PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Iwa Moto vs. Hajie Alejandro: Who's telling the truth?

Who is "sinungaling"?
by Bernie V. Franco
Published Feb 28, 2026
Iwa Moto, Hajie Alejandro
Celebrity Iwa Moto and content creator Hajie Alejandro each have their own version of events surrounding a product review, with one claiming that the other shared an “edited” story. Is Iwa referring to Hajie?
PHOTO/S: @iam_iwa and @_onzestudio on Instagram

Sino ang kaaway ni Iwa Moto at tinawag pa niyang sinungaling?

Wala siyang binanggit na pangalan, pero ang mga netizens ang nag-connect ng kanyang Tiktok video sa YouTube interview ng content creator na si Hajie Alejandro.

Si Iwa ay first runner-up sa third batch ng GMA-7 artista search na StarStruck. Bago siya nag-focus sa family life, visible siya as Kapuso actress.

Si Hajie naman ay content creator na may more or less 4.7 million followers: 1.6 million sa Facebook, 206,000 sa Instagram, at 2.9 million sa Tiktok.

Read: Princess Punzalan's life as a nurse in the U.S.: “Sa Pilipinas, ako ang pinagsisilbihan.”

HAJIE ALEJANDRO'S INTERVIEW

Naging guest si Hajie sa YouTube channel na Think Talk Tea noong February 24, 2026.

Inusisa siya kung may nakaaway na ba siyang sikat na influencers.

Ikinuwento ni Hajie ang tungkol sa isang phone-suction product review ng isang seller.

Hindi niya pinangalanan ang seller, pero inilarawan niya itong "influencer" at "celebrity."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Um-order daw si Hajie at naging affiliate ng product dahil pakiramdam niya ay magiging mabenta ito.

Nag-shoot pa ng video si Hajie gamit ang product.

Pero nadismaya siya dahil hindi raw effective.

Idinikit niya sa pader ang product, tulad ng ipinakita ng "celebrity" sa kanyang video.

Bumagsak diumano ang cellphone ni Hajie.

Aniya sa YouTube interview, “Mali naman, sinungaling…”

Paglilinaw niya, hindi ang "celebrity" ang tinutukoy niyang sinungaling kundi ang claims ng product.

Noong in-upload ni Hajie ang video, nag-message raw sa kanya ang "celebrity."

Kuwento ng content creator: “Sabi niya, ‘Hajie, I’m a fan of yours. Kaya lang na-sad ako.’ Sabi niya, ‘Kasi sinabihan mo ako ng ganito, na parang sobrang hateful naman nung word na ganito ganyan.’”

Nag-sorry raw si Hajie at nagpaliwanag na nais lang niyang iparating na hindi totoo ang claims ng product dahil hindi ito umubra batay sa karanasan niya.

Sinabi ni Hajie na idi-delete na lang daw niya ang video at humingi uli siya ng sorry at pasensiya sa "celebrity."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Idinagdag din niyang gumawa ng reaction video ang "celebrity" na kinontra ang product review ni Hajie.

In the end, nagkasundo ang dalawa na i-delete na lang ang kani-kanilang reaction videos.

Pero matapos magkaayos, sinabi ng "celebrity" na "in-ads" o isang boosted ad ang kanyang video kaya hindi niya agad mabubura.

Makalipas ang ilang oras, nakatanggap diumano ng message si Hajie mula sa asawa ng "celebrity" na hindi raw ito papayag i-delete ang reaction video.

Ayon pa kay Hajie, sinabihan daw siya ng asawa ng "celebrity" na kakasuhan siya ng slander.

“Tinakot ako. May mga ganong threat,” ayon sa content creator, na nangatwiran daw sa asawa na nagkausap na sila ng "celebrity" at nagkaayos.

Ang sumunod daw na nangyari ay nag-message ulit sa kanya ang "celebrity" at sinabing hindi siya okay. Na-trauma raw siya at na-trigger kaya umiiyak.

Nagdesisyon daw si Hajie na huwag na lang pansinin ang "celebrity."

Sinabihan pa raw siya ng mag-asawa na hindi nila idi-delete ang reaction video puwera na lang kung maglabas ng public apology si Hajie.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Pero hindi nag-apologize si Hajie, bagkus ay nanahimik siya.

Pakiramdam daw niya kasi ay hindi matitigil ang isyu kung patuloy pa siyang magre-react.

IWA MOTO's REACTion

Isang araw matapos lumabas ng YouTube interview ni Hajie, maaanghang na pahayag ang inilabas ni Iwa via TikTok.

Wala rin siyang binanggit na pangalan, pero tugma ang kanyang mga pahayag sa mga sinabi ni Hajie sa YouTube interview.

“DEAR YOU,” bungad ni Iwa, “Hobby mo ba na gumawa ng kwento or napaniwala mo na yung sarili mo? Utang na loob tantanan mo ako.

“I dare you to allow me to post our convos para magkaalaman na sino nga ba satin ang nag sasabi ng totoo,” published-as-is post ni Iwa.

May pahaging si Iwa na binaliktad ang kuwento.

“The Audacity…Super EDITED naman version ng kwento mo…

“Kala ko di ka maissue? HINDI issue lumalapit sayo. You attract it. Last year pa issue gusto mo talaga balikan? Kala ko ba ayaw mo ng issue..

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Really hope you stop ruining my mood.”

May kasamang hamon din ang pahayag ni Iwa: kung ipo-post daw ang naging palitan ng mga messages, malalaman ng publiko kung sino ang nagsasabi ng totoo.

Pahayag ni Iwa (published as is): “PWEDE NAMAN IPOST KO CONVO NATIN tandaan mo may resibo ng convo.. (dali bigyan mo ako consent post ko convo natin and convo nyo ni pampi.) total inungkat mo pa eh.

“Tsaka para makita ng lahat na di totoo sinasabi mong tinakot ka. Magkaiba yung TINAKOT sa NATAKOT. Alam mong may mali ka kasi.

“Why dont you post your video again? Para makita ng lahat sino sating dalawa nag sasabi ng totoo.

“Product ang sinabihan ng sinungaling? You did not even read the instructions.

“TINAKOT?!?! Demanda?!?!?! Sino nanakot sayo?”

May sinabi rin si Iwa tungkol sa "in-ads" niyang reaction video (published as post): “About dun sa sinasabi mong ads. YES nag ads ako para mas malawak yung reach kasi nga siniraan mo ako dba? 5 days na pala yung post mo tungkol sakin wala akong kaalamalam until dami ng nang aaway sakin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Tsaka dba may consent mo rin yun?!?! Sabi mo up to me if I want to boost it.

“Kasi naman ang dami mong followers. Sana maging RESPONSIBLE ka naman sa mga binibitawan mong salita.

“Dami nag msg at nangbash nanaman sakin dahil sa interview mo. Sa mga nag sasabi na bakit d ko pa daw burahin. BAKIT nag public apology na ba sya??

“Ayoko na sana pumatol eh. PERO Dahil sa gawa gawa mong kwento sa interview mo AKO PA ANG LUMALABAS NA MAY KASALANAN. Eh ikaw ang nag umpisa. Nag react lang ako sa accusations mo.

“FOR THE RECORD HINDI UGALI NI PAMPI NA MANAKOT NG TAO. Maayos ka minessage ni pampi.”

Hirit uli ni Iwa: “Consent mo lang kailangan ko post ko lahat dito..

“Ngayon ikaw ang sasabihan ko. Directly to you. SINUNGALING KA.”

Read: Piers Morgan’s post on Pinay housekeeper gets 13M views; post on Cristiano Ronaldo has 1.4M

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Celebrity Iwa Moto and content creator Hajie Alejandro each have their own version of events surrounding a product review, with one claiming that the other shared an “edited” story. Is Iwa referring to Hajie?
PHOTO/S: @iam_iwa and @_onzestudio on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results