Hindi nakapagpigil ang aktres na si Angel Locsin na magparamdam muli sa social media upang depensahan si Joaquin Arce laban sa mga tumatawag ditong “nepo baby,” makaraang mapabilang ng Star Magic artist sa Ultimate 8 ng Pinoy Big Brother (PBB): Celebrity Collab Edition 2.0.
Si Joaquin ay stepson ni Angel. Anak siya ng mister ng aktres na si Neil Arce sa dati nitong karelasyon.
Read: Joaquin Arce grateful for stepmom Angel Locsin’s support
Sa episode ng PBB nitong Miyerkules, February 25, 2026, humarap si Joaquin sa "The Ultimate Tapatan," kung saan tinanong siya ng dati niyang co-housemate na si Anton Vinzon tungkol sa umano’y pagiging privileged o “nepo baby.”
Matapang na tanong ni Anton kay Joaquin: "Do you consider yourself a nepo baby or na-influence ka lang ng pamilya mo dahil mayaman sila, may kaya, sikat or sadyang binoto ka lang gamit ang kanilang pera?"

Depensa ni Joaquin, hindi niya ginamit ang pangalan ng kanyang pamilya, lalo na ng kanyang stepmom na si Angel, para marating kung nasaan siya ngayon.
Saad niya: "Well, sinabi ko sa pamilya before coming here not to spend, and I believe that whatever I get, I should deserve.
"Everything I want to achieve in this industry as an actor, because it's my dream to be an actor, gusto ko na deserve ko siya.
"Kasi lagi akong tinatanong, 'Do you want to work with your stepmom? Do you want to work with Tita Angel in the future?'
"Lagi kong sinasabi na I think it's a prize to work with her. I think I have to deserve it. I think I have to be a good-enough actor to be able to act with her.
"And with that being said, I think if I were to win and if I were to want to deserve a spot here, I think I have to deserve it, dapat yung taumbayan ang pipili sa akin."
Ang sagot na ito ni Joaquin ay binigyan ni Anton ng hatol na “Truth,” na nangangahulugang naniniwala siyang nagsasabi ng totoo ang dating kapwa housemate.
Gaya ni Joaquin, si Anton ay anak din ng kilalang personalidad sa showbiz industry, ang action star na si Roi Vinzon.
Read: Mga rigodon sa loveteams; Karla, boto kaya sa Lella-Joaquin?
Samantala, walong “lie” at apat na “truth” ang ibinigay ng 14 iba pang former co-housemates ni Joaquin na nagsilbing jurors.
Angel reacts to “nepo baby” tag on Joaquin
Mabilis na pinag-usapan online ang tanong ni Anton kay Joaquin, kung saan maraming netizens ang kumuwestiyon sa pananatili pa rin ni Joaquin sa loob ng PBB house kahit ilang beses na itong nalagay sa alanganin matapos ma-nominate.
Ayon sa ilan, malaking bagay umano na isang “nepo baby” si Joaquin kaya siya nakarating sa Ultimate 8.
Ang nepo baby ay tumutukoy sa isang tao—kadalasang artista o public figure—na anak o kamag-anak ng isang sikat, makapangyarihan, o maimpluwensiyang personalidad. Kadalasan, nagkakaroon sila ng mas maraming oportunidad o bentahe sa kanilang karera dahil sa koneksiyon at pangalan ng pamilya nila.
Bagay na mariing kinontra ni Angel.
Read: Angel Locsin proud of stepson Joaquin Arce's maturity on PBB
Matapos ang ilang buwang pananahimik sa social media, nag-post si Angel sa X (dating Twitter) upang depensahan si Joaquin laban sa mga kumakalat na espekulasyon.
Ayon sa aktres, hindi kailanman naging kasalanan ni Joaquin na maging anak ng kanyang mister.
Ang kasalanan daw ay i-label itong "nepo baby," gayong lumaki ang binata na malayo sa karangyaan taliwas ng iniisip ng iba.
Pinabulaanan din ni Angel ang mga paratang na gumagastos siya ng malaking halaga upang iboto si Joaquin tuwing nalalagay ito sa alanganin.
Read: Angel Locsin’s funny reaction to Joaquin calling Lella "babe"
Aniya, hindi kagaya ng mag-asawang Sarah at Curlee Discaya, ang pera niya ay bunga ng kanyang paghihirap at hindi galing sa nakaw.
Sina Sarah at Curlee ay mga kontratistang sangkot sa mga anomalya flood control projects sa bansa.
Read: Philippine Flood Control Corruption: A Timeline
Mababasa sa post ni Angel (published as is): "Bihira lang akong mag social media ha. Pero nagulat ako sa comments ng ilang tao dito.
"Ano namang kasalanan ni Joaquin at naging asawa ko ang dad nya para ma-brand sya as nepo baby?
"Para namang hindi ako nag dyip o bus papuntang tapings ko dati. Kalevel ko pala si Discaya? Lol.
"Pero yung pera ko hindi galing sa nakaw. Yung 12k na boto ko kay Joaquin sa buong journey nya, baka dagdagan ko ma-asar ko lang yung ibang makagawa ng issue."
Dagdag pa ni Angel, kung gugustuhin lamang ni Joaquin na gamitin ang koneksiyon ng kanyang pamilya, matagal na sana itong nagkaroon ng proyekto at hindi na nag-audition pa sa PBB.
Pahayag niya: "My son could have asked me for a project, but ang hiniling nya is mag audition sa PBB.
"Wag bitter. Nakakapanget yan."
Social media users weigh in
Samantala, sa comments section ng post ni Angel ay bumuhos ang suporta para kay Joaquin.
Komento ng isang netizen: "Never ako bumoto this season ng PBB. Hindi rin ako masyadong updated pero parang gusto ko maglapag kay Joaquin. Kasi bakit parang kasalanan ng bata na famous ang parents niya?"
Sabi pa ng isa: "Considered nepo baby man siya o hindi. nambabagsak man kayo ng milyones o hindi. We know Joaquin naman as someone na magaling sa tasks, mabait, at hindi tamad sometimes lang po talaga may mga behavior and bagay rin siyang nagagawa sa loob kaya siguro ganun ang feedback ng ex-housemates."
"This is UNFAIR TREATMENT! lakas ng atake nila kay Joaquin! First of all, hinde niya kasalanan na ipanganak sa mayamang pamilya, at halos lahat naman ng housemates ay may kaya sa buhay, then why they treat joaquin like a BIG THREAT. He is making his own name in the industry," dagdag pa ng isa.
