Hinirang na Kapuso Big Winner si Caprice Cayetano at Kapamilya Big Winner si Lella Ford sa Pinoy Big Brother (PBB): Celebrity Collab Edition 2.0. The Big Night.
Ginanap ang announcement ng rankings ng Ultimate 8 ngayong gabi ng Sabado, February 28, 2026.
Si Caprice ay nakatanggap ng 61.78 percent of total combined Kapuso votes at si Lella ay may 53.63 percent ng total combined Kapamilya votes.
Tatanggap sila ng tig-PHP1 milyon bilang premyo.
Si Caprice ay tinaguriang Demure Daughter ng Quezon City, habang si Lella naman ang Blooming Bunso ng Tacloban.

Ang Kapuso 2nd Big Placer ay si Heath Jornales na may 24.25-percent total combined Kapuso votes, at Krystal Mejes ay Kapamilya 2nd Big Placer na may 22.26-percent combined Kapamilya votes.
Pareho silang tatanggap ng tig-PHP500,000.

Ang Kapuso 3rd Big Placer na si Ashley Sarmiento ay may 8.47-percent total combined Kapuso votes, at si Kapamilya 3rd Big Placer Joaquin Arce ay may 16.95-percent total combined Kapamilya votes.
Tatanggap sila ng tig-PHP300,000.

Hinirang na Kapuso 4th Big Placer si Princess Aliyah, habang si Miguel Vergara ang Kapamilya 4th Big Placer.
Si Princess ay nakakuha ng 5.5-percent total combined Kapuso votes at si Miguel ng 7.17-percent total combined Kapamilya votes.
Nakakuha sila ng tig-PHP200,000 cash prize.

Read: Piers Morgan’s post on Pinay housekeeper gets 13M views; post on Cristiano Ronaldo has 1.4M
DANIEL PADILLA SHOWS UP TO SUPPORT SISTER LELLA
Ito rin ang kauna-unahang pagkakataon na iniharap ang PBB Grand finalists sa harap ng mga manonood bago ang announcement ng winners.
Kasunod ng paghirang sa kanilang placements, pinaakyat ang Ultimate 8 members sa entablado at sinamahan sila ng kanilang mga mahal sa buhay.
Ginanap ang The Big Night sa The Crossroads Center sa Quezon City.
Scene stealers ang family members ni Lella na todo ang suporta sa kanya.
Sinamahan siya ng kanyang inang si Karla Estrada sa entablado, habang makikita naman sa audience area ang kanyang kuyang si Daniel Padilla at isa pang kapatid na si Magui Ford.

Read: Princess Punzalan's life as a nurse in the U.S.: “Sa Pilipinas, ako ang pinagsisilbihan.”
