Pinakalma ng Asia's Songbird na si Regine Velasquez ang mga tagahanga niyang nag-alala matapos mag-viral ang kanyang post tungkol sa nararamdamang anxiety tuwing kumakanta.
Sa pamamagitan ng Facebook ngayong Huwebes, February 26, 2026, nagpaabot ng mensahe ang ASAP Natin 'To performer tungkol sa pag-aalala ng fans.
Ayon kay Regine, pinagsisikapan niya ngayong itimon ang kanyang buhay dahil sa mga hamon at pag-iiba ng sitwasyon dahil na rin sa kanyang edad.
Mensahe ng 55-year-old singer-actress: "Hello everyone I know that a lot of you have been worrying about me lately sorry about that but I’m ok.
"I’m just navigating the challenges and changes in my life as I get older."
Dahil nadagdagan ang kanyang edad, aminado siyang may nagbago na sa kanyang boses pero ibang bersiyon lamang daw ito ng kanyang pagkatao na bigay ng Panginoon.
At ipinagpapasalamat daw niya ito.
Ani Regine (published as is): "Ganon talaga yun iba na but it’s still me just a different version of me God bless by the way thank you for all the love I’m feeling it Salamat sa paflowers sana next time cash na lang"
Kalakip ng kanyang post ng screenshot ng X post niya ngayong araw rin tungkol sa nai-post niya sa Facebook.
Read: Althea Ablan sets boundaries with boyfriend Prince Clemente
REGINE VELASQUEZ WORRIES FANS AFTER Josh Groban CONCERT
Maraming tagahanga si Regine ang nagpaabot ng kanilang pangamba sa kalagayan ng Asia's Songbird matapos niyang ilahad na nakakaranas siya ng anxiety habang nagpi-perform sa ASAP.
Maging sa nakaraang concert ni Josh Groban kung saan isa siya sa mga guest.

Sa kanyang post sa X account noong February 19, ibinahagi ni Regine na nakaramdam siya ng matinding nerbiyos sa araw ng concert nila ng American singer-songwriter na si Josh Groban noong February 18.
Ayon sa kanya, nakaramdam siya ng pagkabalisa bago ang concert kaya nakalimutan niyang kumain noong araw na iyon.
"It was wonderful and an honor to sing with Josh Groban last night but I was so nervous.
"I was so anxious the whole day I forgot to eat," post niya.
Kahit daw sa Sunday noontime musical-variety show nilang ASAP Natin 'To ay nakakaramdam na siya ng anxiety na hindi naman niya naranasan noon.
Buong post niya: "Lately every single performance for me is such a struggle even doing ASAP.
"And it used to excite me a source of joy but now it give me so much anxiety.
"I still LOVE singing I do but performing on stage………maybe it’s part of getting old I don’t know. But it’s kinda of heartbreaking "
