Masayang ibinahagi ng Kapuso actress na si Ashley Ortega ang naging selebrasyon nila ng nobyong si Mavy Legaspi noong nakaraang Valentine's Day, February 14, 2026.
Kuwento ni Ashley: "Nag-dinner kami ni Mavy. So, siya yung nag-prepare noon.
"Buti nga nagkaroon kami ng time ngayon. Kasi nung Valentine's Day [last year], he had work that time, kasi nasa PBB [Pinoy Big Brother] siya nun.
"So, ginawan niya talaga ng paraan. So, we went straight to dinner.
"And yun lang po, nag-dinner kami together."
Lagpas isang taon na ang relasyon nina Ashley at Mavy. Kumusta ang unang taon nila bilang magkarelasyon?
May halong kilig na sabi ng aktres: "Ang saya! Actually, hindi na nga namin namalayan na one year na pala kami.
"Kasi parang... parang kailan lang kami nung nag-start mag-date.
"But it's been a year, more than a year.
"And we're doing good and we're getting to know each other in a deeper level every day.
"And, of course, talagang happy kami sa relationship."
Ipinanganak si Ashley noong December 26, 1998. Twenty-seven years old na siya ngayon.
Si Mavy ay 25. Isinilang siya at ang kambal niyang si Cassy Legaspi noong January 6, 2001.
Para kay Ashley, dalawang taon lamang ang age gap nila ng boyfriend kahit na sinasabi ng iba ay tatlong taon.
Paliwanag niya: "Three years. Pero parang two years na rin kasi birthday ko December, siya January.
"Kaya nga yung mga ano, tao talaga, e. Three years actually, pero parang two years kasi last month ako ng year."
Sa ilang panayam kay Ashley noon, sinabi niyang parang naiilang siya nang nanliligaw pa lang sa kanya si Mavy.
Saad niya: "Actually, hindi ko naman naramdaman. Well, actually, of course, noong nanliligaw pa lang si Mavy.
"Siyempre, tulad din naman ang sinabi ko dati, hindi talaga ako sanay na magkaroon ng boyfriend na younger than me.
"But then, you know, Mavy really proved himself to me, proved his worth, and sobrang ini-effort-an niya ako.
"So, I fell in love with him.
"And hindi ko nararamdaman actually pag magkasama kami, yung age gap namin sa isa't isa, kasi isip-bata din naman ako, e."
Biro pa niya, "So, parang nama-match naman namin yung maturity level ng isa't isa.
"And, yeah, hindi ko na na-iisip na, 'Shucks, ang layo pala ng age gap.'"
Eksklusibong nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ashley matapos ang open forum sa presscon ng pinagbibidahan nitong serye, ang Apoy sa Dugo, noong February 23, 2026.

Read: Ashley Ortega calls bad press at Carmina Villarroel “fake news”
ASHLEY ORTEGA ON HER KONTRBIDA-ROLE INSPIRATION
Kontrabida ang role ni Ashley sa Apoy sa Dugo.
May inspirasyon ba siya sa pagiging kontrabida na kanyang pinaghuhugutan?
Lahad ni Ashley: "Actually, sobrang dami ko pong pinanood na psychological movies and series to prepare for my character here sa show na 'to.
"Wala naman talaga akong basically, like, 'Oh, okay, itong character na to ang gagayahin ko siya.'
"Marami akong pinanood, e, just to get inspiration.
"But, of course, I still want to give a touch of my own, of my own character as Ashley.
"So, nanood ako ng mga movies. So, talagang nakatulong sa akin si Angelina Jolie sa Girl, Interrupted [1999].
"Yung role niya kasi doon, she's a psychopath. So, kung paano siya mag-isip, paano siya mag-manipulate ng tao.
"Sa series din naman, I watched Killing Eve. Yung appearance niya, yung movements, kailangan kasi consistent.
"Yun yung gusto kong gawin talaga to portray my role perfectly and mabigyan ng justice.
"So, nag-prepare din ako physically, not just emotionally and mentally, kasi gusto ko maiba siya sa mga past na ginawa kong kontrabida role, para physically intimidating na siya."
Read: Angel Locsin defends stepson Joaquin Arce vs. “nepo baby” tag
Bukod kay Ashley, bida rin sa serye ang magkasintahang sina Derrick Monasterio at Elle Villanueva.
Kasama rin sa cast sina Pinky Amador, Thea Tolentino, Ricardo Cepeda, Cai Cortez, Toniyuh, at Larkin Castor.
Ang Apoy sa Dugo ay mapapanood sa GMA Afternoon Prime simula sa Lunes, March 2, 2026.
