto mo tama ka di ka maawat sa mga maling bagay na ginagawa mo

"As early as Grade 1, mulat ako sa ginagawa mo kaya wag mo ittake against samin na kaya mo nagagawa yun para samin? Marami kang lalaking sinamahan na hindi para sa disksrte or kapalit kundi for fun."

Jellie Aw relative
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Inihayag pa ng bunsong kapatid na hindi na niya maatim ang diumano'y toxic relationships ni Jellie.

Sabi nito: "Bata pa lang ako, sino sinong lalaki nasa secret gallery mo may single, married, merong na sino sinong nasa l posisyon sa govt. Ginagawa mong trophy kung sino man maging current partner mo.

"Kaya ang gulo ng isip mo eh, wala kang peace of mind dahil sa sarili mong desisyon. Pinagsasabihan ka ng mga tropa mo pero laging napapsama pag di aayon sa gusto mo."

Jellie Aw younger brother
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sumusobra na raw si Jellie kaya raw sila napilitang magsalita laban dito.

Dagdag pa ng bunsong kapatid ni Jellie: "Magsasalita ba kami magkapatid ng ganito kung di namin alam pano kana aawatin sa mali mo? 36 ka na, pero grabe yung seek ng validation mo sa ibang tao.

"Kala ko sa ibang tao ko lang makikita mga gantong pangyayari. Di ko akalain firsthand experience ko makkaaharap ng katulad mo na may ganyang pag uugali."

Jellie Aw relative
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pahabol pa niya: "Matagal na kaming nananahimik sa mga paninira mo, Ate jellie. Sobra ka na. mag muka ka lang talaga mabait sa social media gagawin mo lahat paninira."

Susog ni Jo: "di na para patulan yan be. yaan mo sila clear lang natin pagkatao natin."

Jellie Aw relative

Dahil sa lalim ng alitan sa pagitan ng magkakapatid, may nagtanong kung bahagi pa ito ng "April Fools' Day" dahil ito ang karaniwang ipinagdiriwang tuwing April 1 sa buong mundo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon sa nagkomento: "April fools ba yan. Wag kayo mag away mag kapatid."

Sagot ni Jo: "hindi ate, alam mo yan. sobra na e. pero dahil nirerespeto ko pa sya gang dyan lang kaya kong sabihin para sa mama ko."

April Fools comment on Jo Aw post

Read: Jellie Aw files formal complaint against Jam Ignacio with the NBI

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

JELLIE AW LASHES BACK AT SISTER JO

Madaling-araw ng April 2, si Jellie naman ang nagpatutsada kay Jo.

Base sa mga salita ni Jellie, pera ang dahilan ng alitan.

Post ni Jellie: "Gumawa nlang ng kwento para kaawan GO biii kunin mo simpatya ng tao tapos damay nyo yung nananahimik haaha! Tinamaan ka eh noh?

"Sinampal ka ng katotohanan? Nagsulisit asan pera? pina laser daw pinakita ng nanay ko SCAN lang biiiii hindi laser yun umiinda c mama need opera sabi ko sige need ko muna makausap nag laser hindi daw.

"Pati nanay natin tinuruan nyo mag sinungaling? san po dinala sulisit? diko naneed paalam pa sa inyo mga binibigay ko sa nanay ko baka dimo kayanin sis.

"Sabi nga ni mama 'sabi ko dimo ako binibigyan kasi baka dika nadaw magbigay' pag nalalaman mong malaki binibigay ko."

Diin ni Jellie, hindi raw siya nagkulang sa pamilya.

Ayon kay Jellie: "Marami nakong napatunayan bilang ATE nyo at bilang BREADWINNER! Nag aaral palang ako tumutulong nako sa inyo never ako nanumbat 10k pinagsasabi mo? baka mapahiya ka!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Ikaw nga napag tapos ko na wala kaman lang pasasalamat! Ikaw nga ginapang ko para makatapos kalang sinasanla ko lahat ng alahas ko para my pang tuition ka alam ni mama yan dahil umiiyak ako pag wala kang pang tuition 1k na tf pinapatos ko para my pang baon kayo AT ALAM MO YAN! wag kang pa VICTIM!"

Sa puntong ito, pinahiwatig ni Jellie na diumano'y naloko ng "scammer" si Jo, at naging sanhi ito ng alitan nilang magkakapatid.

Saad niya: "naniwala kayo sa scammer na baboy ngayon nahihirapan ka nagkaka utang ka papaandaran moko ng ganyan? Wala ako dapat ipaliwanag dahil pinili mo yan ikaw may gusto nyan.

"At ikaw mismo alam mo HIRAP ko sa pamilya natin! isang ATE mo lang diko na kayo matiis! pag wala ka pera mag lalive tayo para magkapera ka!

"Wala oang bayad yung parcel nag aadvance kana napaka UNGRATEFUL mo dadamay mo pa tao na wala naman ginagawa. Lahat ng naging trabaho ko pinasok kita di ako naging madamot sayo."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi naman malinaw kung ano ang eksaktong panlolokong ginawa ng scammer sa kanilang magkakapatid.

Sabi ni Jellie: "PERO WAG NYO NAMAN IPILIT SAKIN YUNG LALAKENG SCAMMER NA YUN! alam ko nakinabang kayo kaya lumayo din ako sa inyo diko kaya yon pero ano ginawa sa inyo? Pinaikot kayo diba? gumawa ng kwento kaya nag away away tayo dba?

"FYI MAY PERA AKO AT KAYA KO MAGWORK KAYO NGA nabuhay ko ng kalahati ng buhay ko! Na never ako Nakarinig ng OKAY KALANG ATE? SALAMAT HA!?"

Ayon kay Jellie, hindi dapat isumbat ni Jo ang pagtulong nito sa kanilang ina dahil dapat lang daw may ambag si Jo sa pamilya.

"Kaya tigilan moko sa pagiging pavictim mo! Ngayon kalang tumulong kay mama kala mo naman tlga tumtulong ka?

"REAL TALK lang at masaya ko na tumulong kna ngayon dahil c mama nag aalaga ng anak mo.

"Maawa kadin minsan sa mama magpaka nanay kadin minsan anak mo uwian 2pm masusundo mo 4pm.minsan umiinda yan na sana bigyan nyo sya. Kaya wag mo sasabhn na 10klang natulong ko? PATAWA ka!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Itinanggi rin ni Jellie ang akusasyon ni Jo na sinisiraan niya ito.

Sabi pa ni Jellie: "At siniraan? Sinasabi ko lang totoo kaya wag ka magalit! At isa pa WALA KA NAMAN TLANG RESPETO kaht sa magulang natin di kaya ni mama bibig mo kaya sunudsunuran nalang para sa APO nya kasi d nya maiwan.

"GO LAPAG MO KUNG ANO TOTOO LAPAGAN TAYO tutal Squatter naman ugali mo sabayan kita

"Wala kapa nararating mataas kana masyado. Dika nlang magpasalamat sa taong tumulong sayo na halos kalahati ng buhay nilaan para sa inyo.

"PWEDE KONA SOLOHIN yun pero ako yung taong PAG MERON AKO DAPAT MGA KAPATID KO MERON DIN.

"MAGMALAKI KANA SIS PAG DIMO NA LAPTOP KO GAMIT MO Angazz nilalagay s lugar wala sa lugar e gusto ata mag viral? pwe!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Jellie Aw's sister warns her after Jam Ignacio’s apology

JELLIE AW HITS YOUNGEST BROTHER

Makalipas ang ilang minuto, naglabas ng screenshot si Jellie patungkol naman sa bunsong kapatid na lalaki na inakusahan siyang "pokpok" at "makati."

Buwelta ni Jellie: "Ganyan ba gusto nyo pakita ko sa tao kung gano kayo kawalang respeto? Eto pinaka malupet yung bunso naming lalake INC payan ah!

"Pede ba matiwalag to? Akay lang naman sya My INC ba dito? Send ko lahat ng pinagsasabi sakin tinatakot pako.

"Sabihan ba naman ako ng POK2x makati at mura murahin ako wala naman ako ginawa sakanya HYPE ka nka tatlong course kana pati c papa awang awa na sakin nung buhay pa imbis graduate kana nagpapaaral padin ako.

"pero wala ka narinig sakin kung ano gusto mong course Go basta magaral. Wala ka man lang sinabi na ate ok lang magpalit ako ng course? na tingin nyo sakin ATM!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Nag EDUC, ARKI Ngayon IT tapos gaganyanin moko inano kita? Mas masakit pa sa bugbog tong pinagsasabi mo sakin mas tagos eh kesa sa abugbug berna e!"

Hindi raw maintindihan ni Jellie ang pambibira at pagmamalinis ng bunsong kapatid.

Sabi pa ni Jellie: "ayoko na i upload iba baka di kayanin ng mga makakabasa! HUDAS! gawa gawa ng kwento Post mo mga sinasabi mo dali. kakahinayang sana yung pera na pinang paaral mo tinulong ko nlang sa ibang tao.

"sana hipuin ka ni Lord naiiyak ako sa inaasal mo nakakaawa ka sorry bunso ha di ako i bebless ni lord ng ganito kung nanloloko ako ng tao.

"alam ng mga tao na nakasama ko kung pano ako kumayod at kung pano ko kayo isipin mapag aral at mapakain ko lang kayo araw araw.

"kaya di ako papayag na dika MATIWALAG! walang demonyo sa INC dahil mga tropa kong INC mababait. ikaw dko alam san galing ugali mo pati aso di kakainin yan

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"P.S yung bunsong babae nag sorry sakin kaya magkasama kami sa bahay nakita nya na mali sya buti payun kaht maldita my utak at respeto."

Wala namang binanggit si Jellie tungkol sa sinasabing pagbabalikan nila ni Jam Ignacio pati na ang alegasyong sinaktan siyang muli nito.

Read: Jellie Aw has sarcastic answers for bashers after her mauling

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

JELLIE AW: "Wala akong ginawang ikakapahamak nyo!"

Sa huling post ni Jellie, sinumbatan pa niya ang mga kapatid na inaaway siya ngayon.

Sa dami raw ng hirap na pinagdaanan niya para lamang makatulong sa pamilya, hindi raw niya lubos-maisip kung paanong ngayon ay nagbabangayan sila sa social media.

Ani Jellie: "Kalahati ng buhay ko binigay ko para mapabuti kayo. Wala akong ginawang ikakapahamak nyo!

"Maubos nako wag lang kayong magutom! lahat ng trabaho pinapasok ko para mapag aral lang kayo.

"umiiyak pako sa papa dahil gusto nya daw ng sariling bahay sabi ko PAPA STEP BY STEP papatapusin ko lang mga kapatid ko tapos bahay naman. Di nyo ako nararamdaman kasi dinyo ALAM HIRAP KO!

"Nag working student ako ng collge para makatulong na hanggang nakaGraduate ako nagtuloy tuloy nako sa pag tatrabaho HINDI GAMIT ANG COURSE ko."

Pinasok din daw ni Jellie ang pagsasayaw para lang kumita pangtustos sa pangangailangan nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Dahil hindi kaya ng sahod yung pag papaaral sa inyo kaya pinag patuloy ko ang pag sasayaw!

"Never ko inisip sarili ko inisip ko pano ko mapapatapos mga kapatid ko at pano ko kayo mapapakain.

"Naging BREAD AND BUTTER ko pagsasayaw Di nyo alam yon kasi d nyo na exprnce yun! kung anong meron ako meron din kayo lahat ng blessing ko sineshare ko sa inyo hindi lang sa inyo pati sa ibang tao shineSHARE ko lalo pag my sobra ako di ako madamot lalo pag MERON alam nyo yan! ayoko na ako lang meron dapat mga kapatid ko din! Mali lang na SPOILED ko kayo.

"grabe pang babastos nyo sakin. Mas masakit pato sa BUGBOG! Tagos hanggang buto sana pinatay nyo nalang ako.

"Minsan ba natanong nyo ko na 'ATE KAMUSTA KA?' 'ATE OK KALANG BA?' Bakt lagi ka naglalasing?

"Sa kotse ko binubuhos hirap na napag dadaanan nag dadrive ako habang umiiyak ayoko ipakita sa inyo na MAHINA ako! di nyo alam dba? KASI NEVER NYO AKO TINATANONG! NEVER!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Inalala pa ni Jellie na wala umano siyang ibang inasahan noong nagkasakit at pumanaw ang kanilang ama.

Dire-diretsong post pa ni Jellie: "si papa lang lagi nag tatanong sakin kung kaya ko pa! kaya nga nung need nya magpa root canal mas pinili nya magpabunot nlang kasi 700pesos lang yung 7k na binigay ko pang root canal binalik sakin kasi nahihiya sya sakin nagpapaaral nadaw ako dadagdag pa daw sya.

"nagkasakit c papa nasan ka? ako lahat diba? my narinig ba kayo sakin na tulungan nyo naman ako! d pag bantay man lang sa hospital ayaw nyo kasi dahilan nyo d nyo kaya makita na nahihirapan ang PAPA hanggang namatay c papa gusto nya ako magbantay sakanya!

"hanggang sa pagbili ng kabaong ng lupa ako naglakad naiyak nalang c diane nakita na hirap na hirap nako. salamat po sa mga tumulong sakin. ang dami kong dapat isumbat JO! pero dko ginawa yon dahil grabe pagmamahal ko sa inyo!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"MAKIKIPAG PATAYAN AKO PAG USAPANG PAMILYA NA! alam mo yan hype ka! ex mo nga kaht nakakahiya nag LIVE PAKO! para sayo.

"mga luho ng anak mo binibili ko kasi di nyo MABILI. nakapag DJ KA NG WALA KANG AMBAG LAHAT AKO! RESPETO NLANG SIS! dko hiniling na bayaran mo ko pero RESPETO MO NAMAN AKO

"Nagagalit kayo pag napagsasabihan ko kayo? Masama na agad ako? Hindi ako robot hindi ako ATM. Pasensya na kayo kung minsan napagsasabihan ko kayo.napapagod din ako."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Jam Ignacio begs for fiancée Jellie Aw's forgiveness

Nagpadala ng mensahe ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Jellie Aw sa kanyang Instagram account para hingin ang pahayag niya sa mga alegasyon ng kanyang kapatid.

JAM IGNACIO REFUTES ALLEGATIONS AGAINST HIM

Nagpadala rin ng mensahe ang PEP kay Jam Ignacio para hingin ang pahayag niya sa sinasabing pagbabalikan nila ni Jellie at sa alegasyong sinaktan niya muli ito.

Sumagot si Jam via private message sa Messenger ngayon Huwebes Santo, April 2.

Sabi niya sa PEP: "Hindi totoo na nasaktan ko si Jellie. Mag-file na kame ng case ng lawyer ko.

"Lawyer ko na kakausap sa kanila.

"This time hindi na ako papayag na ganyanin ako nang kapatid ni Jellie."

Nananatiling bukas ang PEP sa anumang pahayag ng mga personalidad na nabanggit sa artikulong ito.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jellie Aw (main photo, right) on word war with siblings Jo Aw (main photo) and brother (not in photo) who refuse to tolerate her relationship with Jam Ignacio (inset): "Grabe pangbabastos nyo sa kin. Mas masakit pato sa BUGBOG! Tagos hanggang buto sana pinatay nyo nalang ako."
PHOTO/S: Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results