Hindi pa raw handa si Elle Villanueva, 30, na lumagay sa tahimik kasama ang nobyong si Derrick Monasterio, 30.
Marami pa raw siyang dapat gawin sa buhay kahit apat na taon na ang kanilang relasyon.
Bakit hindi pa siya ready?
Sagot ni Elle: "Parang hindi pa. Gusto ko pa nang achievement, more achievement pa.
"And contented... Actually contentment, may contentment na ako sa life.
"But then I feel like I wanna do more before I settle."
May tinitingnan ba siyang tamang edad kung kailan maari na siyang magpakasal?
Lahad niya, "Alam mo, sabi ko nung una, by 24, gusto ko nang ikasal. Gusto ko ng magkaroon ng baby. Tapos naging 28. Tapos ngayon naging 30 na.
"Thirty, I just turned thirty. So paiba-iba, e. Alam mong mararamdaman mo naman when is the right time.
"I don't wanna dictate an age kasi ikaw lang yung ma-pressure, di ba? So yun.
"Walang specific age for me sa ngayon, kung kailan ko lang mararamdaman."
Naibato din kay Derrick ang parehong tanong dahil magkatabi sila ng girlfriend habang ini-interview.
Sabi ni Derrick: "Ako? Wala. Naka-base ako sa kanya.
"It's important for her to, to grow on her own, na ma-achieve pa niya ang mga dapat niyang ma-achieve.
"Siyempre, ako, patient lang naman ako. Basta I'll do what I do.
"Gagalingan ko sa lahat ng bagay at ita-try kong maging... ita-try kong mag-save for our future.
"Para pag ready na siya, ready na ako."
So ready na ba siya ngayon?
Sabi ni Derrick, "Ah, ngayon, ready na ako."
Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at entertainment press sina Elle at Derrick sa presscon ng pagbibidahan nilang seryeng Apoy sa Dugo, noong nakaraang February 23, 2026 sa GMA Studio 7.

Read: Ashley Ortega calls bad press at Carmina Villarroel “fake news”
DERRICK MONASTERIO REVEALS BUYING THE LOT BESIDE ELLE'S HOUSE
Gaano nga ba kahanda si Derrick?
Sabi ni Elle, "Ready na siya, bumili siya ng lote sa katabi ng bahay namin. Ganun siya ka-ready."
Paliwanag ni Derrick, "Kasi only child siya, sila lang ang dalawa ng mom niya.
"Para hindi din siya malayo sa mama niya."
Hirit ni Elle, "At nag-decide na siya na magyi-yes ako."
Read: Derrick Monasterio, 29, proud owner of 5 lots in prime locations
Ano pa ba ang gustong ma-achieve ni Elle sa kanyang karera bago siya mag-asawa?
Aniya, "Alam mo, malayung-malayong dream to, pero gusto ko talaga magka-Hollywood, e. Gusto kong magkaroon ng acting piece talaga.
"Good monologues, ganun. Saka gusto ko sana makaka-work pa si Nora Aunor tapos wala na."
Samantala, mapapanood na sa Lunes, March 2, 2026 ang Apoy sa Dugo sa GMA Afternoon Prime.
Kasama ring bida sa serye nina Elle at Derrick si Ashley Ortega.
