Hindi ikinaila ng Kapamilya actress na si Belle Mariano na nadadala siya ng emosyon tuwing nakakaeksena ang ka-loveteam na si Donny Pangilinan.
Pag-amin ni Belle, hindi na niya kailangang umarte sa tuwing nagbabatuhan sila ng linya ni Donny dahil kusa raw lumalabas sa kanya ang kilig na kadalasang kinakailangan sa kanilang mga eksena.
Read: Belle Mariano reveals what she feels about Donny Pangilinan
Sa halos limang taon nilang pagiging magka-loveteam, kabisado na rin daw niya kung paano magtrabaho si Donny kaya hindi na siya nahihirapan sa pagpapalabas ng emosyon.
Kaugnay nito, nausisa ang aktres sa naganap na Star Magic Spotlight presscon noong Lunes, February 23, 2026, kung na-fall na ba siya kay Donny dahil madalas silang magkasama.

Bago sumagot, halata sa reaksiyon ni Belle ang pagkabigla sa diretsahang tanong ng entertainment press.
Nakangiti niyang sagot: "Grabe naman. Alam niyo po, feling ko to be an effective actor, you really fall in love with the person you're supposed to fall in love in the story.
"So, kinikilig talaga ako whenever I do scenes with him.
"It's really genuinely."
Read: PEP Most Influential 2024 Ultimate Love Team: DonBelle
Sundot na tanong sa dalaga, "So anong nangyari, bakit hindi nag-level up ang kilig? Bakit hindi natuloy into a relationship? Kasi, di ba, ayun yung ine-expect ng fans, lalo na loveteam?"

Pahayag ni Belle, "You know, Donny is a very special person in my life. And I continue to say that and he's a such a blessing to me."
Diin pa niya, "He's special. Someone who's close to my heart, that's all I can say."
BELLE ON DOING PROJECTS WITHOUT DONNY
Sa nasabing presscon, natanong din si Belle ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) tungkol sa magkahiwalay na proyektong ginawa nila ni Donny kamakailan.
Si Belle ay kabilang sa pelikulang Meet, Greet, and Bye kasama sina Piolo Pascual, Joshua Garcia, JK Labajo, at Maricel Soriano.
Read: Belle Mariano reacts to Meet, Greet & Bye box-office success
Habang bumida naman si Donny sa Kapamilya primetime series na Roja, kasama sina Kyle Echarri at Maymay Entrata.
Hindi ba siya nanibago na hindi kasama si Donny sa proyekto?
Read: Belle Mariano embraces growth beyond DonBelle loveteam
Mabilis na sagot ni Belle: "Yes. Noong una, alam mo nag-usap kami isang beses ni Donny, sabi ko sa kanya, 'Hala, kinakabahan ako, hindi kita ka-work.'
"Kasi, di ba, mayroon na kaming dynamics together. Pero I feel like it’s very much needed since he’s doing Roja and I’m doing Meet, Greet & Bye, this movie [Tayo sa Wakas].
"Parang it allowed us to grow more.
"Tsaka parang makikita mo yung maturity kasi parang nag-grow kami.
"So, hopefully itong movie na ito ay mas mabigyan ng justice yung story and characters po."
Read: Donny, Belle, magkahiwalay pero parehong matagumpay ang projects
Ang Tayo sa Wakas ang upcoming reunion movie ng tambalan nina Belle at Donny na DonBelle, makaraan ang halos apat na taon.
Ang An Inconvenient Love (2022) ang huling pelikulang pinagbidahan ng dalawa.
Read: Binge-watch DonBelle series and movies online
Suportado rin daw nina Belle at Donny ang isa’t isa kung sakaling may iba silang makatrabaho o maka-partner sa mga proyektong ibinibigay sa kanila.

Lahad ni Belle: "We are very open. I mean, we’ve spoken about showing support as long as it helps each other grow.
"Whether we work together, with someone else, or apart — as long as the other person grows.
"And what I love about us is that we really support each other, and we’re very open about it."
